Chapter Fourteen

433 23 9
                                    

Let’s play pretend.

Tahimik na nakamasid si Xanther sa malayo. Tinangka niyang kausapin ng masinsinan si Neon kanina pero hindi niya nagawa dahil palagi nitong binabago ang usapan. Panay ang tanong nito ng kung anong makakain sa kanilang ref o kung mayroon bang maaaring lutuin. Nang subukan niyang pigilan ito ay mabilis lang na nakaiwas ito sa kanya at pagkatapos ay tumuloy sa kusina kung saan sila kasalukuyang naroroon.

Hindi inaasahan ni Xanther ang mga unang katagang narinig niya ng magising si Neon. Inihanda pa man din niya ang sarili sa kung anong sakit ng katawan na siguradong makukuha niya sa oras na magkamalay ito. Hindi siya nakaimik ng kabaliktaran o malayo sa katotohanan ang mga unang salitang narinig niyang sinabi nito.

Let’s play pretend. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin siya sa mga nangyayari. Heto siya’t mukhang timang na nakatanaw sa pinto habang pinapanuod ang pakanta-kantang si Neon. Kasalukuyan itong naghahanda ng kanilang makakain. Gustuhin man niyang linawin na ang lahat dito ay hindi niya magawa.

He was scared. Fuck, he didn’t want to admit it but he was really scared that anytime at that moment, he’ll wake up. That anytime he’ll gonna find himself dreaming. Kanina ay sinimulan na din niyang magdasal na sana, kung nananaginip man siya ay bigyan pa siya ng sapat na oras para yakapin ang mga sandaling iyon. Sapat na araw para makabisado ang mga oras na iyon. Sapat na linggo para mahalin ang mga araw na iyon. 

Then he saw her looking at him. Neon smiled then she started walking towards him. Tila naging slow motion ang lahat sa kanilang paligid. She stopped when they’re finally inches away from each other. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit. Gusto niyang hagkan ang mga labi nito. Gusto niyang bawiin ang lahat ng mga panahong nasayang mula ng maghiwalay sila.

Marahang niyang hinaplos ang mukha ni Neon. Her beautiful eyes, her small pointed nose, her lips. God knows how much he misses those lips. Then he touches her cheeks. He tucked her hair to her ears then back to her face again. He went through the line of her lashes. Saglit na natigilan siya bago muling napangiti ng maalala niya ang nakaraan nilang dalawa. The sixteen year old Xanther and Neon. Young, crazy and in love. His smile becomes bigger then he holds her face with both hands tapos ay pinisil niya ang mga pisngi nito.  

“Baka gusto mo munang maghilamos Neon, may muta ka pa, oh.”

 

MULA sa pagiging matamis ay nauwi sa asim ang ibinigay na ngiti ni Neon kay Xanther. Mukhang nakuha din naman nito ang gusto niyang mangyari. Hindi niya lang inaasahan na sa ganoong paraan ipapakita ni Xanther ang pretend na hinihiling niya. Imbes na maging malambing ay isang hambog at sira-ulong Xanther pa yata ang gusto nitong iharap sa kanya. Napailing na lang siya sa harap nito. At least they’re back, muli ay nginitian niya ito saka hinila ang binata paupo sa harap ng lamesa.

“Mamaya na pagkatapos nating kumain,” sabi niya ng sa wakas ay makaupo silang dalawa.

“Hindi ka man lang ba mag tu-toothbrush muna? Dugyot ka talaga, maawa ka naman sa pagkain.” He said while showing her his best lopsided grin.  

Sira-ulo talaga.

“Ganun din naman 'yon, wala namang pinagkaiba kung magsisipilyo ako bago o pagkatapos kumain. Saka baka nakakalimutan mong patay na patay ka sa dugyot na’to mister. Teka, pakikuha nga yung baso Xather, nakalimutan ko sa lababo.”

Nakangiting tumayo ito. Nang makatalikod si Xanther ay mabilis na nakuha niya ang lalagyan ng asin gilid na lamesa. Ibinuhos niyang lahat ng laman niyon sa mangkok na nilagyan niya ng tinolang manok. Habang ibinubudbod niya ang asin ay nakatingin lang ang mga mata niya sa likuran ng binata. Mabilis na ibinalik niya ang lalagyan ng asin ng saktong paharap na ito sa kanya. She smiled at him mischievously tapos ay pasimpleng hinalo-halo niya ang laman ng mangkok.

Bright Like Neon LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon