Chapter 4
Napangiti si Gareth habang pinagmamasdan ang natutulog na nobya sa sala. Hula niya ay nasikipan ito sa pwesto ng mag-kakaibigan sa kama niya kaya lumabas ito at napag-pasyahang sa divan matulog. Mabining humahaplos ang medyo brown at mahaba nitong buhok sa mukha, noong una niya itong makita ay iniisip niyang sadyang pinakulayan nito ang buhok pero ng makita niya ang hazle brown nitong mga mata ay naisip niyang talagang may ibang lahi ito.. Nagsisikip ang dibdib niya habang pigil ang hiningang hagkan ang mukha nito. Hindi niya alintana na nakalapit na pala siya at nakaluhod sa harapan ng dalaga. Pinagmasdan niya ang payapang anyo nito sa pagtulog.
'God, she looks like a goddess.' Anas ng isip. His eyes roamed on her face. Hindi mapigilang ngumiti ng maalala kung ilang beses siyang napangiti ng mga singkit nitong mata at ang biglaan pamumula ng mga pisngi nito sa tuwing mahihiya. Ng mapadako ang tingin niya sa medyo nakaawang nitong mapupulang labi ay kinailangan pa niyang mag-ipon ng lakas para ibaling ang tingin. Hindi niya alam kung anong klaseng biro ang dumating sa kaniya. Hindi niya naisip na darating ang pagkakataong iibig siya sa isang babaeng mas bata sa kaniya ng sampung taon sa uan pa lang pagkikita. Ng makita niya ito sa kauna-unahang pagkakataon ng nagdaang araw ay kinailangan pa niyang pigilan ang sariling halikan ang tila nag-aanyayang labi nito. At ng matikman niya ang mga halik nito ay tila siya isang baliw na hindi na gustong kumawala pa. Kung kalokohan man ang love at first sight mas gugustuhin niyang maloko na lang, 'wag lang pakawalan si Clare, his Clare.
“ Gareth “ bulong ni Clare na nagpagising sa diwa niya. Hindi nakamulat ang mga mata nito kaya't natitiyak niyang nananaginip ito. Napahugot siya ng hininga sa tuwa sa kaalamang maging sa panaginip ay siya ang laman niyon. Hindi niya pinigilan ang sariling halikan ang mga labi nito, mas mariin at mas matagal at huli na para bawiin dahil tumutugon na ito sa halik niya.
“ Sorry to disturb your sleep babe “ anas niya ng tumigil siya sa paghalik rito. Ng makitang nanlalaki ang mga mata ay hindi niya muling napigilang hawakan ang batok nito at muling halikan. Ng umungol ito at hawakan ang balikat niya ay hindi na siya nag-isip pa at pinangko niya ito sa kabilang silid.
Marahan niya itong hiniga sa kama habang hinahalikan. It send thousand shivers ng maramdaman ang pangangapos nitong ng paghinga at pangangatal ng mga kamay na banayad na humahaplos sa dibdib niya.
“ G-Gareth.. “ may takot sa mga mata nito ng maramdaman nitong naglakbay na ang mga kamay niya pababa sa dibdib nito.. Tila nahimasmasan siya ng makita ang mukha ng dalaga at maramdaman ang panginginig ng mga kamay. He uttered a silent curse. Pagkatapos ay marahan niya itong niyakap.
“ What has got in me, I'm sorry don't hate me for this baby. I lose control, damn I don't want to scare you “ Bulong niya habang yakap ito. Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa kawalan ng control.
“ I- I'm not scared, I like the feeling Gareth its, just its so new to me, hindi ako dapat matakot diba? “ nakangiti nitong tugon na lalong nagpatunaw ng depensa niya.
“ I know, I'm sorry I- “ Inawat nito ang sasabihin niya sa pamamagitan ng daliri nito.
“ Don't be, I promise I'll give it to you as soon as I'm ready “ Nakangiting sabi nito pagkatapos ay binigyan siya nito ng nagbabagang halik. Muli ay pinigil niya ang sarili habang tinutugon ng buong alab ang halik nito. Ng maghiwalay ang mga labi nila ay inaya niya itong lumabas para makapagkwentuhan sila. Inubos nila ang oras para kilalanin ang isa't-isa. Naabutan sila ng mga kaibigan na masayang nagbibiruan.
" What's wrong? " tanong ni Gareth sa kaniya. Kasalukuyan na nilang nilalakad ang pabalik ng Villa. They were holding hands while walking at nagsawa ang mga kaibigan niya ng kakabuska sa kanila buong maghapon.

BINABASA MO ANG
My 28 years old forever
Chick-Litmet at a right place and a right love but at the wrong time. she's eighteen while he's twenty-eight both found love But what happened five years ago will erase the past will heart remember what mind forgets?