Huling araw na ng kanilang intrams kaya naman halos hindi na magkandaugaga ang mga estudyante sa paglubos-lubos sa bawat oras ng kaligayahang natitira sa kanila. Lalo na sa mga estudyanteng hindi naman nag-aaral sa kanilang paaralan.
Naggagandahan ang mga itinayong booths ng mga faculty nila. Halatang pinaghandaan at pinag-planuhan. Maraming iba't-ibang klase ng pagkain ang inihanda ng management para sa mga bisita at feeling bisita. Hindi basta-basta kundi dekalidad na mga putahe ang naka-hatag sa palibot ng quadrangle ng eskwelahan nila. Hindi nga naman magiging sikat ang RIS kung tulad lang ito ng ibang mga private school sa kung saan. Exclusive na itinuturing ito because of its class at kakaibang pamamahala ng Daddy ni Neon.
Hindi sa lahat ng bagay ay bongga ang mga kaganapan sa naturang intrams. Mayroon din namang mga naniniwala pa din sa kabaduyang handog ng kung ano-anong booths. Mga pangkaraniwang booths kagaya ng Dedication Booth, Jail Booth, Photo Booth, Film Viewing, Face Painting at ang walang kamatayang Marriage Booth.
"O bahala na kayo sa buhay ninyo. Kanya-kanya muna, magpapa-face paint muna ako!" Sabi ni James.
"Ipa-permanent mo na." Sabad ni Red at saka humiwalay na rin sa grupo nila.
"Impaktang unano!" Gigil na bulong ni James bago lumakad palayo. Sumunod na humiwalay sa grupo sina Gray at Caleb.
Siya naman ay excited na nagtungo papuntang photo booth. Bago pa man siya makalapit nang husto ay may kung sino'ng yumapos at humalik sa kanyang pisngi. Dadambahin na sana niya kung sino man iyon kung hindi niya lang napansin na si Red lang naman pala ang mistulang batang nakapulupot sa kanya. Hindi na siya nadala sa lintik na ngisi ng kaibigan. Huli na ng maramdaman niyang may kung sinong nagtali sa kamay niya at naglagay ng piring sa mga mata niya. Naramdaman niya ding may kasama siyang nakatali. Makawala lang siya, tutuktukan niya kung sino man ito. Ang higpit makahawak eh!
“Enjoy dear, let me know the story later ‘aright?” Yun lang at saka niya naramdaman na binibuhat na sila ng kasama niyang nakatali papunta sa kung saan.
HALOS hindi maimulat ni Neon ang mga mata ng tanggalin ang piring sa mga mata niya.
“You have thirty minutes before you guys can be freed. And by freed, meaning someone outside must pay to bail you out.”
“Thirty Minutes? Bakit ang tagal!?” asik ni Neon sa SSG na naatasang magbantay sa naturang booth na kinarooonan nila.
“Mabilis na ang thirty kung mapa-piyansahan ka agad Neon. And knowing your friends, I know they will not let you stay even for more than an hour. They wouldn’t do that, would they?”
Naiirita siya sa pinapakitang superiority ng lalaki, alam niyang fourth year student ito pero siya pa rin ang anak ng may-ari ng kanilang paaralan. At bakit ganoon na lamang ang ngiting binibigay sa kanya ng ungas na ito? Nasisiguro niyang kasabwat ito ni Red kaya ganoon nalang ang tapang nitong sagut-sagutin siya.
Hah! Bail my ass. Kakagatin talaga kita mamaya Reddin!
Isa pang nakakainis na hindi yata umuubra dito ang kanyang matalim at nakakatakot na mga titig. Kahit anong nakamamatay na tingin ang ipukol niya dito ay kiber lang ang walanghiya.
“Bakit walang ibang tao? Anong klaseng Jail Booth 'to?”
He just gave her the silly look. “Since special ka, dapat special din ang kulungan mo diba. Make sense?”
“Eh pano kung walang mag-piyansa? Can I just pay for myself?” tanong niya pa rito.
“Kung wala, aba’y mukhang magce-celebrate kayo ng buong araw sa booth na ito. You can get to know each other more. Be friends or kill each other maybe. Depends on what you want. Exciting isn’t it?”
BINABASA MO ANG
Bright Like Neon Love
רומנטיקהMeet Neon Ravenbury. Isa sa mga estudyante ng Ravenbury International School na siyang pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng Ravenbury International School ay may isang gusali na ginawa para kay Neon at sa ilang piling estudyante ng RIS. Ang tawag sa...