chapter 5

359 5 0
                                    

Chapter 5

Umaga pa lang ay mas lalong naging abala ang lahat para sa kasal. Dahil kasama si Laurice sa entourage ay mas maaga itong nagising, Sila ang naging hairstylist/make-up artist ng kaibigan. At dahil Lilac ang motiff ng kasal ay napagkasunduang magsusuot sila ng dress ng may shade na lilac. Si Lee ay pinili ang off shoulder na dress dahil bagay sa mala modelong katawan nito ang tabas ng damit. Si Nikki naman ay naka tube dress while she choose to wear a haltered dress.

" Bawal magpabongga baka matalbugan natin ang bride !" saway ni Laurice pabirong pinandilatan siya nito.

" Wala na tayong magagawa diyan kay Clare " pakunwaring i-ningusan siya ni Nikki. Para daw kasing dumikit lang sa balat niya ang kulay ng damit na pinili niya -soft lilac na halos pumapantay lang sa kaputian niya.

" Ayaan na ninyo, inlove yan eh " natatawang sabi ni Lee.

Paglabas nila ng kwarto ay palabas na rin ang bride. Naunang silang bumaba ng hagdan dahil kailangan nitong makuhanan ng video at pictures. Nakita pa niya ang paghanga sa mata ni Gareth ng makita siya, Dito kasi sila sasabay.

" you are so breathakenly beautiful today" Bulong ni Gareth sa kaniya.

" And so are you " kinikilig na sagot niya rito. Nagpatiuna na silang pumunta sa simbahan dahil kailangan mahuli ng bride para sa grand entrance nito.

The Wedding seems to fall in right place and a match made in heaven. Na napaluha pa sila ng makitang parehong lumuluha ang bride at groom while declaring their wedding vows. Palihim na nagpapalitan sila ni Gareth ng tingin. she smiled at the though of Gareth and her at the altar together. Parang kinilig siya sa Idea.

Sa reception ng wedding ay nagulat pa ang lahat ng i-reveal sa lahat ng tao na ang mga bisitang babae ay miyembro ng isang all girl band- Better Than Sugar. Pinakiusapan sila ng celebrant na magperform sa stage.

" We know that you are guys surprised, my sister left me no other choice but to indulge her, as our wedding gift. I hope you guys will enjoy the rest of the day as Better Than Sugar rock the house tonight ! " pakilala ni Laurence.

Ito ang tumatayong lead singer ng grupo na itinatag nila a year ago sa escuelahan bilang part ng extra curricular activity. Dito naging mas matibay ang samahan nila dahil sa hilig nila sa musika bagay na halos hindi mapaniwalaan sa itsura nila. Iba-iba sila ng personality. Mula sa Kikay na si Nikki, ang super man-hater-playgirl na si Lee ang Prim and proper na si Laurence at siya bilang Rich and famous daughter. Simula ng mabuo ang banda nila ay naging in-house performer sila ng Bar and Resto ng family nila Lee.

Nakita niyang nagpalakpakan ang crowd na isa-isa silang pinapangalanan ni Laurence at hinihikayat na umakyat ng stage. Napaawang pa si Gareth ng tawagin ng kaibigan ang pangalan niya.

" No you are not " napapailing na sabi nito.

" And for our finale and our lead guitarist Clare " tawag ni Laurence sa kaniya. Napatawa pa siya ng lalong napakunot ang noo ng kasintahan.

" lead guitarist?" napaangat ang tingin nito sa kalangitan na para bang masasagot lahat ng sorpresa na natanggap tungkol sa pagkatao niya. Ni wala kasi itong idea na marunong pala siyang humawak ng gitara much more mag-compose ng kanta.

" surprise" nakangiti niyang sabi ginawaran ng mabilis na halik sa tungki ng ilong nito.

Ng makompleto sila lahat sa stage ay napatawa pa sila dahil  hindi nila nakuha pang magpalit. Pero na simulan nila ang pagkanta pawang paghanga at hiyawan ang nakuha nila, patunay na nag eenjoy ang lahat sa performance nila. Puro up beat song at ang iba ay para sa bagong kasal ang kinanta nila. Ang mga magulang ng probinsiyana at simpleng si Laurice ay nagulat din sa transpormasyon ng anak, akalain mong may talent pala ito. Tanging si Ate Vernice lang ang nakakaalam ng sikretong ito.

My 28 years old foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon