Chapter 4----Human espasol

161 5 2
                                    

Raine’s POV

Wag naman sana ako ma-late! Wag naman sana! Anak naman kasi ng pitong kwago to si Blaze, ang daming pinakain sa’kin. Ang hirap tuloy tumakbo!

**bssssssssssssssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhh**

>______________________________________<

Watdaeff! Ang lamig!

“Consider that a warning my dear. Stay. Away. From. Blaze.”

Si Nicole at ang ulupong niya. Bakit ba hindi na ko nagulat?

“Dapat may dramatic pause pa?! Tss. Si Blaze lumapit sa’kin.”

“Wow. Feeling? Girls!”

>_________________________________<

**cough** **cough**

Nagsasayang naman sila ng harina nito! Hindi ba nila alam na mahal na yun ngayon?! Tss. Mukha kong espasol.

“I repeat. Stay away from Blaze. Or else…”

“Grabe! Dahil sa lalaki, nagsayang ka ng harina at tubig sa’kin?! Tss. Ewan ko sa’yo. Kapag ako talaga na-late…”

Blaze’s POV

Kailangan ko na din palang pumunta sa room. Third floor pa naman kami. At katabi ng room namin ang room nila Raine. Section B kasi yun. Baka makita ko pa siya bago mag-start ang first subject.

O.o

Is that Raine?! Bakit siya namumuti?! Harina ba yun?! Pulbo?! Ano?! Who the hell did that to my Raine?!

“Hahaha. Ang galing mo captain. Ngayon, sigurado lalayo na kay Blaze yun.”

“Of course. Dapat lang. It makes sense kaya. Si Blaze, captain ng basketball team at ako, cheerleading captain.”

Tsk. Ang cheerleading captain pala nilang mukhang clown may pakana nito?! Pasalamat ka babae ka!

“May isa lang flaw sa plano mo. We don’t live happily ever after.”

“Blaze?!”

“Ikaw ba may gawa nun kay Raine?”

“Yes. Ang harot niya kasi. Lapit ng lapit sa’yo…”

“SHUT UP!”

Tss. Kung hindi lang masama pumatol sa babae, pinatulan ko na to eh. Kanina pa to sa practice namin. Pinagdidiskitahan si Raine. Palibhasa wala siyang binatbat eh.

“Do that again at ako na makakalaban mo.”

“What?! Pero Blaze, she’s just a commoner. Second-grade. Di kayo bagay. Section B siya.”

“Oh? Eh ikaw? Anong section ka ba uli?”

“Section E.”

“Tss. Bakit ba uli ako nagsasayang ng laway sa second-grade?”

Iniwan ko sila dun. Makuha sila ng warning lang. Kapag si Raine napano talaga, ako mismo maglilibing sa kanila kahit babae pa sila.

Dumaan ako sa room nila Raine pero wala siya. Pati bag niya wala. Pinauwi na yata. Mabuti naman. Kaso sana naihatid ko siya. Tsk. Okay lang sana siya. Pahamak na bwisit na babae yun! Ano ba pangalan niya? Ipa-blacklist ko yun sa Iolana, makita niya eh.

Raine’s POV

“Ms. Luna! What happened to you?!”

Ano? Sabihin ko ba? Wag na. AYOKO NG GULO.

“Ma’am…”

“Go home. Bibigyan kita ng pass. Go Ms. Luna.”

T^T

Uuwi na ko agad?! Halos kauumpisa pa lang ng araw ko. Tss. Bakit naman kasi ganun? Lagi na lang ako yung pinag-ti-tripan?

Hindi naman ako tester sa SM department store. Saan banda sa’kin may nakalagay na TRY ME aber?!

White DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon