Chapter 30

59.4K 1.1K 84
                                    


Only a few men can actually
sacrifice and let go.

HERA GRACE MONTELLANO

"Marry my daughter as soon as possible. May anak na lang din naman kayo. Kawawa naman ang bata kong lalaking walang ama." Walang kagatol gatol na saad ni Daddy habang mariing nakatitig kay Clark na blanko ang ekspresyon ng mukha ngunit nakatitig sa akin.

Matapos ang yakapan session nina Mommy kanina ay nauwi kaming lahat dito sa sala ng mga Altamirano. Kanina pa ako hiyang hiya dahil sa pagdadala ko ng gulo sa pamilya at pamamahay nila pero nalamangan ng galit ko ang hiyang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Daddy.

Aalis alis sila tapos ngayon na may mayamang ama naman pala ang anak ko babalik sila. Para ano? Para mangialam ulit sa buhay ko?

"Kung bumalik ho kayo para dyan...pasensya na pero bumalik na lang kayo ulit sa pinanggalingan niyo." Walang respetong sagot ko sabay tayo at aalis na sana sa harap nilang lahat ng marinig kong muli ang galit na tawag sa akin ni Daddy.

"Hera! Wala ka na bang kahit kunting galang sa pamilya mo?" Galit na bulyaw niya sa akin pero nanatiling nakaharap ang likuran ko sa kanila.

"Itinakwil niyo na ako di ba? Ibig sabihin hindi ko na kayo pamilya. Makakaalis na ho kayo. Masyado na nga akong pabigat sa pamilyang kumukupkop sa akin ... dadagdag pa kayo." Puno ng pait na sagot saka nagpatuloy na maglakad papasok sa kwarto ko kung saan mahimbing pa ding natutulog ang anak ko habang nakabantay ang yaya nito.

Pagkapasok ko ay siya namang paglabas ng yaya at alam yata na kailangan kong mapag-isa. Pagkalock ko sa pinto ay siya namang pagpatak ng mga luha na ngayon lang ulit nagkalakas ng loob na umalpas.

Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa akin? Masyado ba akong masama? Wala na ba akong karapatang sumaya?

"Pasensya na sa abala. Mula pagkabata ganyan na ang batang yan...sadyang walang galang..." rinig ko pang hinging paumanhin ni Daddy at wala naman akong narinig na tugon mula sa isa sa kanila.

Mapait akong napangiti sabay takip sa bibig ko para hindi magising ang anak ko sa aking paghikbi.
Lalong naninikip ang dibdib ko sa isiping kawawa ang anak ko sa sitwasyon ko ngayong kay gulo.

Kung sana andito sana si Winter baka sakaling mawala itong kalahating dagan sa buong pagkatao ko. Kung sana ayos kami ni Summer baka bawas ito sa sakit na nararamdaman ko ngayon pero wala eh.

Hindi yata talaga ako karapat dapat sa kahit anong klase ng pagmamahal.

Saktong napatingin ako sa mahimbing na natutulog na baby nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Anak...aalis kami ngayon pero babalik pa din kami. Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ng Daddy mo. Para sa'yo din naman ito at sa anak mo." Anak?! Tskk Malumanay na ani Mommy pero hindi man lang yun humaplos sa puso ko. Malamang dahil batid ko namang hindi talaga out of love or care man lang ang sinasabi niya.

Mayaman si Clark. Sikat at nabibilang sa elite world. Yun lang naman lagi ang habol nina Daddy eh..ang karangyaan at pangalan.

May kinalaman kaya si Clark sa biglaang pagsulpot nina Daddy? Ganun na ba siya kadesperadong makuha si baby?


Ilang minuto din akong tulala lang habang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard. Kanina pa ako kinakatok para magdinner matapos kong marinig ang pag-alis ng sasakyan nina Daddy pero ni hindi ko makuhang sumagot.

My PREGGY Brat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon