Chapter 7----White day

143 5 1
                                    

Raine’s POV

February one. Okay. Start the countdown for the most chaka event of the year. Hindi ako fan ng Valentines. Halata ba?! Every year, naghihintay ako for the chocolates or flowers that never came. Hahaha. Eh bakit naman ako bibigyan ni Blaze ng chocolates o flowers di ba? Sa tinagal-tagal ko sa Iolana, wala pa ko ever natanggap na regalo mula sa event na yan. Maliban sa gifts ng friends kong girls. Parang confirmed tuloy na ang panget ko masyado.

Hai~ Finally tapos na ang epic fail of January. Naiyak, nasaktan, at naging miserable ako dahil sa balitang si Blaze at Nicole na… Echos! Hindi sila! Sabi sa’kin ni Kyle hindi totoo yun. Good news di ba? Eh kapag may good news, natural may bad. May babae na daw na nagugustuhan si Blaze!!!!!!! Agrabyado na naman ako. >.<

“Raine, parang kang baliw.” - Mitchy

“Matagal na kong baliw. Baliw na baliw kay Blaze. ARAY!”

Kitamo to si Victoria. Pwede namang mag-comment na lang, babatukan pa ko. Tsk.

“Masakit yun ah!”

“Sino crush mo?” - Victoria

“Si Blaze. ARAY! KANINA KA PA AH!”

“Tama na Victoria. Mapuruhan si Raine niyan eh. Hindi na magigising yan. Matibay helmet.” - Mitchy

>3<

Kaibigan ko ba talaga tong dalawang to?! Di ba dapat suportahan nila ko na sungkitin yung puso ni Blaze? Eh bakit nila ko inaaway? B.H. na nga ko’t lahat lahat dahil sa crush na yan ni Blaze tapos pipisikalin pa ko ni Mitchy at Victoria. Tsk.

“Maka-ano kayo diyan… Parang hindi niyo naging crush si Blaze!”

“PAST tense na yun. Eh ikaw, ang tibay mo. Gagraduate na lang tayo, siya pa din?”

“Eh sabi ni heart siya lang… KOTONGAN MO KO ULI GAGANTI NA KO!”

Umamba na namang kokotongan ako ni Victoria kasi. Sumosobra na siya oh. Mabobo ako niyan, lumala pa lalo pagbaba ko ng level ng section. Eto na nga lang pinanghahawakan ko para mapalapit kay Blaze. Magkatabi kasi kami ng room kaya minsan nasusulyapan ko siya kapag hindi ako nasasagasaan ng stampede ng mga nagkakandarapa sa kanya.

“Hmm… Mukhang wala ka ng pag-asa. Kaya susuportahan ka na namin.” - Victoria

“Ai, ngayon mo lang naisip na suportahan ako?”

“Wag ka ng choosy Raine! Malapit na Valentines di ba?”

“Oo. And so? Alam niyo namang hindi ako naniniwala…”

“Shush! Sinabi ko ba na hintayin mo regalo niya?! Ikaw mismo ang mag-regalo sa kanya.”

O.o

Huwaaaaaaa?! AKO?! Bakit ako yung magreregalo sa kanya? Eh siya tong lalaki. Dapat siya yung mag-gift sa’kin di ba?! Oo malakas tama ko kay Blaze pero wala akong ganun kalakas ng loob na ako mismo magregalo sa kanya.

“Ha?! Ayoko! Hindi!”

“Tss. Patapusin muna kasi ako. Two words: WHITE DAY.” - Victoria

“Waaaaaaa! White day?! Bongga! Gawin mo Raine! Exciting!” - Mitchy

Insert question mark here: Raine’s head

Anong white day? Hindi pa ba white day everyday sa school namin?

“Anong white day? Yun ba yung araw kung kelan magkukula yung lahat para kuminang sa kaputian ang labada nila? O yung araw na magpupulbo lahat para… Teka. Foundation day yun. Hmm…”

“Tsk. Mali! Ikaw pa naman tong nasa Section B tapos hindi mo alam yung White day?” - Victoria

“Oh. Kinalaman ng section ko dun?! Wala naman sa curriculum yun nu.”

“Hai~ White day. Yun ang araw kung saan ang lalaki magbibigay ng regalo sa babae one month after ng Valentines. Kaya sa February 14, ikaw naman ang magregalo sa kanya. At kapag binigyan ka niya ng regalo, tinatanggap niya yung feelings mo.” - Mitchy

“So sa March 14 yun? Ang tagal pa…”

“Tss. Eh bahala ka. Hindi ka na namin tutulungan.” - Victoria

“Hoy! Hindi. Sige. Sige na. Go na tayo sa white day eklabuh niyo. Palakasan na lang ng loob to. Bahala na.”

Hindi ko alam kung saan napupulot ng dalawang to yung ganitong tipo ng impormasyon pero… Masaya siguro yun nu? Ang araw na reregaluhan ako ni Blaze. Iniisip ko pa lang, kinikilig na ko. ^^*

Operation White Day is a GO!

< totoo pong may White Day. Search niyo sa Google. Sinecelebrate yun sa Japan, South Korea, China tsaka Taiwan. ^^*

Black Day naman yung celebration sa mga single. Havei nu? Pati pagiging single, i-celebrate daw ba? >

White DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon