Chapter 21

69.2K 1.4K 74
                                    

Both love and pain has the capability to change a man but the sweetest change may be cause by love.

WINTER AIZE ALTAMIRANO

"Saya natin ah?" Masiglang pansin sa akin ni Jared sabay tapik pa sa balikat ko at nakitabi na din sa akin dito sa gilid ng pool

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Saya natin ah?" Masiglang pansin sa akin ni Jared sabay tapik pa sa balikat ko at nakitabi na din sa akin dito sa gilid ng pool. Nahuli siguro akong nakangisi sa hangin.

"Paano yan hindi sasaya eh mukhang nakagood shot na siya kay Hera babes.." nakangising sagot sa kanya ni Taylor pero pinukol ko siya ng masamang tingin dahil sa pagtawag niya ng babes kay Hera ko.

Ewan ko nga din at napasugod sila dito ng nasa kalagitnaan na kami ng pagkain kaya heto kami at dito sa pool napagpasyahang tumambay habang may hawak na tig-isang beer in can.

Kunting inuman muna habang sina Mama at Hera ay nasa loob at ewan ko ba kung anong pinagtuturo ni Mama kay Hera at pinalabas pa ako dito at asikasuhin itong mga ugok kong pinsan. Kabanas!

Mabuti na lang talaga at wala dito si Lay kundi pauuwiin ko talaga sila kahit na ba bastos yun. Ayoko lang mapalapit pa siya kay Hera lalo na ngayong ramdam ko na ang tagumpay. Unti unti na din akong nakakapasok sa puso niya, sigurado ako dun.

"Umuwi na kasi kayo? Dapat nasa tabi niya ako eh...pero heto kayo at umeeksena.." sabi ko sabay lagok sa natitirang beer na hawak ko. They both heave a sigh of disapproval.

"Ay grabe naman Winter.... nagkagirlfriend lang wala nang pakialamanan ganun....paagaw ko si Hera kay Lay eh.." isang nakakamatay na tingin ang ipinukol ko kay Taylor dahil sa sinabi niya.

"Relax! Walang Lay na hahadlang sa love story niyo. Tanggap na niya na ikakasal na siya sa unknown specie." Natatawa namang sabi ni Jared. Buti nalang talaga at hindi ganun katradisyunal ang pag-iisip nina Mama para ipakasundo pa ako sa kung sino dahil lang sa pera o ano. Malas na lang ni Lay at natapat siya sa traditional thinkers sa angkan namin.

"Tsk! Kahit na sino pang lalaki ang maging kaagaw ko kay Hera....hindi ko siya ibibigay. Kahit na Intensity 10 pa na lindol ang dumating, hindi mayayanig ang pagmamahal ko kay Hera." Nakangisi kong saad dahilan para umakto silang nasusuka sa sinabi ko.

"Ang gross! Taena!" Ani Taylor.

"Takte! Nakakasuka Winter!" Mura pa ni Jared na sinabayan pa nila ng fist bump at tawanan na agad ding natigil ng may tumikhim sa likuran namin.

"Kuya rinig namin yun. Di ba Hera?"biglang sabat ni Summer sa usapan na kagagaling siguro sa loob at sa tabi niya ay si Hera na ngayon ay nakasuot na ng malaking sweatshirt. Good!

"H-huh? Wala naman akong narinig." Pagdedeny pa nito na halata namang may narinig dahil sa kahit gumagabi na ay kita pa din dahil sa maputi niyang balat.

Natawa na lang ako saka nakapamulsang tumayo at lumapit sa mismong harap niya. I love this version of her. Very feminine. Namumula na at nahihiya.

My PREGGY Brat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon