Chapter 1----Crush ko!

286 7 9
                                    

<a/n: January po ang start ng time ng kwento natin.>

Ako si Pamiela (Pa-me-la) Raine Luna. Apelyido ko yung LUNA. Hontoroy nu? Baka sabihin niyo kasi pangalan ko pa din yun. Grabe na. Ang tamad na masyado ng magulang ko magpangalan kapag ganun. Simple lang naman ako. Ordinaryo. Lewls~ Simple na nga, ordinaryo pa? Pero kung may Ms. Congeniality award sa school, ako na siguro panalo. FRIENDLY kasi ako at kalahati ng student body kaibigan ko. Kalahati lang kasi Section B ako at hindi ko malapitan ang UNTOUCHABLE Section A. Tao lang naman din sila tapos choosy pa sila ng makaka-close?!

“Raine! Raine!”

“Bakit? Bakit?”

Sabi sa inyo, Ms. Congeniality talaga ako. Si Victoria at Mitchy. Taga-section D. Friends ko. Ilang section meron dito? Lahat ng letter ng alphabet. Hahaha. Chos! Hanggang E lang kasi sa E nag-uumpisa ang pangalan ni otor at yun ang trip niya kaya wag natin basagin. ^^

“Si Blaze nasa court! Practice nila!” - Victoria

“Eh ano pa ginagawa natin dito? Tara na! Kaya pala hindi ako tinetext ni oppa. May practice kasi sila.”

“Naku. Nandyan ka na naman sa mundo mo. Oppa-oppa ka pa diyang nalalaman.” - Mitchy

“Wag ka. Textmate daw sila. Makapag-ilusyon ka Raine! Ikaw na!” – Victoria

“Kayo naman. Wag kayong maingay. Hindi pa niya alam kasi na kami. Kapag nalaman niya, baka makipagbreak siya.”

Takbo kami papunta sa court. Medyo malayo yun sa room namin. Buti na lang kamo, recess namin. Kundi… Wala lang. Hehehe. Benefit ng pagiging friendly ko, pati teachers close ko. Malakas ang kapit ko. Wag nga lang aabusuhin. ^^

Pagkarating sa court, NGA-NGA. Talo pa nito screening ng Twilight at Harry Potter sa dami ng tao. Nanibago pa ko. Eh ganyan naman talaga kapag may practice sila o kapag laban na talaga. Sikat din kasi ang basketball team ng Iolana (Yo-la-na) Academy. Lahat sila matatalino, matatangkad, gwapo, sikat, mayayaman. Lalo na si…

“Go baby Blaze!!!! Whoooooooooooo!!!!!!!”

Yan. Sinigaw na niya. Si Edouard (Edward) Blaze Tuazon. Hottest guy on campus. Nasa kanya na lahat ng hahanapin mo sa lalaki. Maliban na lang kung ayaw mo ng masungit kasi inborn sa kanya yun. Ayaw ko din sa masungit pero basta. CRUSH ko yan. Three years ko na siyang crush. Wala naman akong binatbat sa mga katapat ko. Heler. Kalaban ko ang buong cheerleading squad at ang mismong bruha nilang captain. Ang volleyball team. Ang glee club. Ang dance troupe. Eh ako? Hamak na commoner lang. T^T

“Raine! Baba ka dito dali.”

“W-Wag na Kyle. Hindi naman ako basketbolista.”

“O sige. Kita na lang tayo mamaya. Wish me luck!”

“Good luck!”

“Raine, ang haaaaaaaaaba ng hair mo! F na F ka ni Kyle!”

“Ha?!”

“Feel na feel. You already! Sa’min na lang si Blaze. Sa’yo na si Kyle.”

“Psh. Friendship zone lang kami. Kayo. Ang ligaya niyo sa isyu eh.”

>3<

Blaze o Kyle? BLAZE. Pag-iisipan pa ba yun? Alam din naman ni Kyle na crush ko yan si Blaze. Isyu lang talaga mga kaibigan ko.

Si Kyle Matthew Cristobal. Dating section A at naging section B nung third year kaya naging friends kami. Nagka-88 kasi siya sa card. Grabe di ba? 88 lang, section B na agad?! Nabawi naman niya yung grades niya kaya balik section A na siya. Friends pa din naman kami kahit andun siya sa mga UNTOUCHABLES.

**boogsh**

>____________________________<

Anak ng tinapay naman! Oo na punuan na ng tao dito sa court pero pwede ba magdahan-dahan?! PETITE ako oh!

“Oops. I’m… NOT SORRY. Hahahaha.”

>________________________________<

Grrrrrrrr! Kalbuhin ko tong bruha na to eh! Yan yung kanina pa nilalabas tonsils niya para kay Blaze. Badtrip na ko! Feel niya ang ganda niya, mukha naman siyang clown sa make-up niya. Kuha lang ako ng wipes, burado yang 90% ng ganda niya!

“Raine, ayos ka lang ba?” - Mitchy/Victoria

“Oo.”

“Tara na nga. Madami ng tao masyado eh. Baka mabunggo ka pa uli…” - Mitchy

“Oo sasama ako. Sandali lang. Pa-isa. GO EDOUARD BLAZE TUAZON! MAKE US PROUD!”

Tinitigan na lang ako ng ibang babae na nag-chee-cheer sa kanya. Ano? PAPALAG?! Di pumalag kayo! May sinabi ba kong BAWAL?!

< vote. comment. be a fan po! >

White DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon