Chapter 2

104K 1.8K 137
                                    

Friendship is more than seeing the most righteous side of a friend. It's about accepting her despite the countless flaws she has.

SUMMER HEETE ALTAMIRANO

"Bakit ba lagi mo akong inaaway? Bakit lagi mo akong sinusungitan? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ah." Naiiyak na talaga ako habang sinusundan ko pa din si Hera. Lagi kasi niya akong tinutulak pag nadadaanan niya ako.

Paharang harang sa daan! Tabi!

Yan ang naririnig ko laging sinasabi niya pag nakikita niya ako sa daaanan niya. Di naman kaya kapag may nakikipagkaibigan sa akin sisiraan niya ako sa kanila.

Tsk! Nakikipagkaibigan kayo diyan sa madaming kuto?!

Lagi na lang siyang ganun pero di ako galit sa kanya, gusto ko nga siyang maging kaibigan sana. Pero, di naman niya ako pinapansin. Wala naman siyang mga kaibigan basta gustong gusto niyang mag-isa pero sunod pa din ako ng sunod sa kanya.

"Umalis ka na nga lang sa harap ko. Gusto mo sapak?" Agad naman akong umiling. Cool din kasi siya saka astig, kaya madalas katakutan ng mga kaklase namin. Pero, di ulit ako natatakot sa kanya. Nagagandahan nga ako lalo sa kanya pag ganyan siya. Ang bata pa namin pero siya kaya na niyang ipagtanggol ang sarili niya.

"Sige na maging friends na tayo?" Pangungulit ko pero pinagkrus lang niya ang braso niya saka ako tinitigan ng masama.

"Di ko kailangan ng kaibigan, kaya ko mag-isa." Napanguso ako sa sinagot niya.

"Pero di ko kaya mag-isa, kailangan ko ng kaibigan at gusto ko ikaw yun." Pagpupumilit ko. Umiling iling naman siya bago nagsalita.

"Problema mo na yun." Aniya saka ako iniwan ulit na mag-isa. Ang bilis niya kumilos kaya di ko na nasundan kong saan siya nagpunta. Ganun lagi eksena namin noong Grade 1, kahit madalas inaaway niya ako, sinusundan ko pa din siya. Wala eh may lahi yata akong makulit.

Hanggang sa isang araw noong first day of school namin noong grade 2, hindi siya pumasok. Sobrang nalungkot ako, namiss ko din siyang makita noong bakasyon tapos sa firt day wala siya. Noong dismisal ay pumunta ako sa kung saan ko siya madalas sundan at di nga ako nagkamali dahil andun nga siya. Pero, hindi yung matapang at astig na Hera ang nakita ko. Yumuyugyog yung balikat niya, senyales na umiiyak siya.

Nilapitan ko siya saka tinapik ang balikat niya. Nang iangat niya ang tingin sa akin ay para siyang nakakita ng multo dahil sa panlalaki ng mata. Iniabot ko naman yung panyo sa kanya at agad naman niya itong kinuha saka dali daling pinunasan ang mga luha.

"Hindi ka pumasok, andito ka lang pala. Bakit ka umiiyak?" Nakanguso kong tanong at bumalik naman siya sa pacool niyang hitsura.

"Hindi ako umiiyak. Nagpapraktis lang ako para ako yung makuha na bida sa play. Parang yung play na ginawa noong mga grade 2 student noon." Depensa pa niya pero alam ko namang nagdadahilan lang siya. Di ko na lang siya pipiliting magsabi. Tinabihan ko na lang siya sa pag-upo.

"Palalabhan ko muna itong panyo mo saka ko ibabalik." Sabi niya. Tumango na lamang ako habang nakatitig pa din sa kanya. Bigla naman siyang tumayo.

My PREGGY Brat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon