“Ituro mo na gusto mo.”
Ganun? Ok. I choose you Edouard Blaze Tuazon! Lels~ Ano yan? Pokémon?!
“Ate, fish fillet sandwich at tubig po.”
“Yun na yun? Psh. Kaya naman pala gatingting yang katawan mo. Mahipan ka lang yata ng hangin, matatangay ka na.”
Pasensya naman ah! Magagawa ko kung ganito talaga katawan ko?! Tsaka… Kaya naman yun lang inorder ko kasi yun na pinakamura. Kahit na mayaman siya, nakakahiya pa din! Close ba kami?!
“Ate, dalawang pork barbecue. Isang fried chicken. Dalawang java rice. Isang slice ng chocolate cake. Dalawang pineapple juice at isang bote ng mineral.”
“A-Ang dami naman nun. Kaya ba natin ubusin yun?”
“Anong natin? Ikaw lang uubos nun. Tubig lang akin.”
O.o
WHAAAAAAT?! Akin lahat yun?! Ano akala niya sa’kin?! Balon?! Kayanin kaya ng capacity ng tiyan ko yan? Bibitayin na ba ko para pakainin niya ko ng ganito? Grabety naman Blaze! Maawa ka naman!
Si Blaze na nagdala ng pagken na inorder niya. Pinagtitinginan kami. Expect ko na yun. Ako ba naman kasi na hamak na commoner, makakasabay si hottest guy on campus. At nilibre pa ko ng lunch! Alam ko dapat na kong kiligin pero mas natatakot ako. Ang dami kong kalaban eh! Mamaya talaga mapapatay na nila ko.
“Kumain ka na.”
“H-Ha?! Eh… Ikaw? Captain ka ng basketball team. Di ba dapat kumain ka, lalo na’t katatapos niyo lang mag-practice? Alam mo ba si Kyle pagkatapos nun mag-practice, kung makakain siya wagas! Kaya dapat…”
Blaze’s POV
Tss. KYLE NA NAMAN?! Ako na nga ang kasama, iba pa din hinahanap. Ano bang klaseng babae to?! Ganun na ba ko kahina magparamdam o ganun na lang siya kamanhid?! Eto ata umubos ng pana ni KUPIDO eh. >.<
**bsssssssssssssssssssssssssssssggggggggggggggggggghhhhhhhh**
“KUMAIN KA NA NGA LANG HINDI YUNG PURO KA SATSAT!”
>.<
Crap. Bakit ko siya sinigawan?! Tss. Natitig lang siya sa’kin. Mamaya umiyak to. Wag naman sana.
“R-Raine. Sorry. Hindi ko sinasadya.”
“Okay lang. Sinisigawan din ako madalas ng mga kuya ko kapag madaldal ako lalo na’t oras ng pagkain. Sanay na ko. Teka. Tinawag mo ko sa pangalan ko.”
“Bakit? Ano ba dapat kong itawag sa’yo?”
“Section A ka kasi. Malay ko ba… Wala naman akong ka-close sa inyo.”
“Tss. First year pa lang, kilala na kita.”
“Ha? May shinashabi ka? **nom nom**”
“Wala. Kumain ka na lang.”
Pano namang hindi kita makikilala? PAMIELA RAINE LUNA. Ang Ms. Congeniality ng Iolana. Kahit kelan hindi siya nagpanggap para lang matanggap ng mga tao at para mapalapit sa kanila. Siya na SWAG. Simple at Walang Arte ang Ganda. Makaasta siya ng ganyan lang, eh halos lahat ng ka-team mates ko crush siya. Halos lahat naman yata ng lalakeng lumalapit sa kanya gusto siya. Likas na yata sa kanya manhid. Ibang-iba siya sa mga babae dito. Yun lang. MANHID. Hindi ba niya alam na ang dami kong pinapatumba mapalapit lang sa kanya?
It svcks because I’m not her boyfriend and every man on earth is my rival.
**krrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnggggggggggggggggg**
“**nom nom** Tapos na lunch break! Una na ko Blaze. Uhm. Salamat sa lunch. Eto oh.”
Inabutan niya ko ng biskwit.
“Hindi ka kumain. Kailangan mo ng energy lalo na’t player ka ng school. By player I mean…”
“Oo. Naiintindihan ko. Hindi ako napunta sa section A for nothing.”
“Tss. Di ikaw na matalino! Sige. Ma-late pa ko ng dahil sa’yo.”
Tumakbo na siya pabalik sa room nila. At may iilang lalakeng nililingon siya pagdaan sa kanila. Tss. Makatingin… Nilapitan ko nga.
Kapag ang puso nagdikta, lahat ng nakaharang sasagasaan niyan.
“Maganda ba?”
“Oo. Simple… Charismatic… O.o Blaze!”
“Keep your eyes off her. She’s mine so back off! Ikalat mo yan sa iba. Clear?!”
“Crystal clear!”
Psh. TORTURE ka Raine. Bakit ba kasi kung sino pa MANHID, yun pa naging crush ko?!
< weee~ kaya ayoko din ng may POV si Blaze eh. SPOILER ALERT! Yaan na. Para masaya. XD >
BINABASA MO ANG
White Day
Teen FictionSabi nila di daw kami para sa isat-isa… Wow ahh! Galing niyo naman! Nakikita niyo ba yung future ko!!!???