chapter 2

612 8 0
                                    

this is part two . hope you vote and leave comment

Chapter 2

They choose to stay at one room, silang apat na magkakaibigan ay piniling mag stay sa kwarto ni Laurice. Katuwiran ng isa't-isa na hindi sila makakapagkwentuhan kung magkakahiwalay. Pagpasok pa lang ng silid ay hindi na napigilan ni Lee at Laurice ang tumili habang binabato siya ng unan.

" Uuuy! Na love at first sight! " sabi ni Nikki. Mas excited pa ang mga ito kesa sa kaniya.

" Anong pakiramdam? " tanong ni Lee halatang kinikilig din ito para sa kaniya.

" Omigosh! I can't breathe! " ipinaypay pa niya ang kamay sa mukha na tila hihimatayin. Napahawak siya sa dibdib at madramang humiga sa kama.

" One thing for sure, kuya Gareth has crush on you too! " tili ni Laurice. Napabangon siya.

" Y-you think so ? " tila nag-aalangang tanong niya rito.

"Ano ka ba? Hindi ba obvious sa tinginan ninyo? " Tanong ni Lee.

" Eh, bakit ikaw kung magtinginan kayo ni Kuya Makoy  ? " tudyo ni Nikki napatingin ito kay Laurice, tila sinesenyasan na pagkakataon na para asarin ito.

" E-excuse me wala akong crush sa kuya ni Laurisa. Hindi ko kaya type ang mga katulad no'n, mukhang babaero " nagkatinginan lang sila.

" amen" halos sabay-sabay na sabi nila rito.

Pinandilatan lang sila nito. Halatang napikon ito sa biro nila dahil nagpaalam itong mauuna sa banyo.

" Mabait si kuya Gareth, at malambing, maalaga pa sa aming lahat. Kung magiging girlfriend ka niya I'm sure he will be the best boyfriend ever at for sure na--"

"Hep, hep, hep hinay-hinay lang. 'Wag mo namang masyadong i-build up sakin ang pinsan mo baka ma-overwelmed ako " saway niya kay Laurice. Parang nararamdaman na niya ang pakiramdam ng inaatake sa puso. Parang any moment mag-ko-colapse siya sa kilig na nararamdaman.

" okay, ganito na lang paano kung manligaw siya sa iyo? " tanong ni Nikki pagkuwan.

" Honestly, I really don't know I mean you know me guys right? We've been together since day one sa college at alam ninyong wala akong naging boyfriend. The feeling is so new to me " halo-halo ang nararamdaman niya na hindi niya kayang itago pa sa mga ito. Ganoon sila ka-close ang sekreto ng isa ay sekreto ng lahat. Maybe that's what keeping them together.

" I bet my life kung pag-alis natin ay hindi mo siya magiging boyfriend " Natutuwang sabi ni Laurice.

" para namang napaka easy ko naman niyan "

"easy? hello nasa anong century ka na ba? 'Wag ka ng magpakipot pag niligawan ka kundi babatukan ka namin" sabi ni Lee na kalalabas lang ng banyo. 

Parang fiesta ang hapunan sa bahay ng mga San Marcelino, nagpaluto ang Mommy at Daddy nila Laurice ng masaganang hapunan. Tuwang-tuwa ang mga itong nakilala silang mga kaibigan nito. Marahil dito nagmana si Laurice sa pagiging down to earth. 

" I'm sure na mag-eenjoy ang mga kaibigan mo rito Risa. Ipasyal mo sila sa beach bukas. Tutal naman two days pa bago ang kasal ng Ate Vernice mo. " Sabi ng Mommy Lita nito. Kadarating lang ng mga ito galing sa Cruise kasama ng Mommy ng mapapangasawa ni Vernice.

" Nagplanuhan na po namin na after ate Vernice's wedding na lang po, kasi hindi kami makakapag pa-tan niyan " sabi ni Laurice. Ito kasi ang tatayong Maid of honor sa much awaited na wedding ng Ate Vernice nito. Dahil after eight years ay napagpasyahan nito at ng Daddy ni Jiro na magpakasal sa simbahan. Matagal din kasing naghiwalay ang mga ito due to some emotional issue at ngayon ngang back to each other's arms ay tila nilalanggam ang mga ito sa ka-sweet-an.

My 28 years old foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon