Chapter 9

66.3K 1.5K 67
                                    


I badly need someone to lean on. My knees are weak, so faint, and down-and-out. My tears are falling, my pretention is over.

HERA GRACE MONTELLANO



Nanghina ang buong pagkatao ko. Dahil sa pagpapanggap kong malakas pati buhay na nasa sinapupunan ko nakumpromiso.

Simula noong nalaman kong may buhay na sa tiyan ko ang tanging naisip ko ay buhayin ito't pahalagahan. Pero habang nagigipit ako sa sitwasyon ay narealize kong napakahirap panindigan. Pregnancy is not a simple thing especially when you feel like your out of support.

Summer and her family is just here but it pains me a lot more dahil sa bawat kalinga at atensyon na ibinibigay nila sa akin nagiging punyal lang ito na tila tumutusok sa damdamin ko kasi sarili kong pamilya hindi ako magawang mahalin at tanggapin.

Dati naman wala akong pakialam pero ngayong alam kong may binubuhay ako sa loob ko, doon ko narealize na masakit pala talaga. Masakit maitakwil at nakakangalay maiwang nakabitin sa ire.

"The baby is healthy but i'm afraid that your body isn't responding well with your pregnancy. Mahina ang kapit ng baby...., so I require you a bed rest with limited movements lalo na ngayong first trimester."

I can't lose the baby.

Yun ang unang pumasok sa utak ko nang marinig ko yun mula kay Dra. Sanchez. Hindi ko kakayaning mawala na lang siya ng ganun pero yung buhay niya kapalit naman ay mga sakripisyong kailangan kong gawin.

I need to completely give up my pride. Kailangan si baby na lang ang isipin ko dahil kong iisipin ko pa ang sarili ko baka tuluyan na siyang mawala sa akin. My baby's life means I need to stop going to school. Kailangan ko munang tumigil para masigurado ang buhay niya.

For my almost 19 years of existense, this is probably the weakest moment of my life. Simula pagkabata, natuto na akong magtiis sa kung ano lang ang kayang ibigay na atensyon ng pamilya ko sa akin. Pero lahat yun, madali ko lang nadala basta ba may bahay pa din akong uuwian, may pagkaing kakainin at makakapag-aral ako, yun lang.

Ngayon, I was completely outcasted.

Sarili ko lang at yung baby ang meron ako at hindi ko pa alam kong ano nang gagawin ko. Takot, pangungulila at panghihinayang. Halo halong damdamin na lalong nagpapabuhos sa mga luhang ilang taon ko ding inipon sa kalooblooban ko. Hindi ko akalain na yung sonogram lang ng baby ko ang magpapahagulgol sa akin ng husto.

Agad namana kong dinaluhan nina Tito at Tita. Alam ko naman na hindi ko maitatago ang lagay namin sa kanila ni baby.

"Natatakot ako na mawala siya. Paano kong paggising ko isang araw, wala na siya." Hirap na sambit ko. Parang may bumabara sa lalamunan ko.

"Oo, hindi ko ginusto na mabuntis ng ganito at hindi ako ganun kabait na tao pero hindi ko ni minsan ginustong mawala siya." Naluluhang sinapo ni Tita ang mukha ko saka pinipilit na tumingin ako sa kanyang mga mata.


"Hera, you're strong. Kakayanin mo 'to okay? Just be strong and healthy for the baby. We will help you get through all this. Huh?" Nagbaba ako ng tingin habang ang mga luha ko'y wala pa ding patid sa pag-agos. Umiling ako dahilan para maalis ang pagkakasapo niya sa mukha ko.

"I'm the weakest. Hindi naman talaga ako malakas at matapang. Im just pretending to be one dahil nagbabakasakali akong mapansin din ng magulang ko pero wala eh. Wala akong napala." Puno ng pait at hinanakit na sagot ko dahilan para si Tito naman ang yumakap sa akin. Niyakap niya ako na para bang ipinaparamdam sa akin na pwede ko silang maging magulang at pamilya.

Hindi ko alam pero yung yakap ni Tito na yun kasama si Tita ay lalong nagpahina sa mga tuhod ko. Masaya ako pero mas nanaig sa akin yung sakit.

Kailan ba ako huling niyakap ni Mom at Dad ng ganito? Walang akong maalala.

Kaya ngayong nararamdaman ko na ang init ng yakap nila, parang gusto ko ulit magmakaawa na sana tanggapin ulit ako ng magulang ko. Na kahit alam kong wala ng babali pa sa desisyon ni Dad ay handa ulit akong sumubok.

Pero ng tumingin muli ako sa sonogram ng baby naisip ko na baka hindi ko na kayanin pa kapag tinaboy ulit niya ako. Baka this time, makarating na din kay baby ang sakit dulot ng rejection.

"Hera, you know you can always call us Mama and Papa. Hindi ka iba sa amin. We will be a happy family. And we are not just doing this out of pity or because of the baby but because we believe that you deserve great things in life. Everyone makes mistake pero hindi yun sapat para itakwil ng magulang ang anak, kaya kung ayaw nila sa'yo. Be with us." Hindi ko alam pero bigla na lang gumaan ang loob ko kahit papaano. Sana ganito sa akin si Papa.

"We may not be a perfect family coz we have a stubborn son but you can count on us." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Tito dahil sa naalala ko si Winter. I was surprised when he wiped my tears away. My Dad never dried my tears.

"We'll take care of the both you. Hmmm?" Tumingin ako kay Tita na nakangiti at tumatango ngunit may bakas pa ng luha ang kanyang pisngi. Nahihiya akong tumango as he pull me into another hug. Hindi ko alam kong parte ito ng mood swings or what but I encircled my arms around Tito's neck and buried my face on his neck.

"Can you be my Dad then?" Bigla ko na lang natanong dahilan para mapatawa ang mag-asawa. Tito gently patted my head then caressed my back.

"Sure."

"No way. I don't want us to be siblings." Kilala ko ang boses ng sumulpot na yun.

Tsk! Si Kuya Yabang.

Tumawa naman sila maging ang tawa ni Summer ay nadinig ko na sa malapit pero hindi na ako nag-angat ng tingin.

I happen to enjoy the scent of my new dad. Sarap sa pakiramdam.

Habang ineenjoy ko ang yakap kay Tito Art ay naramdaman ko na lang ang paglapit ni Summer sa amin hanggang sa yumakap din ito sa amin ng Papa niya.

"Welcome to the family bestfriend." Batid kong may guhit ng ngiti ang kanyang labi ng sabihin niya ang mga katagang yun.

I suddenly feel elated.

------

note: Salamat sa mga nagtiyagang maghintay sa update. Salamat ng marami lalo na sa mga nagvote and comment. Mwamwahhh....

Badtrip lang kasi nabura yung completed na story na sana nina Victoria at Last. Rewrite na naman ang peg natin. Nagloko si watty. Anyway, hope you all still can wait(:

SALAMAT(:

My PREGGY Brat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon