chapter 11

294 6 0
                                    

still reminds me of the past. paano kaya kung tinawid natin ang maraming 'what ifs' na ito. Maybe then....

" At bakit hindi ko alam ang tungkol dito ! " malakas na tanong na halos pumuno sa buong mansiyon ng mga San Marcelino ng umagang iyon. Napatingin sila sa isa't- isa ng maulinigan ang boses ni Makoy at ang pakikipagtalo nito sa kararating lang na si Yanna.

" Kami ang immediate family Yanna, at wala kang karapatang kwestiyunin ang mga hakbang na ginawa namin para manumbalik ang alaala ni Gareth " Matigas na pahayag ni Mackoy.

" Walang karapatan ? I'm his fiancee remember ? " Nanunuyang taong nito.

" Is that true or you just pretending to be his Fiancee ? " di nakatiis na tanong niya rito. Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kaniya. Totoong malaki ang pinagbago niya pero ganoon din ito. Tila napakalakas ng personalidad nito. Parang mas lalo itong naging kumpiyansa sa sarili.

" So  totoo pala talagang nandito ka ? Obviously wala siyang natatandaan kahit ano sa iyo Clare, kaya 'wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo kay Gareth " tininggnan siya nito mula ulo hanggang paa.

" Kaya ba ginamit mo ang sitwasyon niya para magpanggap na ikaw ang mahal niya. " Inis na tanong ni Nikki.

" Mahal niya ako, paggising niya ako ang natatandaan niya at hindi ikaw, iyon ang mahalaga. " Sansala nito habang nakaharap sa kaniya.

"Maaring ikaw ang natatandaan niya sa ngayon, pero oras na bumalik ang alaala niya magsisisi ka Yanna " wika ni Makoy napatiim bagang ito sa sinagot ng babae.

" Sisiguraduhin ko na kasal na kami oras na bumalik ang alaala niya Mak dahil marerealize ni Gareth na ako lang ang nagmahal sa kaniya at hindi siya iiwan kahit anong mangyari ? " tininggnan siya nito ng nang-uusig bago tumalikod at tinungo ang silid ng binata. Bigla siyang kinabahan sa determisasyong nakita niya sa mata ni Yana.

" Can we do something para hindi makapasok ng pamamahay natin ang babaeng iyon ? " naiinis na tanong ni Laurice.

" That's impossible hindi natin pwedeng palabasin na inis tayo kay Yanna baka magmukha tayong kontrabida sa harap ni Gareth " sagot ni Vernice.

" I'm sorry Clare, hindi ko alam na aabot sa ganito " hinging paumanhin ni Makoy.

" You don't need to say sorry I want to claim what is mine, mahal ako ni Gareth iyon ang panghahawakan ko at ayokong umurong sa laban na ito, not now"

Sabay-sabay lang tumango ang mga ito.

Naging mas mahirap ang plano nila ng dumating si Yanna mas naging attentive ito sa binata at kapag mayroon silang therapy session ay laging itong nakabantay sa kanila. Katulad na lang ng umagang iyon hindi niya alam kung sinasadya ba o hindi ni Yanna pero talagang pinapakita nito sa kaniya kung gaano ito ka-sweet kay Gareth.

“ Gusto mo pa ba? Or you want me to peel the orange for you ? “ Malambing na tanong nito sa tila naasiwang si Gareth. Nasa lanai ang mga ito at napagpasiyahan ng dalagang doon sila mag-session.

“ Ipatawag mo na lang ako kay Nanay Lucing Gareth kung ready ka na sa therapy ? “ sabi niya ng akmang tatalikod.

“ No, tapos na talaga akong mag-almusal. Why don't you go to Vernice para makapamasyal kayo. “ sabi ni Gareth pagkatapos ay bumaling kay Yanna.

“ I don't want. Gusto kong makita kung gaano kagaling ang private therapist mo “ Sabi nito habang nakatingin sa kaniya ng nanguuyam. Nagkibit na lang siya ng balikat pagkatapos ay sinumulan ang therapy ng binata ayaw niyang ubusn ang oras para mainis rito.

“ How do you feel about the sunrise ? “ tanong ni Gareth na nagpaangat sa mukha niya. Nanlumo siya ng makitang nakatingin pala ito sa katabing si Yanna.

“ Its boring “  walang buhay na sagot nito. Nakita niyang bahagyang kumonot ang noo nito.

“ I thought you said you love to see sunrise ever morning dito sa lanai ? “ Takang tanong nito. Nakaramdam siya ng pamamasa ng mga mata ng maalala ang pamilyar ng usapan nila minsan limang taon na ang nakakalipas.

' I'm beginning to love the sunrise here “ sabi niya kay Gareth isang umag habang nasa lanai..

“ Really ? “ nakataas ang gilid ng mga labi nito habang nakangiti at yumakap sa likuran niya.

“ Opo, every sunrise reminds me of new beginning with you ? “

“ Ha? Sinabi ko ba 'yon? I'm sorry honey nakalimutan ko na siguro, alam mo naman it's been so long “ nasabi lang nito na parang walang anuman ang sinabi nito.

“ Those are the most important memory na ayaw kong kalimutan Hon “ masuyong sabi nito. Kinailangan pa niyang iiwas ang tingin ng makitang hinawakan nito ang mga kamay ni Yanna.

“ Same here “ tila kinikilig pang sabi nito pagkatapos ay pasimpleng tumingin sa kaniya. Pigil niya ang sarili ng tumayo.

“ I think, okay na muna itong session natin. May kailangan kasi kaming puntahan ngayon sa bayan. Maiiwan ko muna kayo “ Mabilis na paalam niya sa mga kaharap. Hindi na niya hinintay pang tawagin pa siya ni Gareth. Nagtaka siya ng makita niyang nakasunod ito sa kaniya paakyat ng hagdan.

“ Are you always like that ? “ sikmat ni Yanna. She rolled her eyes pagkatapos ay tumingin dito.

“ I don't know what are you talking about “ Walang buhay niyang sabi rito.

“ Pwedeng 'wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo kay Gareth? Can't you see wala ka ng puwang sa buhay niya. You are totally erased. “ Nang-aasar pang sabi nito.

“ Kung totoong nakalimutan na niya ako bakit mas naalala pa niya yung mga pinagsamahan namin kesa sa iyo? “ Taas noong tanong niya.

“ Wala akong alam sa pinagsasabi mo. “ Iwas nito.

“ Really, ilang memories namin ni Gareth ang ninakaw mo Yanna or I might say ilang beses kang nagpretend na ikaw ang kasama niya at hindi ako sa mga oras na may naalala siya? “ Pilit ang ngiting sabi niya rito.

“ Hindi ka lang magaling na teraphist Clare marunong ka ring gumawa ng kwento. Gareth loves me at kung hindi pa man niya ako mahal i'll make sure na mahuhulog ang loob niya sakin bago pa man siya makaalala “

“ You're crazy Yanna “ Tila di makapaniwalang sabi niya rito.

“Yes, crazy in love with Gareth, at ngayon nasa akin na siya hindi ako papayag na maagaw mo pa “ Sabi nito pagkatapos ay tumalikod. Nagpupuyos ang loob niya habang hinahabol ito ng tingin.

Napabuntong hininga si Gareth matapos siyang iwan ni Yanna. Ito ang kasama niya sa buong maghapon  and funny dapat masaya siyang kasama ito katulad ng ipinapakita nito sa kaniya pero hungkag ang puso niya, tila may hinahanap siyang ibang presensiya.

'baby ' wala sa sariling bulong ng isip. Tila isa itong pamilyar na tawag na matagal ng hindi namutawi sa bibig niya pero laman lagi ng alaala niya.

'kahit hindi ako maalala ng isip mo, pwedeng subukan mong alalahanin ako ng puso mo?'paulit-ulit na iniisip niya ang mga sinabi nito ng nagdaang gabi dahil hindi siya pinatulog ng mga halik nito.

No, halik na pinagsaluhan nila, dahil tumugon din siya sa halik nito.

Nasapo niya ang ulo. gusto niyang alalahanin ang mga sinabi nito pero hindi niya maapuhap sa isip. Wala sa sariling naphiyaw siya.

Bakit iba ang pakiramdam niya tuwing nasa paligid si Yanna, parang laging may kulang.

At bakit kapag kasama niya at nasa paligid lang si clare ay parang nagliliwanag ang lahat.

could it be? Pero bakit si Yanna ang kasama niya sa mga nakalipas na panahon. At bakit hindi si Clare?

My 28 years old foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon