Ilang araw na lang, Valentines na. 10 days to be exact. At hanggang ngayon, clueless pa din ako sa ireregalo ko sa kanya. Eto ang mahirap na parte dito eh. Ano nga bang ireregalo ko sa tao na nasa kanya na lahat?! Iregalo ko na lang kaya sa kanya sarili ko, tanggapin niya kaya?
“Haaaaaa! Suko na ko! Yoko na!”
“Ayos ka lang Raine? Hindi mo na ba kaya? 5 laps na lang.”
“Ah. Hindi po. Kaya pa teach.”
Dapat ko ng i-Mighty Bond yung utak ko. Lumulutang. P.E. kasi namin ngayon. Swimming. Kailangan kong mag-concentrate dito kundi baka malunod ako.
**
Lunch break na. Kitain ko nga muna mga pasimuno ng White Day na to. Wala akong maisip na ireregalo kay bebe Blaze eh. Tahahaha~ Chaka. Bebe Blaze?! Eew. Honey? Hon? Nee? Bhie? Sugar? Boo? Babe? Mahal? Lovey? Hubby? Love? Makaisip ako ng petname wagas eeh. Kami naman ah. HINDI NGA LANG NIYA ALAM. Lels~
“Raine! Ang galing mo kanina!”
“Paturo naman sa’yo next time.”
“Ah. Sure. Sige. Thanks.”
Mga kaklase ko. Ewan ko sa mga yan. Every P.E. class babatiin nila ko na ang galing ko daw eh parang hindi naman. Sapat lang. Hindi nga ko kasali sa swim team tapos magaling na ko? Pano pa yan pag sumali na ko? Hahaha.
“Raiiiine! Dito! Dali!” - Mitchy
Nakita ko agad yung dalawa na kumakain na ng lunch sa bench. Ang daya. Hindi ako hinintay?
“Bakit kumakain na kayo agad? Daya niyo naman eh…”
“Ang tagal mo kasi. Tsaka mabuti ng mauna kami kumain para machika ka namin… Plano mo?” - Mitchy
“Ha? **nom nom** Plano?”
“Va-len-tines?” - Victoria
“AH! Wala.”
O.O – mukha nila
“Bakit wala?! Ten days na lang!” - Victoria
“Wala akong mareregalo sa kanya na ika-i-impress niya! Ang yaman niya! Heler?!”
Nagtinginan yung dalawa. Bakit bigla akong kinilabutan?!
“CHOCOLATES.” – Mitchy / Victoria
“He?”
“Chocolates! Hindi yung tipong nabibili sa tindahan. Hand-made. Uh-oh.” - Mitchy
^^*
Nga naman. Chocolates! Matamis at ikamamangha niya kapag nalaman niyang ako mismo gumawa. Mwahaha! Akin ka na Edouard Blaze Tuazon!
“Yehey! May ipang-re-regalo na ko! Samahan niyo ko mag-shopping mamaya. Ano bang kailangan dun? Cocoa? Uhm…”
“R-Raine… Alam mo mas maganda siguro wag na lang pala chocolates…” - Victoria
“Bakit? Thanks sa idea. Yeee! Excited na ko!!!!!!”
**
“ANONG GINAGAWA MO SA KUSINA KO?!!!!!!!!!!!”
Waaaaaaa~ >.<
Earplugs please! Bakit ba ang daming nag-pa-panic?! Kahapon si Mitchy at Victoria. Ngayon, si mama naman. Over! Para gumagawa lang ng chocolates eh.
“Gumagawa ko ng…”
“Wala kong pake sa ginagawa mo! Umalis ka sa kusina ko!”
“Eh bakit mo ko sinisigawan?! Damot! Kusina lang naman…”
“Ano bang ingay yan?!”
“Naku Cloud! Yang kapatid mo pinasok ang kusina.”
“Ano?! Raine. Lumabas ka diyan!”
“Bakit ba kuya?! Isa ka pa eh! Nakikigamit lang ng kusina…”
“Sa ibang kusina ka na lang ok? Ma, anong damage?”
“Wala naman. Hai~ Buti naman.”
>3<
Ano bang big deal?! Masama na bang gamitin yung kusina ng bahay namin?! Hindi ba dapat silang matuwa kasi yung bunso nilang kapatid eh nagluluto? Tama bang ma-praning?! Ibang kusina… Tse! Bahala kayo diyan! Hahanap ako ng… kusina? Hahaha. I know the perfect place!
BINABASA MO ANG
White Day
Teen FictionSabi nila di daw kami para sa isat-isa… Wow ahh! Galing niyo naman! Nakikita niyo ba yung future ko!!!???