"NEON, what is he like? The man you should marry?" curious na tanong ni Xanther sa dalagang kumakain ng ice cream.
Dalawang araw na buhat ng aminin nitong siya ang totoong mahal nito at nanatili sila sa beach resort. Wala silang ibang ginawa kung hindi ang magkwentuhan ng mga pangyayari sa buhay nila noong mga panahon na hindi sila magksama. Hindi niya masasabing lubusang nawala ang takot niyang muli itong mawawala sa buhay niya ng sabihin nito ang rason kung bakit kinailangan nitong gawin ang mga bagay na ginawa nito sampung taon na ang nakakaraan. Ayaw niyang pumagitna sa dalaga at sa pamilya nito pero hindi niya mapapayagan na muling piliin ni Neon ang magpakasal kay Lantis Kim dahil sa will ng Papa nito.
"Honestly? I don't know. May mga nagsasabi na mabait si Lantis. Palagi kaming pormal sa isa't-isa kapag kami lang dalawa. Maybe, because we both know that we're just seeing each other because of our family. 'Yong tipo na kahit gusto naming kilalanin ang isa't-isa ay hindi namin ginagawa dahil sa tingin namin ay mali ang dahilan kung bakit kailangan naming maging close…it's just awkward," pagkukwento nito sa kanya. Tinitigan siya nito. "Don't tell me, you're still jealous of him?" nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.
"A little," pag-amin niya. "Dahil kahit hindi ni’yo gusto ang isa't-isa, nakasama mo pa din siya ng mga taon na hindi kita kasama. No'ng mga panahon na palagi kong iniisip kung saan ba ako nagkamali sa relasyon nating dalawa. Kung bakit biglang may iba ka ng mahal."
Natahimik ito at huminto sa pagkain. Hinawakan niya ang isang kamay nito at nginitian ito.
"Hindi kita gustong konsensiyahin," aniya ng makitang apektado ito sa mga sinabi niya. "Pero dapat na sinabi mo na lang sa akin ang totoo, Neon. Sana hindi mo sinarili ang lahat. Alam kong gusto mo ding ayusin ang lahat ng ikaw lamang. Naiisip ko tuloy ngayon kung may mababago kaya kung hindi sana ako agad umuwi ng Pilipinas noon at nanatili pa din ako sa tabi mo kahit ipagtabuyan mo pa ako."
Mahal niya si Neon pero hindi niya man lamang nahalata na may pinoproblema na pala ang dalaga noong nasa Amerika sila. Ang palagi lang niyang iniisip ay masaya siya kapag kasama niya ito kaya labis ang sakit na naramdaman niya ng ipagtabuyan siya nito. Hindi niya inisip na marahil ay mayroong ibang dahilan kung bakit biglang nakipaghiwalay ito sa kanya dahil ang nais lang niya ay lumayo upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
"I'm sorry, Xanther," seryosong ani Neon. "Sa tingin ko, kahit nanatili ka noon sa Amerika ay wala ding magbabago. Mas nasaktan lang siguro natin ang isa't-isa dahil sa bandang huli ay kakailanganin pa din nating maghiwalay. That time, inisip ko na kailangan na nating maghiwalay agad dahil kailangang isipin ng mga kapatid ko na pumapayag na ako at ng hindi na sila maghigpit pa sa akin. Inisip ko na mas makakaisip ako agad ng solusyon at babalik ako ng Pilipinas upang hanapin ka ulit. Pero kahit anong gawin namin ni Lantis ay walang nangyari, nade-delay lang palagi ang engagement namin. Hanggang sa nawawalan na ako ng pag-asa na magiging maayos pa ang lahat. Mahal ko ang Papa ko at gusto kong sundin ang nasa last will niya pero mahal din kita Xanther. Mahirap magdesisyon pero kailangan na dahil nalalapit na ang kasal namin ni Lantis at pinipili ko ng manatili sa tabi mo kahit na ano pang mangyari."
Nakaramdam siya ng katuwaan sa mga sinabi nito. Hindi niya inakala na darating pa ang panahon na muli niyang maririnig mula sa mga labi nito na mga salitang iyon. Na mananatili ito sa tabi niya kahit na ano pang mangyari.
“Ang sabi ni Reddin, pwede niya tayong tulungan–"
“Sa tingin ko, hindi si Red ang maaaring makakapigil sa kasalang ito,” putol ni Neon sa sinasabi niya.
Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.
"Ang huling naisip ko noon na pwedeng makatulong sa akin ay si Lolo Michio. Nakikinig sa kanya ang Lolo ko at ang mga kapatid ko."
BINABASA MO ANG
Bright Like Neon Love
عاطفيةMeet Neon Ravenbury. Isa sa mga estudyante ng Ravenbury International School na siyang pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng Ravenbury International School ay may isang gusali na ginawa para kay Neon at sa ilang piling estudyante ng RIS. Ang tawag sa...