Epilogue

167 10 8
                                    

March 14.

WHITE DAY.

Dapat ba may gawin pa si Blaze? Eh bawing-bawi na ko kahapon. ^^*

Parang bigla, hindi na mahalaga tong araw na to. Kasi hindi ko na kailangan ng confirmation sa feelings niya. Kasi ang feel niya ay si… AKO! ^_________________________~

“Raine! Raine!”

Si Victoria at Mitchy na naman. Bakit ba laging unli ako tawagin ng dalawang to?!

“Bakit? Bakit?”

“Si Blaze!”

“Ano? Anong nangyari kay Blaze?!”

**

Tumakbo agad ako sa rooftop ng building. Nag-fea-freak out na ko! Ano na naman nangyari kay Blaze? Normal naman siya kahapon. Normal pa din siya nung hinatid niya ko pauwi kahapon. Normal siya ng makausap niya mga kuya ko. Normal siya ng sinundo niya ko kanina sa bahay. Normal siya ng nilibre niya ko ng recess. Yung puso ko parang ang daming nakatirang kabayo. Tig-tigidig ng tig-tigidig. >.<

Flashback—

“Si Blaze!”

“Ano? Anong nangyari kay Blaze?!”

Magsalita ka Mitchy o ipiprito kita! Well… Ipapaprito kita kay Blaze. O kay Kyle. O kay kuya Sky o kuya Cloud.

“Nakita namin siya sa rooftop. Parang may hindi magandang gagawin…”

HAAAAAAAAAAAAAAAAA?!

Umamin pa lang siya sa’kin kahapon, may plano na siyang mag-suicide?!

Karipas na sa rooftoooooop!!!!!!

End of flashback—

O_________________________________________O

“Hi.”

Blaze? Buhay at gwapong gwapo pa din. Akala ko ba… Tsaka bakit siya nakaputi? Lahat yata dito puti. Ako lang out of place. Pwede na din. Maputi naman balat ko.

“A-Anong nangyayari?”

“Happy White Day!”

Kiniss niya ko sa cheek tapos binigyan niya ko ng white roses. Oo nga. White Day. Kaya pala lahat puti. Mula sa coat niya hanggang sa petals sa sahig, sa tablecloth, sa decorations… White day na White day.

Pinaupo niya ko at nagsimula kaming kumain sa rooftop. Buti na lang naisip niyang maglagay ng bonggang laking payong dito sa table namin kundi tostado kami nito. At syempre, what do you expect sa pagkain? Natural masarap. At nagkwentuhan kami ng parang mag-bestfriend kami. Hindi nga kami maubusan ng topic kasi ang sarap niya kausap tapos pinapagalitan niya ko kasi ang daldal ko daw. Muntikan din akong mabilaukan kakatawa sa kanya. Don’t talk when your mouth is full daw sabi niya. LOL. Eh siya tong maingay diyan.

Buong lunch break, nag-usap at nagtawanan lang kami sa rooftop. Pakiramdam ko we’ve been doing this all our lives. And I just love this feeling he’s giving me. Napaka-komportable namin sa isa’t isa at walang pressure na umarte ng ganito o ganyan. Ayos lang maging weird at tamad kasama siya. ♥

**

Pababa na kami mula sa rooftop. Kaka-bell lang. Tapos na yung lunch break. Hindi naman kami male-late. Kaya hindi kami nagmamadali.

“Blaze, ano?”

“Ano?”

“Wushu… Kunwari ka pa Mr. Edouard Blaze Tuazon. Matagal ng malakas tama mo sa’kin nu?”

“Ha?! Hindi kaya…”

“Pakipot pa eh. Dali na. Gandang-ganda ka talaga sa’kin. Nakikita mo pa lang ako, natutulala ka na.”

“Raine.”

“Ano? Hindi ba totoo? Aminin. Matagal mo na kong mahal. Hehehe.”

“Psh. Ewan. Ang kulit mo.”

Nagmadali siyang maglakad pero nahahabol ko pa din. Pikunin pa din. Hahaha. Para aaminin lang eh. Totoo naman kasi.

“Blaze!!!!”

“ANO? KUNG INIISIP MONG MAHAL KITA, THINK TWICE! KASI MAHAL NA MAHAL KITA. AND NO. I FELL INLOVE WITH YOUR PERSONALITY. YOUR LOOKS IS JUST A BONUS.”

Napatigil talaga siya para sabihin sa’kin yun. Pulang-pula siya. Kawaii~ Ang cute mo! Hahaha. Kaya ang sarap mong pikunin eh.

Lumapit ako sa kanya tapos kiniss ko siya sa cheek.

“Ang pikon mo. Ang sungit mo. Pero kahit ganun, mahal na mahal din kita.”

I smiled at him tapos naunahan ko siyang maglakad. Pero nahabol pa din niya ko syempre. At hinawakan niya yung kamay ko. Hindi rin pala sayang yung tatlong taon na yun kasi bawing-bawi na ko. At yung chocolates na binigay ko na siya mismo gumawa, ginantihan niya ng ETERNITY ring. A promise of TODAY, TOMORROW, and ALWAYS. ♥

Dati CRUSH ko lang siya. Ngayon… Kayo na humusga. (:

White DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon