Chapter 6----TORPE

167 5 1
                                    

Raine’s POV

Kinukutya ako ng universe! Pagbaba ko sa kwarto, si papa at mama daig pa asukal sa sweetness. Si kuya Sky (panganay kong kuya. Sky Nathaniel Luna. 23 years old.) kausap sa telepono yung girlfriend niya. Si kuya Cloud (pangalawa kong kuya. Bunso kasi ako at nag-iisang babae. Kenneth Cloud Luna. 20 years old.) katext yung nililigawan niya. Pati alaga naming love birds gumagawa ng sariling eksena. Paglabas ko ng bahay namin, ultimo tindera ng pandesal sa katapat namin na bakery eh fini-flirt yung panadero. On the way sa school, ang daming lovers na magkaakbay o magkaholding hands. OO NA NGA! AKO NA WALANG LOVE LIFE! AT ANG LALAKING GUSTO KO, TAKEN NA!

“Gooood morning Raine.”

“Anong good sa morning Kyle?”

“Oh. Bakit malungkot ang bunso ko?”

Yan. Nabisto na tuloy. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kami iniisyu ni Victoria at Mitchy eh. Friends lang talaga kasi kami. At kuya at bunso ang tinginan naming dalawa kahit magkasing-year lang kami. Kinulang pa talaga ko sa kuya eh nu? Matanda lang siya ng four months. Pero asahan mo, kapag may problema ako, yan ang takbuhan ko.

“Waaaaaaa~ BH ako!”

Napayakap ako kay Kyle. Ang tangkad din talaga niya. Pakiramdam ko ligtas na ligtas ako. Na walang makakasakit sa’kin. Kuyang-kuya talaga.

“Oh. Sino bang nang-away sa’yo? Tara. Aawayin ni kuya.”

“Si Blaze. Sila na ni Nicole.”

“Ha?”

“Nakita ko sila nung Sabado. Panget ba ko? Engot? Anong kulang sa’kin?”

“Wala. Wag ka ng umiyak. Mas maganda ka naman kesa sa Nicole na yun. Si kuya na bahala.”

Pinunasan ni Kyle yung luha sa mata ko at nangiti na ko. Ang baet talaga niya. ^^*

Pumunta na ko sa room. Kahit hindi pa solb ang problema ko, medyo magaan na ang pakiramdam ko.

Kyle’s POV

Si Nicole at Blaze. Si Blaze at Nicole. Hindi nag-me-make sense sa’kin yun. At mas lalong hindi ko makayanan na umiiyak si Raine ng dahil sa lalaking yun. Wala pang alas-syete kaya panigurado ako nasa court pa yun.

Naabutan ko si Blaze na nasa court nga. Wala naman si Nicole. Pero nababanas ako na iniiyakan siya ni Raine. Nakakakulo ng dugo. Nung napunta ako sa Section B at walang naglakas loob pumansin o kumausap sa’kin, si Raine lang yung tanging nakisama sa’kin. Ang laki ng utang na loob ko  sa kanya at kung kailangang bangasan ko mukha ni Blaze, wala akong pake.

“Hoy Blaze!”

**boogsh**

<lels~ lame talaga gumawa ng sound effects si otor. Pasensya.>

“Tss. Ano bang problema mo?!”

“Ikaw! G@go ka! Kayo na ni Nicole?!”

“Ano?! Saan mo nakuha yan?”

“Ako lang magtatanong dito. Kayo na ba?”

“Bakit?! Gusto mo ba yung babaeng yun?! Sa’yo na. Ayoko naman sa clown.”

“Eh anong ginagawa niyo na magkasama nung Sabado sa coffee shop?”

Blaze’s POV

“Sinundan niya ko. Bakit ba ko nagpapaliwanag sa’yo?! Hindi naman kita tatay.”

Kinwelyuhan ako ni Kyle. Psh. Ano bang problema nito?! Ang aga-aga, sinisira araw ko.

“May isang mahalagang babae sa buhay ko at gusto ko sana na hindi siya nasasaktan. Lalo na ng tulad mo. Gusto ko na lagi siyang nakangiti at kung sino mang nagdudulot ng sama ng loob sa kanya, handa akong ihatid sa hantungan niya.”

“Are you talking about Raine?”

Napabitiw siya sa’kin. Si Raine lang naman ang babaeng malapit sa kanya ngayon. Madalas kasing nakikita ko silang magkasama. Psh. Sarap niyang sipain palayo sa tabi ni Raine.

“Wala ka ng pakialam.”

Ako naman ang kumwelyo sa kanya ngayon. Anong walang pakialam?! Kung pwede nga lang bakuran ko si Raine, nagawa ko na ng malayo siya sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya eh. Problema, wala lang akong karapatan sa kanya.

“GUSTO MO BA SI RAINE?!”

“Ano naman sa’yo?!”

“GUSTO MO BA SIYA?!”

“Oo! Matagal na!”

Tss. Kaya naman pala. Gusto ko ng galusan yung mukha niya pero malapit siya kay Raine at lalo lang sasama ang imahe ko sa babaeng gusto ko kung sakali. Mukha din namang gusto niya si Kyle. T@e! Wala akong laban kahit kaunti?!

“Fvck. Great! I wish you luck! Magtagal sana kayo!”

“Wag kang mag-alala. I won’t break my little sister’s heart.”

“What?”

“You heard me.”

“So, you liking her… Parang kapatid lang?”

“Oo. Tss. Kung hindi lang kita kilala, matatawa na ko. Kelan ka pa naging ganyan kabobo Blaze?”

“Ewan ko ba…”

“At halatang halata ka din. Gusto mo si Raine.”

“Halatang halata?! Tss. Hindi nga niya maramdaman.”

“Ganun talaga yun. Sorry nga pala.”

“Nope. It’s good.”

“Kelan mo naman balak umamin kay Raine?”

“First year pa lang. Pinangungunahan ako ng kaba eh. Baka tanggihan ako.”

“Tss. Dalian mo na. Maunahan ka pa.”

“Kung alam ko gagawin ko, matagal na kong kumilos.”

“Malapit na din Valentines. Bakit hindi mo siya regaluhan? Hindi mahirap pangitiin si Raine. Trust me.”

Oo nga. January ** na ngayon. Regaluhan siya? Bakit naman hindi? Kaso, anong ibibigay ko sa kanya? Simula first year, problema ko na to. Hanggang ngayon ba?! Sa dinami-rami ba naman kasi ng nagkakagusto sa kanya, mapapansin ba niya ko?

White DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon