NAGLALAKAD pabalik ng Block Seven si Neon. Plano niya sanang magliwaliw ng araw na iyon, kaya lamang ay nagbago ang isip niya dahil wala naman siyang kasama. Inaya niya sina Red ngunit ayaw nitong sumama sa kadahilanang kalalabas lamang daw nito kahapon kasama nina Caleb. Kaya naman kahit palabas na siya ng RIS ay nag-desisyon siyang bumalik na lamang. Katatapos lang ng ikatlong araw ng klase nila. Naiinis pa din siya dahil mababa na naman ang nakuha niya sa surprise quiz ng guro nila sa Filipino. Hindi niya alam kung bakit inaaraw-araw na nito ang surprise quiz. Isang araw, masu-surprise na lang din ito kapag tinanggal niya ito sa trabaho.
"Damn you, Crisostomo Ibarra. Deyyym you!" Wala siyang pakialam kahit mala-Sisa ang ginagawa niyang pabulong-bulong habang naglalakad. Why? She's a Ravenbury, she can get away from anything. Patuloy pa din siya sa pagmo-monologue nang mapahinto siya sa paglalakad dahil napansin niyang may binatilyong nakasandal sa punong malapit sa gusali nila. Nakasuot din ito ng uniporme ng RIS. Matangkad ito kumpara sa mga ordinaryong estudyanteng lalaki. Nakapamulsa ito habang nakatanaw sa Block Seven. Naramdaman yata nitong may nakatingin dito kaya lumingon ito sa gawi niya.
Parang slow motion ang ginawang paglingon nito. Naging slow motion din yata ang pagtibok ng puso niya hanggang sa pakiramdam niya ay huminto iyon. Mula sa malayo, narinig niyang may isang grupo ng mga estudyante ang kumakanta.
Today was a fairytale
You were the prince
I used to be a damsel in distress..
At siya naman ay parang pumasok sa isang Disney film dahil ang lalaking nakatingin na ngayon ng diretso sa kanya ay mukhang prinsipe! Saying that this guy is gorgeous would be an understatement. Malamlam ang mga mata nito, katamtaman ang tangos ng ilong at nakalabas ang mga biloy nito sa magkabilang pisngi. Parang nagpipigil ito ng ngiti sa kung anumang dahilan.
Charming. Prince Charming.
One look from his face and she knew that she's a goner. Gusto niya itong lapitan at tanungin.
"Hey, do you wanna build a snowman? Or would you like to build a whole new world with me?"
Kaya lamang ay ni hindi niya magawang igalaw ang mga paa kaya nanatili lamang siyang nakatingin dito.
Ilang segundo din itong nakatitig sa kanya bago dahan-dahang umalis sa pagkakasandal sa puno at naglakad palapit sa kanya. Kahit ang paglalakad nito ay tila slow motion din. O talagang mabagal lang itong maglakad? Ewan. Basta isa lamang ang alam niya, ito na ang sagot sa kanyang mga panalangin. Kahit hindi siya masyadong nagdarasal.
Huminto ito sa harap niya at ngumiti. Lalong naging prinsipe ito sa paningin niya dahil sa mabait nitong ngiti. Wala siyang ibang nagawa kundi ang tumanga dito habang nakatingalang nakatingin dahil di hamak na mas matangkad ito sa kanya. Nanigas siya sa pagkakatayo ng bahagyang yumuko ito para magpantay sila.
She can almost hear his heartbeat. Almost. Bigla itong nagsalita, "Miss, laway mo." at saka dumiretso ng tayo. Nawala na ang mabait na ngiti nito. He looked smug and he's smirking.
Para sa isang binatilyo, kay lalim ng boses nito. Malalim pa sa balon ni Sadako. Hindi niya alam kung bakit nadamay si Sadako sa usapan pero wala siyang pakialam. At ano nga ulit ang sinabi nito? Ah, yung laway niya daw.
Teka, laway niya?
Naramdaman niya ang init na unti-unting umaakyat sa mukha niya. Napahawak din siya sa kanyang baba at sinigurado kung may laway ngang tumulo. Wala naman, sa awa ng Diyos.
She heard him laugh, "I can't believe you just did that. Gano'n pala talaga ako ka-gwapo. Worth drooling for." Umaalog-alog pa ang balikat nito habang patuloy na nakatingin ng nakakaloko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bright Like Neon Love
RomanceMeet Neon Ravenbury. Isa sa mga estudyante ng Ravenbury International School na siyang pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng Ravenbury International School ay may isang gusali na ginawa para kay Neon at sa ilang piling estudyante ng RIS. Ang tawag sa...