NAMAMANGHANG inilibot ng sampung taon na si Neon ang paningin sa mansiyon na tinigilan nila ng kanyang ama. Her father- Calix Ravenbury- told her that they were going to visit an old family friend. Medyo nainis pa siya sa kanyang ama dahil inutusan pa siya nitong lumiban sa taekwondo class niya dahil kailangan nilang umalis. Kung alam lang niya na sa isang mala-palasyong tahanan sila pupunta, nagmadali sana siya sa paggayak.
She was a fairytale fanatic. And seeing an almost look alike castle in real life makes her wonder if she can also see a prince inside of it. Pero isa iyong paniniwala na walang ibang nakakaalam maliban sa sarili niya. Sino ang maaari niyang kwentuhan ng tungkol kay Snow White, Cinderella at Sleeping Beauty? Ang kanyang ama na walang ibang inaatupag kung hindi ang magpalago ng business empire nila? O ang kanyang natitirang Lolo- sa mother side-na ngayon ay may mataas na katungkulan sa AFP? She had brothers, dalawang kuya na wala yatang inidolo kung hindi ang kanilang abuelo. They were all stiffed at parang palaging nakikipagnegosasyon sa mga MNLFkapag kausap niya. Siguro ay dahil na din sa malaki ang agwat ng edad niya sa mga ito. Malapit ng magtapos sa kolehiyo ang nakakatanda niyang kapatid habang nasa third year highschool naman ang sumunod dito.
She just wished that her mother was still alive so she can have someone who can understand her. Pero namatay ito pagkatapos siyang mailabas sa mundo at naiwan siya sa pangangalaga ng mga barako niyang pamilya. Yes, ang mga ito ang natitirang miyembro ng pamilya nila. Ang Lola nila ay sumakabilang buhay na din eight years ago dahil sa sakit sa puso habang ang grandparents niya sa father side ay nanatili sa ibang bansa kasama ang iba pang kapatid ng Papa niya.
Dahil masasabing mas malapit siya sa Lolo Anton niya dahil mas marami itong oras na nakakasama niya kaysa sa kanyang ama na kulang na lamang ay tumira sa opisina nito, minsan siyang humiling dito ng laruang Barbie, pero sa halip ay boxing gloves ang ibinigay nito sa kanya. Paulit-ulit din nitong sinabi sa kanya na walang kalulugaran sa mundo ang mga taong mahihina. Dapat lang daw na matututo siyang ipangtanggol ang sarili niya upang hindi siya samantalahin ng ibang tao. Simula noon ay tumanim na sa utak niyang hindi niya pwedeng ipagkatiwala sa mga ito ang pagkahilig niya sa mga fairytale dahil baka itirik siya nito ng patiwarik.
Nang makababa sila ng sasakayan ay may sumalubong agad sa kanilang naka-unipormeng katulong. Hindi na niya gaanong napagmasdan ang napakalawak na bakuran at ang infinity pool na naroroon dahil pinapasok na sila nito sa 'palasyo'. Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang napakaraming nakaitim na lalaking nakatayo sa harapan ng mansiyon at tila nagmamasid sa paligid. Malaki din ang tahanan nila at triple ang laki sa bahay na iyon pero dahil mukhang kastilyo iyon, labis ang pagkamangha niya. Napaka-grandiyoso ng napakataas na hagdanan, may mga paintings na nakasabit sa dingding at halatang mamahalin ang lahat ng mga kasangkapang naroroon.
"Calix!"
Naagaw ang pagsuri niya sa naglalakihang vase na kasing tangkad niya at napabaling ang tingin niya sa bumati sa kanyang ama. Hindi niya alam kung bakit, pero parang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba ng makita ang may edad na lalaking papalapit sa kanila. Halatang kasing edad ito ng kanyang Lolo at matikas din ito sa kabila ng edad nito. Nasa tabi nito ay isang paslit na babae. Singkit ang mga mata nito na hindi niya makitaan ng ano mang emosyon. Ilang saglit pa siyang napaisip kung kilala ba niya ito dahil tila pamilyar ito sa kanya.
"Michio, pasensiya na kung hindi makakarating ang Papa. Hindi na niya nakaya pang ipagpaliban ang mga nakalinya niyang gawain ng tumawag ka kanina. Gayunpaman, ipinapaabot niya ang pangangamusta sa iyo." nakangiting bati ng kanyang ama sa matandang lalaki.
Napatingin siya sa kanyang Papa. Bibihira niyang marinig na magsalita ito ng katulad ng sa ngayon. Para bang kay saya nito pero puno pa din ng respeto ang tinig nito. Dahil mayaman ang pamilya nila, palagi itong seryoso sa pakikipag-usap sa ibang tao na para bang gusto nitong pangilagan ito ng taong kinakausap nito.
"Siya si Neon, tama ba?" tanong ng lalaking nagngangalang Michio.
Bumaling siyang muli sa kaharap. Napalunok siya ng makitang sa kanya na ngayon nakatitig ang singkit nitong mga mata na para bang pasimple siyang sinusuri.
"Tama, siya si Neon, ang aking bunso na nakilala niyo na din noon," pakilala ng kanyang ama sa kanya at inudyukan pa siya nitong humakbang palapit sa kaharap, na siyang ginawa niya. "Neon, greet your friend Reddin."
Friend? Papaano niyang naging kaibigan ang batang singkit na ito gayung kakikilala pa lang nila? Mukhang nabasa naman ng matandang nasa harapan niya ang nais niyang itanong sa kanyang ama.
"Hindi mo ba siya natatandaan, Neon? Siya ang aking apo na nagligtas sa buhay mo dalawang taon na ang nakakaraan."
Para siyang itinulos sa kinatatayuan habang manghang nakatingin kay Reddin. Parang tubig na bumuhos ang alaala kung papaano niya naging kakilala ang batang nasa harapan niya. Magkaibigan ang pamilya nila at dahil madalas na naglalagi siya sa bahay ng abuelo niya, nakilala niya ito. Pero hindi niya ito masasabing kaibigan dahil palagi lang itong tahimik kahit anong tanong ang gawin niya. Hanggang isang araw ay niyaya niya ito na magtungo sa park sa loob ng subdibisyon nila at may nagtangkang k-um-idnap sa kanya. Takot na takot siya ng panahong iyon at inakala pa niya na iiwan siya nito ng siya lamang ang buhatin ng mga lalaking nakamaskara at tinangka isakay sa sasakyan. Pero hindi ganoon ang nangyari, namalayan na lamang niya na bumagsak siya sa semento at ang takot na nararamdaman niya ay napalitan ng pagkamangha ng makitang namimilipit na nakahawak sa pundiyo nito ang lalaking bumuhat sa kanya.
Parang nanonood siya ng live ng UFC championship ng makitang mabilis na iniiwasan ng batang wala yatang dila ang pagtatangka ng mga lalaki na hulihin ito. Nagawa pa nitong pagsusuntukin ang dalawa pang lalaki at pagkatapos ay namimilipit din ang mga itong humandusay sa kalye. Dahil sa komosyon ay mabilis na nakakuha sila ng atensiyon at madami ang tumulong upang mahuli ang mga salarin. Pero iyon na ang huling beses na nakita niya si Reddin. Kahit anong pagtatanong ang gawin niya sa Lolo niya tungkol dito ay wala siyang nakuhang kasagutan kung bakit biglang hindi na nagpupunta sa bahay nito sina Reddin. Basta ang alam niya, ito ang batang hindi niya pwedeng biruin kung gusto niyang manatiling buo ang mga buto niya. At ngayong muli silang nagkita, may isa pa siyang napansin dito. Nanatili itong mas maliit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bright Like Neon Love
RomanceMeet Neon Ravenbury. Isa sa mga estudyante ng Ravenbury International School na siyang pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng Ravenbury International School ay may isang gusali na ginawa para kay Neon at sa ilang piling estudyante ng RIS. Ang tawag sa...