chapter 7

312 4 0
                                    

" No!" nagproprotestang napatayo siya sa sinabi ng ama. Gulat na napalingon sa kaniya pati ang mommy niya. One week matapos pagkarating niya galing sa bakasyon ay eksaktong araw na dumating ang mga magulang niya galing sa isang business trip. Tila sabik pa ang mga itong ibalita sa kaniya kinabukasan sa almusal ang mga plano ng mga itong mag-migrate sa Canada.

" Clare what did you say ? " Kunot-noong tanong ng daddy niya- si Mr. Legarta.

" I don't want to go with you to Canada daddy" sabi niya rito.

" What are you saying Clare, we've been planning this for such a long time darling "

" Please daddy pwede naman akong maiwan dito diba? " Pakiusap niya rito.

" That's very impossible Clarence, sasama ka sa amin ng daddy mo " matigas na pahayag ng mommy niya.

Nagpapanic na napatingin siya sa ina.

" Ma, ayoko. I have a boyfriend al---"

" boyfriend!" magkapanabay na sigaw ng mga ito.

" And who gave you the permission to have a boyfriend while your still at school? " kunot noong tanong ng daddy niya.

" Where did you met this guy ? " ang mommy niya na obvious na hindi sang-ayon sa sinabi niya.

" p-pinsan ni Laurice mommy, nung magbakasyon kami sa kanila "

" naging boyfriend mo ang lalaking ito sa maikling panahon lang, for heaven's sake Clarence what has got into you? "

" Ma, hindi siya basta lalaki lang he is a business man at the age of twenty eight at mahal niya ako he is responsible " nakita niyang bahagyang napahawak sa batok ang daddy niya. She love this two person at ayaw niyang masaktan ang mga ito, pero hindi siya papayag na malayo kay Gareth.

" I demand you to stay away from this guy Clarence " matigas na utos ng ama niya.

" N-No Daddy I love him " umiiyak ng sabi niya.

" Anak your still a kid, anong malay natin kung anong plano sayo ng lalaking iyon, he is ten years ahead from you marami ka pang makiki---"

" Ma, wala akong ibang mamahalin kundi siya lang, Gareth promise to marry me as soon as I turned at the right age " napasinghap ang Ina niya sa narinig

" Marriage ! Kung ano-ano ang pumapasok sa ulo mo, napakabata mo pa para mag-isip ng ganiyan. I want you to stop this nonsense dahil dadalhin kita sa Canada wheter you like it or not!" may pinal ang salita ang ama niya, ng tinggnan niya ang mommy niya ay napahagulgol na lamang siya at patakbong tinungo ang sariling silid.

Katulad ng nakagawian, dahil hindi pa oras ng chat nila ay tinawagan niya ang nobyo. Alam niyang sa mga oras na ito ay nasa farm ito.

" Baby? " nag-aalalang tanong ni Gareth sa kabilang linya ng hindi niya magawang magsalita dahil pinipigil ang pag-iyak niya.

"I'm leaving Gareth " pahikbi niyang bungad pagkatapos ng mahabang sandali.

" What? What do you mean, l-leaving where? lease explain " tila naalarmang tanong nito.

pinaliwanag niya ang napagusapan nila ng mga magulang niya.

"G- Gareth ? " kinakabahang tanong niya sa kabilang linya, nanahimik kasi ito.

" Lets talk tomorrow baby " anito pagkatapos magpakawala ng mahabang buntong-hininga.

" N-No gusto kong malaman kung ano ang sasabihin mo "

" I will be there before lunchtime, I'll talk to them " Tila nagliwanag ang buong paligid sa sinabi nito at gumaan ang pakiramdam niya.

" Y-You will talk to them ? "

My 28 years old foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon