so eto na po ang 6th part... sorry for typo errors.. i'm just starting. bear with me and comments or suggestions are very much welcome.
Chapter 6
" Alam mo sa totoo lang nakakahilo ka ha may isang oras ka pa bago mag nine " natatawang sabi ni Laurice. Nakaroba siya at kanina pa siya paikot-ikot dahil iniisip niya kung anong isusuot niya.
" sabi ko kasi sayo mag nighties ka " humahagikgik na sabi ni Nikki. Pinandilatan niya ito.
" Ano ba kayo-- " napatigil ang pagsaway niya sa mga ito ng makarinig sila ng mahinang katok.Nagkatinginan sila. Lumapit si Nikki sa pinto at nakahinga siya ng maluwag ng makita ang katulong na si Lisa ang nasa pinto.
" Pinabibigay po ni Sir Gareth kay Ma'm Clare " sabi nito saka inabot ang isang malaking box. Bago ito umalis ay nagbilin pa na hihintayin daw siya ni Gareth sa Lanai.
sabay-sabay silang napasinghap ng makita ang laman ng box.
"wow " namanghang sabi ni Nikki ng itaas niya ang isang white chiffon mini dress.
" Well,mukhang tapos na ang problema mo sa isusuot mo " si Lee, na hindi rin maitago ang paghanga sa damit.
"at bagay sayo naku excited na ako, ayusan ka na namin meron na lang tayong forty minutes " sabi ni Laurice saka mabilis siyang hinila paupo sa harap ng dresser. natuwa siya dahil lahat ng mga kaibigan niya ay tumulong sa pag aayos sa kaniya.
Napangiti siya ng nakatitig sa kaniya si Gareth sa dulo ng hagdan. yun nga lang muntikan ng sumala ang paa niya ng asarin siya ng mga kaibigan niya.
' careful baka madulas ka ' humahagikgik na sabi ni Nikki.
" shhh" saway niya sa mga ito.
The dress made her look like a goddes sabi nga ni Lee. Hinayaan niyang nakaladlad ang buhok at kinulot ang mga dulo nito. She wear light make up that much look like natural.
" My girlfriend is a goddes " humahangang sambit ni Gareth ng tuluyan na siyang makababa.
" So are you " hindi niya mapigilan ang paghangang nararamdaman. Gareth is wearing a three piece black suite that made him look more dangerously handsome.
" so where are you taking me " tanong niya rito ng makasakay na sila sa kotse.
" surprise " tinapunan lang siya nito ng tingin habang nagmamaneho.
Hindi inaasahan ni Clare na sa Piñahan siya dadalhin ni Gareth malapit lang sa cabin ng mga ito,at sa pagkamangha niya ay lahat ng nakapalibot na punong mangga ay napapalibutan ng mga japanese lantern sa gitna nito ay ang ang ang mesa na na may pandalawahang upuan.
'a candlelight dinner ' naee-excite na hiyaw ng isip. Gustong matunaw ng mga buto niya sa kilig na nararamdaman.
" What can you say ?" tanong nito habang ginigiya siya paupo.
" T-this is--- '
" Romantic? " tanong nito. Napatango siya.
" very romantic "
" At dahil diyan, meron kang special reward " binigay nito sa kaniya ang isang bungkos na yellow roses "
" How did you know that its my favorite color" takang tanong niya.
" Your friend is very much willing to cooperate that they decided to join the celebration " sabi nito. Napa-awang ang labi niya.Hindi na ata nito kailangang magpaliwanag dahil nakita na niyang lumalapit si Makoy na gumaganap bilang waiter nila nakasuot pa ito ng suit na pang waiter. Nakita rin niyang isa-isang nagsiupo sa makeshift stage ang mga kaibigan niya at nagsimulang kumanta ng love song.
" They knew all along? " tanong niya sa nobyo. Napangiti lang ito at tumango.
" I guess they tried thier very best not to blow the surprise "
" T-this is all for me? " naiiyak na sabi niya rito.
" Wait, why are you crying? " nagaalalang tanong nito sa kaniya.
" I don't know its all new to me, the kiss, this date, the feelings that I'm having right now, this is very new to me"Hindi niya mapigilang mapahikbi.
"Don't you know that I will do everything just for you? Call it anything you want, whirlwind romance or not All I can say is I love you, I don't want to lose you " Madamdaming sabi nito sa kaniya habang pinapahid ang mga luha niya.
" Your not going to lose me Gareth, I'm yours since day one remember? " nakangiti niyang sabi rito.
" I know, but you are still young, Lets wait, I mean I'm going to wait till you are ready to be my wife " sabi nito isang singsing ang inilitaw nito sa pagitan ng mga mukha nila " Hindi lang siya ang napasinghap kundi pati ang mga kaibigan niya.Napatingin siya sa mga ito at katulad niya bakas ang pagkamangha at saya sa mga mukha nito.
"G-Gareth "
" I want you to wear this until time comes that I will ask you that famous question baby, for now wear this so you can hold on to my promise " sabi nito at agad isunuot sa kaniya ang singsing na may di kalakihang diamond stone. Naluluhang tininggnan niya ang kaniyang daliri.
" I love you Gareth, please wait for me I'm not going to fall in love to anyone else but you " puno ng determinsayong sabi niya rito. Isang marubdob lang na halik ang isinagot nito sa kaniya.
Naging masaya ang mga sumunod na oras sa pagitan nila ng kasintahan kasama ang mga kaibigan sa paligid nila.
"All set " pilit na ngiti ang binigay ni Gareth kay Clare ng tuluyang maipasok ang huling gamit sa loob ng trunk ng kotse ng nobya. Tininggnan niya ito muli at muntik ng mapamura ng makitang nagsisimula na namang tumulo ang luha sa namumugto nitong mga mata.
" Baby, please, 'wag ka ng umiyak. Baka hindi ka makapag drive ng maayos sige ka, mag-aalala na naman ako" masuyo niya itong hinila.Saka malalim ng huminga. 'anong ginawa ng babaeng ito sa kaniya na nagawang pukawin lahat ng emosyon niya sa loob lamang ng ilang araw.
" I'll miss you Gareth. " mahinang sabi nito sa kabila ng hikbi.
" I know, ako din naman. In two weeks dadalaw ako sa inyo para pormal na magpakilala sa parents mo, kaya 'wag ka ng malungkot okay, isa pa anong silbi ng internet at cellphones " pilit niyang pinasaya ang tinig. 'yeah he'll gonna miss his baby.
"I'll wait for you " sabi nito ng igiya niya itong pasakay sa driver's seat.
" start counting from this moment babe " masuyo niya itong hinalikan sa labi.Agad siyang tumalikod dito dahil baka hindi niya mapigilan ang sariling ilabas ito ng saskyan at 'wag ng pauwiin. Nasa lanai na siya ng marinig ang ugong ng papalayong sasakyan nito.
Tutuparin niya ang pangakong dadalawin ito sa mismong bahay ng mga ito pagkatapos ng dalawang linggo. Mahal niya ang dalaga at alam niyang isang sugal ang alukin ito ng kasal sa takdang panahon, but he take risk still. Gusto niyang panghawakan na walang ibang mamahalin ang batang puso ni clarence kundi siya lang.

BINABASA MO ANG
My 28 years old forever
ChickLitmet at a right place and a right love but at the wrong time. she's eighteen while he's twenty-eight both found love But what happened five years ago will erase the past will heart remember what mind forgets?