Chapter 9----Epic fail?!

159 6 7
                                    

“Tao po?!”

>_____________________<

Nasan ba tao dito?! Kanina pa ko dito eeh…

“Ta—Hai. Buti naman pinagbuksan mo na ko.”

Sumulpot sa pinto si…Sadako. Lels~ Si Kyle. Mukhang bagong ligo pa. Well. Sanay na kong makakita ng bagong ligong lalake. Kasi, may swimming class nga kami di ba? At nakatira ako sa isang bahay na may kasamang dalawang praning na kuya.

“Raine, ginagawa mo dito? Tsaka, ano yang mga dala mo? Bakit ganyan itsura mo?”

“Interview?! Pagamit ng kusina. Kinick-out ako dun sa’min.”

“Ahh… Sige.”

Mwahaha! Akala niyo diyan ah! Eh di may kusina na kong magagamit! Kusina nila Kyle. Nasa abroad parents niyan at two years na siyang mag-isa dito sa kanila. Madalas din ako dito pumunta kasama pamilya ko. Itsura naman nun kung ako lang pumunta mag-isa.

**

Kusina. Buti naman hindi ako binubulabog ni Kyle. Makakapag-concentrate ako. Ok! Umpisahan na to!

Mix together 1 cup cocoa powder… One cup lang?! Two cups para extra chocolatey!

Half-cup sugar… Nahiya pa. One cup na para sweet!

One cup evaporated milk… One cup na ba equivalent ng isang lata? Ah. Bahala na.

One teaspoon vanilla… Ok. One tablespoon.

Place over low heat and wait until mixture thickens.

Low heat lang?! Tsk. High heat na para maluto agad! Bongga ka Raine! Henya ka talaga sa kusina. ^^*

Blaze’s POV

Hassle naman to si coach. Umagang-umaga, pinapag-practice kami. Tinatamad ako eh. At hindi ko pa nahahanapan ng regalo si Raine. Mas priority yun. Kaya pupunta ko kanila Kyle para siya muna mag-stand in sa’kin. Siya naman co-captain eh. Kaya na niya yan.

“Kyle! Hoy Cristobal buksan mo yang pintuan mo!”

“Ano ba Blaze?! Umagang-umaga ang daming bumubulahaw sa’kin. Tsk.”

“Practice daw sabi ni coach. Ikaw na muna bahala sa kanila.”

“Bakit ako? Ikaw tong captain eh.”

“May mahalaga pa kong gagaw—”

“**koff koff** K-Kyle… wala ka bang… **koff koff** exhaust… Hoola~ Ginagawa mo dito?!”

Nangyari kay Raine?! Gulo gulo yung buhok, ang dungis ng mukha… At pinangtuturo niya sa’kin yung sandok. Sandok?!

“Ano naman sa’yo? Eh anong ginagawa mo dito?!”

“Eh… Nakikigamit ng kusina. Kyle, exhaust!”

“Oo na. Eto na.”

Dumiretso sila sa kusina at natural sinundan ko sila. Parang bata pa siya na nag-thank you kay Kyle. Buti na lang talaga hindi higit sa pagiging magkaibigan tong dalawang to. Kung hindi, magkakaaway pa kami ni Kyle.

“Sige. Alis ka na uli Kyle. Salamat uli!”

Tinali niya yung buhok niya tapos nag-umpisa na naman sa ginagawa niya… Ano nga bang ginagawa niya?!

“One cup cocoa… Half cup sugar…”

Sinasabi niya ng malakas yung mga ingredients ng ginagawa niya pero sobra naman yung nilalagay niya. Ano bang gusto niyang mangyari? Ma-food poison yung kakain niyang ginagawa niya?!

“Mali.”

“Ha?”

“You can’t just omit ingredients. Kailangan mo rin tantsahin kung maayos ang lasa ng… Ano bang ginagawa mo?”

“Eh wala na yun sa’yo. Tsaka alam ko ginagawa ko nu.”

“Sigurado ka? Tss. Baka mapatay mo niyan kung sino pakakainin mo niyan.”

“Hindi naman… :33”

Ano nga ba talaga ginagawa niya? Wala akong kaide-ideya. Pero kung sino mang makatikim ng kung ano mang ginagawa ni Raine, good luck. Kung hindi lang rin para sa’kin yan, mabilaukan sana kayo.

Raine’s POV

Nakaka-ano na to si Blaze ah! Siya na tong trespassing at ginugulo yung masterpiece ko… Bakit naman kita papatayin? Kung sa pagmamahal ko, malamang na pwede pa.

“Blaze, tara na. Practice.”

“Punta ka. Titingnan ko pa ang epic fail ni Raine sa kusina.”

>3<

Makapanglait ka naman, WAGAS! Kala mo naman siya, ang galing sa kusina.

“Sige. Ikaw na bahala Blaze.”

Waaaaaa! Yung kakampi ko, iniwan na ko. Mag-isa na ko dito kasama si Blaze?!!!! WATDA! KYLE!

White DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon