ROUGHLY 3650 days ago...
"Hi miss. May nakaupo ba diyan sa tabi mo?"
Neon adjusted her sunglasses and shooked her head. The young man sat beside her. Nangingiting sinulyapan niya ito. Nakita niyang napasulyap din ito at tila nagpipigil ng ngiti.
Patay malisyang iniiwas niya dito ang tingin at pinagmasdan ang mga taong labas-masok sa airport. Iyon na ang araw ng pag-alis niya ng bansa. Napabuntong-hininga siya. Gusto na niyang bumalik ng Block Seven.
"Hey." untag ng katabi niya.
She frowned at him, "What?"
"Where are you heading?"
"New Jersey, you?
"New Jersey." pagkasabi niyon ay niyakap siya nito nang mahigpit at saka siya hinalikan sa pisngi. "God, you're so adorable."
Pinaikot niya ang mga mata. "God, you're so corny."
Biglang umayos sa pagkakaupo si Xanther nang mamataan nitong papalapit ang kuya Nicholas niya. "Hi Kuya!" magiliw na bati nito sa kapatid niya.
Tumango lamang ang Kuya niya. Hindi ito pabor kay Xanther maging ang pagsama ng nobyo sa kanila papuntang ibang bansa. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong komprontahin ito dahil ibinuhos niya ang mga huling araw na nasa bansa siya kasama ng mga kaibigan.
"Get ready. Malapit na ang scheduled flight natin."
Tumango sila ni Xanther at saka nagsimulang ayusin ang mga gamit nila.
"Neon! Neon!" narinig niyang sigaw ng kung sino.
Pagkalingon niya ay nakita niya ang mga kaibigan na papalapit sa kanila— si Red na blangko ang ekspresyon ng mukha, sa Caleb na tipid na nakangiti sa kanila, si Gray na malungkot na nakatingin lamang at si James. Si James na O.A. na mugtong-mugto ang mga mata.
Nangilid ang luha niya pagkakita sa mga kaibigan. Humihikbing tumakbo siya palapit sa mga ito at saka isa-isang niyakap ang mga ito ng mahigpit.
Naalala niya ang araw na nagpaalam siya sa mga ito.
"I'm leaving." malungkot na anunsiyo niya sa mga kaibigan.
Kakatapos lamang ng klase nila ng araw na iyon at palabas na sila ng silid ng sabihin niya iyon. She was trying to look for a perfect time to tell it to them, but for some reason, she chose this moment to do so.
"Saan ka naman pupunta?" nakakunot-noong tanong ni Red na abala sa pagliligpit ng mga gamit nito.
"States." simpleng sagot niya.
Napahinto ito sa ginagawa at napatingin sa kanya. Biglang tumahimik din ang paligid.
"Nice one, Neon. Is that you, trying to be funny?" sarkastikong tanong ni Red sa kanya.
Umiling siya at saka sinimulang ikwento ang lahat sa mga ito.
Nang matapos sa paglalahad ay matagal na nanahimik lamang ang mga ito. Biglang lumapit si James at niyakap siya nang mahigpit. Tahimik na nakamasid lamang sa kanila ang mga kaibigan.
Nang gabing iyon ay tila nagkaroon sila ng open forum sa silid ni Neon. Gray told them to make the most out of it. Kaya heto sila, mga nakapantulog at kanya-kanyang pwesto sa kwarto niya, sharing their "deepest secrets".
"Bakla ako." biglang sabi ni James.
Blangkong nakatingin lamang sila dito.
Nagtatakang napatingin sa kanila ito, "What? Wala man lang gulat na reaksyon?"
BINABASA MO ANG
Bright Like Neon Love
RomanceMeet Neon Ravenbury. Isa sa mga estudyante ng Ravenbury International School na siyang pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng Ravenbury International School ay may isang gusali na ginawa para kay Neon at sa ilang piling estudyante ng RIS. Ang tawag sa...