chapter 9

319 7 0
                                    

For me this is the most heartbreaking part. Feeling ko ako si Clare ng moment na ito. Na parang bumalik sa akin lahat ng damdamin ni Clare.

- All the best

Feels like deja vu habang tinatahak nila ang daan papuntang San Marcelino, ang kaibahan nga lang ay hindi siya ang driver kung hindi si Laurice.

" Are you ready ? " Untag ni Lee, halatang malayo ang tinatahak ng isip niya kaya siguro nagtanong ito.

" I need to be ready, going back here is just like going back to the past when we are only eighteen alam kong marami ng nagbago. "

" Basta, what ever happens andito lang kami para sayo, just dont give up on him easily Clare " wika ni Laurice nakatuon ang mata nito sa pagmamaneho at hindi niya alam kung ano ang tinatakbo ng isip nito.

Bahagya siyang nakaramdam ng panlalamig ng tumapak ang paa niya sa harap pa lang ng mansiyon ng mga San Marcelino. She felt the familiar scent of the place. Walang nagbago kung ano ang itsura nito noong umalis siya ay ganoon pa rin. Ang mga kaibigan niya ay paminsan-minsan bumabalik sa lugar na ito. Lalo na si Lee na umamin kagabi na may nararamdaman pa rin kay Makoy kahit na matagal na ang mga itong magkahiwalay.

" Welcome back Clarence " Masuyong pagbati ni Vernice yumakap ito sa kaniya maging ang batang si Jiro na ngayo'y nagbibinata na.

" I-Its good to be back Ate Vernice "

Maging ng dumating si Makoy ay hindi niya mapigilang yumakap rito. Hinalikan siya nito sa noo.

" He's waiting for you " Napatingin siya rito, pagkatapos ay sa mga kaibigan. Isang ngiti lang ang ginanti ng mga ito. Pagkatapos ay bumalik ang tingin niya kay Makoy.

" G-galit ba siya sa akin ? " Tumingala siya rito upang makitang saglit na nagkalambong ang mga mata nito.

" Hindi kailanman siya nagalit sa iyo Clare or sa parents mo, go, nasa lanai siya hinihintay ka niya"

Iginiya siya nito papasok.hindi na daw siya nito sasamahan upang magkaroon siya ng pagkakataon makausap itong mag-isa. Parang gustong mapako ng mga paa niya dahil sa sobrang kaba.

Parang bumibigat ang mga paa niya habang tinutungo ang Lanai, napakaraming alaala na napuno sa lugar na iyon.

' would you like to see the sunrise with me? ' naalala niyang tanong nito sa kaniya noong unang araw niya bilang bakasyunista sa lugar na ito.

Napabuntong-hininga siya habang papalapit sa lugar, ipinangako niya sa sariling gagawin ang lahat para bumalik sa kaniya si Gareth.

Napahawak siya sa dibdib ng masilayan ang pamilyar na bulto ng binata, nakatalikod ito at nakatanaw sa paligid naka-upo ito sa wheelchair. Naikwento rin sa kaniya ni Laurice na nasa wheelchair pa rin ito dahil on going pa rin ang therapy nito sa kaliwang paa.

Hindi pa man siya nakakahuma ay dahan-dahan itong humarap, nahugot niya ang hininga ng makita ang pamilyar na mukha nito.

'Gareth'

Bulong ng isip. She gazed at him lovingly, his chinky eyes, same thin lips at ang matangos nitong ilong same Gareth he used to know. At parang gusto niyang tumakbo sa mga bisig nito at magpakulong muli sa yakap nito just like old times. When he was twenty-eight and she was eighteen.

" Miss? " napabalikwas siya sa tanong nito, bahagyang nakakunot ang noo nito.

"H-hi, how are you ? " She don't have any idea why she trembled.

" I'm okay? Are you looking for someone? " Tila inaarok nito ang kabuuhan niya and she wanted to run away.

'No. not now Clare' hiyaw ng isip niya.

" D- Did'nt you remember me babe? " Nasasaktan na tanong niya dahil sa walang Bakas na rekognisyon sa mukha ng binata.

" I'm sorry pero hindi kita kilala. " Blangkong ekspresyon na sagot nito.

Tuluyang nalaglag ang luha sa mga mata ni Clare sa sinabi ni Gareth.

" No, don't say that. Its me Clarence. Don't you remember ?" tanong niya rito hinawakan niya ang mga kamay nito pero agad din nitong binawi. Bakas pa rin sa mga mata nito ang pagkalito.

" I'm sorry miss pero baka nagkakamali ka,  -- "

"Its me Clare hindi mo ba ako natatandaan? I'm your girlfriend pati ba 'yon nakalimutan mo? " Muling tanong niya, hindi niya alam kung bakit paulit-ulit niya itong tinatanong gayung puro kalituhan sa mukha nito. At gusto niyang pangapusan ng hininga sa nararamdaman. Parang mas gusto niyang galit ito sa kaniya kesa sa hindi siya maalala.

Saglit itong napahinto na tila may pilit na inaalala. Pagkatapos ay muling napailing.

" No, I don't remember anything and its impossible for you to be my girlfriend when I'm already engaged "

"e-engaged? " tila pangangapusan siya ng hininga sa sinabi nito.

" Yeah, her name is Yanna. Kilala mo ba siya? Are you a family friend? " Iyon lang at tila gumuho ang mundo niya sa sinabi nito. Bahagya pa siyang napahawak sa noo dahil sa naramdamang pagkahilo.

" Are you okay? ano nga uling pangalan mo? " tanong nito na lalong pumatay sa kaniya.

" I'm okay, and my name is Clarence.,  I t-think I should go now ? "

" Are you sure " tanong nito ng nasa pinto na siya.

Napahinto siya sa tanong nito, at sa nanlalabong mga mata ay nakita niya ang papalapit na si Makoy na nagmamadali sa  napipintong pagbaksak niya.

My 28 years old foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon