**koff koff**
Puteeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeek!
Magtatanghali na, hindi ko pa din to magawa ng maayos. Pano ko to maihaharap kay Blaze?! Nakakahiya naman. Lagi ko nasusunog… Tapos ang haggard ko pa eh andun lang siya sa labas ng kusina Dapat magpapa-impress ako eh mukhang kahihiyan lang napapala ko. Waaaaaaa! Hopeless na to!!!!! >.<
“Lumayas ka na nga.”
“H-Ha?”
“Layas. Maghilamos ka. Tsaka ka bumalik.”
T^T
Wala na kong pag-asa kay crush! Sayang yung opportunity… Sana nakita na niya na WIFE material ako eh.
**
O.o
ANG PANGET KOOOOOOOOOOOOOOOOO!
Kaya naman pala pinalayas na niya ko… Nanakit siguro mata niya sa’kin. Y.Y
Blaze’s POV
Bakit ko pinalayas si Raine? Kasi nagugutom na ko. Lunch time na at wala paring pinatutunguhan yung ginagawa niya. Sigurado ako gutom na din yun, hindi niya lang pinahahalata. Tss. Mamayat lang siya lalo niyan eh. Una kong inasikaso yung niluluto niya. CHOCOLATE siguro yun. Parang eh. Lagyan ko kaya ng lason ng matuluyan yung mokong na pagbibigyan niya neto?! Pasalamat ka Raine mahal kita kundi di kita hahayaang sumaya sa trip mong to. Pagkatapos, nagluto na din ako ng pagkain naming dalawa. Hindi talaga siya marunong magluto nu? Hahaha. Kapag kinasal pala kami, ako din ang tao sa kusina. <a/n: halalala~ mangarap, wagas?!> Tss. Dun din hantong namin. <weh?! Torpe mo kaya!> Wag ka nga mangialam diyan! <ako pa inaway?! Eh kung ibigay ko si Raine sa iba?!> Sige ba! Basta kay Edouard. <ikaw din yun eh!> Kaya nga. <amp! Ayoko na sa’yo Blaze! Break na tayo!> Tayo ba? Hindi ba kayo ni *tooooooooot*?! <change topic! Out na ko! Tss.>
“O.o N-Nagluluto ka?!”
“Hindi. Naglalaba.”
“Marunong kang magluto?!”
“Oo. Hindi tulad ng ibang tao diyan…”
“Ako na naman… Psh. Marunong naman ako eh…”
“Kaya pala.”
“Tss. Sorry naman! Sinusubukan naman. Hindi ba pwedeng A for effort?!”
Kababalik lang niya. Nakapaghilamos na din. Alam mo yung ang simple lang niya pero ang lakas ng dating niya? Si Raine yun eh. Kaso kinakain naman ako ng kaba ko. Kailangan kong magpa-impress sa kanya para magustuhan niya ko at isipin niyang HUSBAND MATERIAL ako.
“Babae ka pa naman, hindi ka marunong magluto.”
“Eh ano naman sa’yo?! Marunong naman akong maglaba, mamalantsa, maglinis ng bahay…”
“So nag-a-apply ka ba?”
Na asawa ko? ^_______________________________^
“Na ano? Maid mo?! Feel mo naman.”
Hindi. ASAWA ko nga di ba?
“Tss. Pano naman niyan magiging asawa mo?”
“Eh di aalagaan ko siya! Lulunurin ko sa pagmamahal! At hindi ko susungitan! Sunget!”
Pwede bang mag-apply?! PAMIELA RAINE LUNA-TUAZON.
Maganda tunog ah.
“O siya. Kumain ka na lang.”
Hinarap ko sa kanya yung plato na may kabundok na kanin at beef steak. Inabutan ko na din siya ng juice at nilapag ko yung plato ko sa tapat niya. Nag-i-ilusyon ba ko o bahagya siyang namula? Tss. Kung bakit ba kasi sa mga taong nagkakagusto sa’kin, hindi isa si Raine dun.
>3< - Raine
“Oh? Panget ba lasa?”
**iling iling** “Ang sarap! Bakit ganito lasa nito?! Mas masarap pa yata sa luto ni mama! Ano meron to?! Ang galing mo magluto! Saan ka natuto?”
“Madalas akong mag-isa sa bahay namin kaya natuto akong alagaan yung sarili ko. Self-taught.”
“Ah… Wala kayong maid?”
“Meron. Kaya nga inaalagaan ko yung sarili ko eh.”
“Nagtatanong ng maayos… Alam mo yung ang gwapo mo sana kaso ang sunget mo?!”
Nangiti ako dun ah. So gwapo pala ang tingin niya sa’kin?
“Gwapo ako. Period.”
“Tss. Dama naman…”
“Hahaha. Oo nga pala. Eto.”
Inabot ko sa kanya yung chocolates na kanina pa niya pinagpapaguran. Walang lason yun. Kanina pa niya pinaghihirapan eh. Sapat lang siguro na tulungan ko na siya.
“Waaaaaa~ Yung chocolates ko… Ikaw ang… Ano…”
“Sapat na ang thank you.”
“Th-Thank you…”
BINABASA MO ANG
White Day
Genç KurguSabi nila di daw kami para sa isat-isa… Wow ahh! Galing niyo naman! Nakikita niyo ba yung future ko!!!???