28 years old forever

2K 19 0
                                    

please vote and comment Foreword

Para sa Iyo, ang walang hanggang pasasalamat

  This goes to my 28 years old forever ang daming what if's sakin ha simula ng iwan mo ako. Hope to see you again at gaya nga ng sinabi ko sa sulat sana kaya ko ng matawag kahit man lang pangalan mo or I can easily see you smile w/out melting my knees.

And for you readers, sana mapasaya ko kayo kahit paano.

Chapter 1

" Are you sure tama ang daan ? "

Ask Clare to no one in particular, basta kung sino ang sumagot sa tatlong kaibigan niyang

kasama niya ngayon sa biyahe. Parang hindi niya kasi kabisado ang sinabing lilikuan ng

napagtanungan nila kanina sa gas station.

" Oo sabi ni kuya sa Gas station turned left daw duon na ang San Marcelino, don't worry from there alam ko na promise  " Apologetic na sabi ni Laurice. Ito ang nag-aya sa kanila sa one week vacation sa probinsiya nito bukod pa dito ay ikakasal ang Ate Vernice nito. Kaya napag-kaisahan nilang dito gugulin ang unang linggo ng sem-break.

" Sure ka na talaga ha? Baka mamaya bayan niyo na lang di mo pa matandaan" Si Lee. Ito ang pinaka mareklamo sa lahat pero pinaka efficient na kasama dahil may dalang emergency kit or pagkain sa tuwing may road trip sila.

" Ito namang si Madam Lee highblood. Makakakain ka rin " siniko ito ni Nikki. Napangiti siya si Nikki ang pina bata sa kanila pero pinaka malawak ang pasensiya pero palagi nitong kaasaran si Lee.

Ng makitang binabagtas na nila ang papasok ng Arko ng San Marcelino ay naka hinga siya ng maluwag. Hindi biro ang apat na oras na pagmamaneho mula manila, idagdag pa ang isang oras na pagkakaligaw nila at dahil siya lang ang may sasakyan at marunong magmaneho ay talagang napagod siya sa byahe.

" exciting, as in puro damo, puno at hayop lang tagala makikita natin dito? " naaliw na sabi ni Nikki. hinahabol ng tingin ang nadaraanang taniman ng palay.

" Meron namang mga establishments sa bayan kaso karaniwang bukid makikita ninyo." sagot ni Laurice.Napatango lang siya, hindi nito kailanman itinago na probinsiyana ito, iyon nga lang simula ng nakasama sila ay medyo nag loosen up ito  sa mga manang na damit.

" You actually spent your childhood here? buti buhay ka pa? " biro ni Lee.

" Its good in here, we have a farm in Mindoro " Nakangiting binalingan niya si Laurice ng lingunin niya sa Lee ay pinanlakihan niya ito ng mga mata. Alam niya kasing masyado itong pranka.

" Really? so next sem-break dun naman tayo?" tanong agad ni Nikki. Sasagot sana siya ng isang kambing ang mabilis na tumakbo sa harapan na kung hindi siya mabilis sa pagtapak ng preno ay masasagasaan niya ito. Kasabay ng paghinto ng sasakyan ay ang pagbundol ng kung anong bakal sa likuran ng bumper ng kotse niya.

'my baby ' napapangiwi niyang daing. 18th birhtday gift sa kaniya ng daddy niya five months ago ang Pink Honda City na ito. At tiyak niyang papagalitan siya nito pag nakita ang gasgas or worst yupi . mabilis siyang bumaba ng sasakyan para komprontahin kung sino mang bumangga sa kaniya.

My 28 years old foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon