Chapter Nine

479 26 8
                                    

“Xanther, I’m leaving.”

Just like that, the happiness that he felt from her kiss turns into a nightmare. Kung kanina ay doble ang sayang naramdaman ni Xanther sa halik na ibinigay ni Neon ay triple naman ang kirot na bawi nito ng bitawan ang mga salitang hindi niya inaasahang sisira sa mga sandaling iyon.

“Leaving where?” nangangambang tanong niya rito.

“States.” Maiksing sagot lang ni Neon.

“Vacation?” muling tanong niya ngunit sa huli ay nag-iwas lamang ng tingin ito.

“For how long?” Still, she didn't answer.

Will you be back in months?

A year?

Two?

Three maybe?

 Will I be able to see you then?

He wanted to ask her so badly but in the end, he decided to keep them all himself. He knew it. He should’ve seen this coming in the very first place. Nitong mga huling araw ay wala na siyang inisip kundi ang pagkawala ng presensya ni Neon sa paaralan. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang ni hindi sumagi sa isip niya na iba't-ibang mga bagay tulad ng tuluyang paglayo nito. 

“Kailan ang alis mo?”

Sa wakas ay muling ibinaling nito ang tingin sa kanya. But this time it was different. It felt so bad looking into her eyes without the natural life on it. Somehow she looks tired, pained and ruined. Knowing how much of a warrior this girl is, maging siya ay hindi matagalang titigan ito ng direkta sa mga mata. He wanted to pretend he didn’t see that but he can’t. Alam niyang wala ring magagawa ang ano mang pagpapagaang loob na sabihin niya dito. He never take things seriously at first but with her, it was just different.

He decided to take her hand and hold her close to him instead.  Bigla ay naramdaman niya ang unti-unting paghigpit ng mga yakap nito sa kanya.

“It’s okay Neon. I’m just here, you still have me.” And with that, she started crying.

He knew what she was holding back. Kung maaari niya lang sanang kunin ang lahat ng sakit na nararamdamn nito ay gagawin niya. Gagawin niya ang lahat upang manumbalik ang sigla sa mga mata nito. He knew she's leaving anytime soon. Pero tatanggapin niya. Tatanggapin niyang lahat para kay Neon.  

“WHAT happened?” nag-aalalang tanong ni Gray nang makitang papasok si Xanther sa Block Seven buhat ang walang malay na si Neon.

“Nakatulog kakaiyak. Where’s her room?” Tanong ni Xanther kay Gray.

Ngunit hindi pa man naka-tatlong hakbang ay muntik nang mailaglag ni Xanther si Neon mula pagkakabuhat sa lakas ng pagkakatama ng kung ano sa kanyang ulo.

“What the..”

Then he saw Red, literally. Talagang pulang-pula ito sa kung ano mang dahilan at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.

                “Talaga bang sawa kana sa buhay mo Xanther? Ano'ng ginawa mo kay Neon?!”

                Sunod niyang nakitang lumabas ng kanya-kanyang silid sila Caleb at James at saka nagmamadaling nagtangkang kunin si Neon sa kanya. He ignored them. Like hell he would let any man carry her. Wala siyang pakialam kung malalapit na kaibigan ni Neon ang mga ito. Lalaki pa rin ang mga ito, so he would never let them carry nor touch her.

Over my dead body.

Nang tila maintindihan nina James at Caleb ang gusto niyang iparating ay marahang lumayo na lang ang dalawa, saka niya muling binalingan si Red.

Bright Like Neon LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon