Chapter 8

77.6K 1.5K 55
                                    

Even the strongest person you know can also break down and cry at some point in time.

SUMMER HEETE ALTAMIRANO

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Pambungad kong tanong kay Hera pagkapasok ko pa lang sa kwarto ko. Umupo ako sa gilid ng kama na kinakahigaan niya ngayon. Patagilid siyang nakacurl ng higa habang yakap ang pokemon na stuff toy ko at di ko alam kong safe ba ang pagkakahiga niya para sa isang buntis. Mabuti nakashorts na din siya at hindi nakajeans.

Matapos kasi ang pagsusuka niya kanina ay di na sila bumalik ni Kuya Winter sa hapag. Nalaman ko na lang na andito siya ng sumama si Kuya sa pagpapaalam kina Mayor at sinabing nagpapahinga si Hera. Parang balisa pa si Kuya kanina habang sinasagot ang tanong namin. Kanina lang sa breakfast para na akong maiihi sa kilig dahil sa kanilang performance na hindi ko matiyak kong acting nga lang ba o itong si Kuya'y nadala na rin. Para kasi silang totoong magkasintahan kanina at alam kong hindi basta acting yung kakaibang pagngiti ni Kuya kanina habang nakatitig sa nakayuko kong kaibigan. Hindi ko nga lang alam kong tatablan nga ba si Hera ng charm ni Kuya.

"Nanghihina pa ako pero mamaya aayos din ang pakiramdam ko." Hindi pa din nawala ang angas sa paraan ng kanyang pagsagot. Napangiwi na lamang ako dahil ngayong hindi masyadong maayos ang pakiramdam niya hindi na siya magpupumilit lumabas. Alam ko namang may binabalak pa itong kaibigan ko na maghanap ng mapagtatrabahuan at malilipatan. Pero hindi ako papayag lalo na't may chemistry pala talaga sila ni Kuya.

"Masaya ka ba na may sakit ako?" Taas kilay bigla na tanong sa akin ni Hera. Napatakip ako sa aking bibig dahil nahuli pala niya akong nakangiti. Tumawa na lang ako saka kinuha at yinakap din yung hello kitty pa na stuff toy ko.

"Hindi naman. Di ko lang akalain na best actress ka din pala." Nangingiti kong saad dahilan para mapangiwi siya.

"Wala naman akong ginawa yung mayabang mong kuya lang ang magaling sa kasinungalingan at imbensyon. Dinamay pa ako." Mataray niyang bwelta. Hindi naman naalis nun ang ngiti ko.

"Well at least you acted like a demure lady. Sa pagkakakilala ko kasi sa'yo aayaw ka kaagad kapag ayaw mo sa sitwasyon. Pero yung kanina, considered na sinabayan mo si Kuya." Depensa ko dahilan para marahas siyang mapabuntong hininga.

"Wala naman ako sa teritoryo ko para gawin ang gusto ko." Napapailing na lamang akong sumuko sa pakikipagtalo sa kanya saka humiga sa tabi niya. Lagi naman kasi siyang may bwelta sa kahit anong sasabihin ko eh.

Kinahapunan ay bumuti naman ang pakiramdam ni Hera kaya pinilit siya nina Mama at Papa na magpacheck up sa OB ni Mama. Nakisama na din ako sa pagkumbinse sa kanya kaya sa huli'y wala siyang ibang nagawa kundi pumayag. Nag-aalala na kasi si Mama dahil halos magdadalawang buwan na siyang buntis pero hindi pa ito nagpapatingin sa doctor bukod doon sa unang araw na nalaman niyang buntis na nga siya.

Sumama si Papa at Mama pati syempre ako kaya batid kong nahihiya na ang kaibigan ko. Alam ko naman kasi na hindi siya sanay na pinagtutuunan siya ng pansin dahil kahit hindi siya makwento nararamdaman ko naman sa aura niya mula pa noon kapag may pinoproblema siya sa pamilya niya. Sa aming dalawa mas spoiled ako dahil siya kahit papaano ay may alam naman talagang gawin sa bahay gaya ng pagluluto dahil minsan na siyang nadulas noon sa pagkukuwento na kapag naiiwan siya ng magulang at ate niya sa bahay ay pinapanuod niya yung mga katulong at saka inaapply ang napanuod na paraan ng pagluluto kapag hindi na nakabantay ang kung sino sa kanya. Kaya masasabi kong hindi naman talaga siya yung tipo ng walang alam sa pagtatrabaho kaya din siguro siya nagpupumilit na magtrabaho para sa sarili at bumukod.

My PREGGY Brat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon