Chapter 14----Courage

195 8 7
                                    

May 13.

Bukas, White Day na. Ayos na ang lahat. But still, I don’t want to lose sleep again thinking of her. Ayoko na. Tama na. Haharapin ko siya at ipagtatapat ko yung nararamdaman ko. To hell with the consequences!

I don’t want to hurt thinking I said nothing when I should have said something.

Pumunta ako sa room nila. Wala pa naman yung adviser nila.

“Raine! Lumabas ka diyan!”

Pinagtinginan ako. At pinagtinginan si Raine. May question mark sa ulo at mukhang walang balak sumunod sa’kin. Pumasok na ko sa room nila at hinila siya palabas.

“Blaze! Ano ba?! Bitiw!”

“Sumama ka lang sa’kin pwede?”

Hindi na uli siya pumalag. Ngayon ko lang din napansin, hawak ko pala uli yung kamay niya. Kung ganito na lang ba tayo araw-araw di masaya na ko nun?

Raine’s POV

Dinala ako ni Blaze sa tapat ng gym. Tapos piniringan niya ko. Ano bang pakulo to?! Kinakabahan na kinikilig ako. Hahaha. Para akong t@ng@. Inalalayan naman niya ko papasok at pakiramdam ko may magandang mangyayari. Kaso… Hindi pa naman white day. Eh ano? Yan. Kinabahan na lang ako. Nag-evaporate yung kilig!

O____________________________________________________O

I LOVE YOU RAINE. ALWAYS HAVE AND ALWAYS WILL.

Wha—Jusme! ANO TO?! TARPAULIN malamang. Tss. Ako bang Raine o baka may kapangalan ako sa Iolana?! BLAZE! Blaze?! Yoohoo! Where na you? Dito na me!

O_______________________________________O

Biglang bumaba yung malaking TV dito. Yung ginagamit kapag may laro para kita ng lahat. Malaki kasi yung gym! Tapos nagsimulang tumugtog yung ‘Just the way you are’ ni Bruno Mars at sa screen… Nagsulputan yung mukha ko. May iba blurred. Off-center. Halatang stolen. Wait. AKO?! Tapos nandito si Blaze? Yeeeeeeeee~

Nung natapos na yung slideshow ng mukha ko, may video naman ni Blaze.

‘H-Hi Raine…’

Whoa~ So ako nga talaga?! Para sa’kin to? Myghad Blaze! Bakit ka namumula at naiilang?

‘Nakakatakot yung balita ngayon nu? Nabalitaan mo na ba yung pag-apaw ng dam? Ng DAMdamin ko para sa’yo?’

Pfffffft. Eh may sa sweet corn din pala to si Blaze. HAHAHA! Sweet pero corny!

‘Tss. Pasensya ka na. Hindi kasi ako magaling sa ganito eh. Kaya nga sa video na lang at hindi personal kasi… Nakikita palang kita, napapahinto mo na ko. Ang hirap pa kumuha ng tyempo. Raine… All I wanted to say is…’

O________________________________________________O

IS?!!!!!! Ang daya! Bakit namatay yung TV?! Naputulan ba Iolana?! Eh bakit buhay pa yung aircon at ilaw?! UNFAIR! May sinasabi pa si Blaze!

“I love you.”

Si Blaze. Ngayon, may hawak hawak na siyang boquet ng red roses. Mali pala. BOQUET! Ang laki eh. At ako, na-glue na sa kinatatayuan ko. Ano naman kasi gagawin ko?! Pakiramdam ko yung puso ko kakalas na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog.

“Pamiela Raine Luna. I love you. I loved you then. I love you now. And I will love you tomorrow. Belated Happy Valentines.”

Inabot niya yung bulaklak. Syempre tinanggap ko. T@e naman oh. Alam mo yung hinihintay ko palagi mag-11:11 at magkaron ng shooting star para hilingin na mapansin man lang niya ko? Simula first year, I was just one of those girls na patay na patay sa kanya. Suntok sa buwan na magustuhan niya ko. Pinangarap ko na kahit simpleng ‘hello’ makuha ko sa kanya. At ngayon, higit pa sa inaasahan ko yung nangyari. HE LOVES ME. Hindi ko na mapigilang tumulo yung luha ko.

“Raine? Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? I’m sorry… I take it; you’re inlove with someone else?”

Tumango ako.

“Ah… Ganun ba… Sorry…”

“Teka. Sasabihin ko yung pangalan niya!”

Tuloy lang si Blaze sa kakalakad. Section A pa naman tong taong to tapos bopols din pala. Tch.

“Si Edouard Tuazon! Kapag nakita mo siya, pakisabi mahal ko siya!”

Napahinto siya eh. At binalikan niya ko. Mas gumwapo pa lalo kasi nangiti na. ^__________________^

“Ako? So mahal mo din ako?”

“May iba pa bang Edouard Tuazon sa Iolana?”

Nangiti na naman si Blaze. Tapos pinunasan niya yung luha sa mga mata ko. At hinalikan ako sa noo. Halik ng RESPETO. ♥

**

UWIAN.

“Wala ka pa bang balak umuwi?”

“Ay anak ng tinola!”

“At kelan pa nagkaanak ang tinola?”

>___________________________________<

ONEpassing si Blaze sa room namin. Syempre ang gulat lang ng lahat kasi ako yung pakay niya. At nagulat din ako kasi nagliligpit ako ng gamit tapos bigla siyang magsasalita.

“Psh. Wag ka nga diyang manggulat!”

“Uwi na tayo.”

“Oo na nga. Grabe. Hindi pa kita boyfriend niyang lagay na yan, ang kulit mo na.”

“Dun din tayo pupunta.”

Hindi pa talaga official kami ni Blaze. Ang nais kasi namin, ligawan niya muna mga kuya ko. Hahaha. Boto na si mama diyan so no stress dun. Ganun naman talaga kapag maganda ang kapatid. Masyadong maghihigpit ang mga kuya.

Labas ng room. Labas ng building. At hoola~ Si Nicole!

“B-Blaze? Ano yan? You’re holding hands with a commoner?!”

“Psh. Shut up clown.”

O____________________________________________O

“Kayong lahat, nakikita niyo tong babaeng to? Si Pamiela Raine Luna. Malaman ko lang talaga na may gawin kayong masama sa kanya, ni simpleng tingin na hindi maganda, makikilala niyo kamao ko!”

Nagulat naman ako dun. Handa siyang ilaban ako ng ganun? Ang ganda ko naman masyado di ba? Binuhat na naman niya ko ng parang prinsesa at lalo kaming pinagtinginan. At lalong tumigil yung pag-ikot ng mundo ko.

Kung gusto mo talaga siya, hindi naman masamang gumawa ng first move. Di ba sabi, lahat ng kayang gawin ng lalaki, kaya din ng babae, try mo lang. Sadyang may mga lalaki lang talagang sobrang TORPE (parang si Blaze). Pero try mo rin isama sa option ang quotation na ‘patience is a virtue’:]] malay mo kumukuha lang ng tyempo yung lalaki para magtapat sa’yo.

White DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon