CHAPTER TEN
Ten years after…
YOU’VE gotta be kidding me,” hindi makapaniwalang wika ni Xanther sa Tita Mandy niya. Kapatid ito ng kanyang ina at itinuturing niyang mahalagang kamag-anak niya sa lahat. Ito ang madalas na pumupuna sa mga mali niya, ang taga-areglo sa mga kaguluhang nagagawa niya mula ng bata pa siya. Pero hindi niya ngayon maunawaan ang nais nitong mangyari. Gusto nitong mag-hire ng bodyguard para sa kanya.
Ipinatawag siya nito sa opisina nito dahil may mahalaga daw itong sasabihin sa kanya. Kahit na dadalawang oras pa lang siyang nakakatulog dahil inumaga na siya sa party na dinaluhan niya kagabi ay nagmamadali pa din siyang pinuntahan ito. Kung alam lang niya na iyon lang ang sasabihin nito, sana’y natulog na lang siya muli sa bahay niya.
“Ilang taon ka na, Xanther?” seryosong tanong nito sa kanya.
Nakakunot ang noong tiningnan niya ito. Nag-uulyanin na ba ito? “Tita, I think we should go to the nearest hospital,” natatarantang sabi niya. Tumayo na siya sa kinauupuan para sana alalayan ito sa pagtayo.
“Sit down! Wala akong sakit. I’m perfectly fine. Kung meron man na dapat ipagamot sa ating dalawa, ikaw iyon!” puno ng inis na hiyaw nito sa kanya. Tahimik na muli siyang umupo sa may harapan ng lamesa nito. “My God, Xanther, you’re twenty-five years old. Hindi ka na bata, pero anong ginagawa mo? Wala! Ayaw mong magtrabaho at pamahalaan ang bangko, ayaw mong magseryoso sa buhay. Palagi ka na lamang lumalabas kasama ang mga tamad mong kaibigan. And last night, may nagpadala ng patay na aso sa bahay mo! Wala ka na ngang ginagawa sa buhay mo, nagkakaroon ka pa ng kaaway!” Nahahapong litanya nito sa kanya.
Nakangiwing muli siyang tumayo at tinungo ang likudan ng swivel chair nito. Marahan niyang minasahe ang balikat nito. Hindi na niya sasabihin pa ditong halos isang linggo na siyang nakakatanggap ng mga patay na hayop. Ayaw niyang lalo itong mag-hysterical kapag nagkataon dahil lamang sa napili ng kung sinong siraulo na gawing sementeryo ng mga hayop ang harapan ng bahay niya.
“Tita, relax. Huwag mong intindihin ang siraulong gumawa niyon. Wala lang iyong magawa sa buhay at marahil ay naiinggit sa pogi niyong pamangkin,” pagbibiro ni Xanther dito.
“No, hindi ako matatahimik hangga’t hindi nahuhuli ang gumawa nito sa’yo. Kung hindi ka papayag na kumuha tayo ng bodyguard mo, wala na akong ibang choice kung hindi ang sabihin ito sa mga magulang mo, Xanther.”
Nahinto siya sa pagmamasahe dito. Three years ago ng humiwalay na siya ng tirahan at magmula no’n ay hindi na siya muli pang bumalik sa bahay ng mga magulang niya. Hindi sa pinagbabawalan siya ng mga ito na bumalik o dumalaw sa dati nilang bahay, pero siya na mismo ang nagdesisyong huwag ng bumalik doon kahit pa madalas na ipinapatawag siya ng kanyang Mama. It was an empty house after all. Wala siyang maisip na magandang rason upang bumalik. Bumuntong-hininga siya.
“Okay, pumapayag na akong kumuha tayo ng bodyguard. Kailan tayo maghahanap?” pagpayag niya sa kagustuhan nito. Sa isip niya ay maaari naman niyang malusutan ang kukuhanin ng tiyahin niya. Lihim siyang napangiti.
PASIPOL-SIPOL si Xanther habang papasok siya ng Triple Security Agency na pag-aari ng kaibigan niyang si Caleb. Limang taon mula ng huli niya itong nakasama dahil naging busy na ito sa negosyong sinimulan nito. Mabuti na lamang at nasa kanya pa ang number nito at tinawagan na niya ito kanina upang sabihin na umastang hindi sila magkakilala sa oras na dumating sila doon ng Tita Mandy niya. Ang agency nito ang una niyang naisip dahil kaibigan niya ito at maari niyang sabihin sa tiyahin niya na kumuha siya ng bodyguard kahit hindi. Napangisi siya sa naisip.
Pero unti-unting nawala ang ngiti niya ng sa halip na si Caleb ang humarap sa kanilang magtiyahin ay isang babaeng amasona ang nasa harapan nila.
“Hija, I’m Mandy Miranda at siya si–”
BINABASA MO ANG
Bright Like Neon Love
רומנטיקהMeet Neon Ravenbury. Isa sa mga estudyante ng Ravenbury International School na siyang pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng Ravenbury International School ay may isang gusali na ginawa para kay Neon at sa ilang piling estudyante ng RIS. Ang tawag sa...