Prologue"Knock, knock!"
Natigil ako sa pagkalkal sa gallery ko na pwede kong mapost na picture para sa birthday ng Kuya ko mamaya. Tumayo ako para pagbuksan ng pintuan si Sierra. Nakangiti siya sakin habang hawak ang doorknob ng pintuan ng kwarto ko.
"Bakit?" sinulyapan ko 'yung wrist watch ko. "Aga pa, ah? Stress!"
"Okay lang 'yan." tinulak niya ako papasok ng kwarto ko. "Bihis ka na. Maaga tayo papasok ngayon." she winked. "Dali!"
Nginiwian ko siya. "'Ge. Layas."
Namili ako ng pulang blouse. Kinuha ko 'yong itim kong blazer sa cabinet at 'yong slacks ko. Buti nalang nakaligo na ako at nagcecellphone nalang. Sinulyapan ko 'yung wall clock habang nagbibihis. 5 palang, for Pete's sake! 8:00 kaya ang start ng classes. Anong trip ni Sierra?
Lumabas na ako ng kwarto. Kumakain na si Sierra habang nanonood sa TV. Sinulyapan niya ako at niyayang kumain na rin. Naka-silky long sleeves siyang red na nakabukas ang unang dalawang butones. Nakita ko 'yung blazer niyang nakapatong sa tabing upuan.
Sandali lang kaming kumain. Pagkatapos maghugas ay nagmadali na kaming bumaba. Nakasuot na ako ng blazer ko habang siya ay sinabit lang sa braso. Pareho kaming naka-red stilletos at black slacks.
"Saan ba tayo pupunta? School agad? Baka sarado pa!" giit ko ng nasa loob na kami ng elevator.
"Daan muna tayo sa mall. Wala pa akong regalo sa kapatid mo," aniya habang nakatingala, minomonitor kung saang floor na kami.
Nang makarating sa lobby ay medyo crowded na kaya nahirapan kaming makalabas. We both groaned nang may sadya talagang humaharang.
"Miss, excuse me!" irap ko.
Nilingon ako ni Ate. Pati ang kaniyang kausap ay napabaling sa amin ni Sierra. Natahimik ako ng magkatinginan kami. Ito 'yung watch man. Binalingan ko si Ateng Harang.
"May dadaan," ang watch man sa baritonong boses. Hinila niya iyong babaeng nakatingin sa amin.
Kumunot ang noo niya sakin pero sa huli ay gumilid din. Pati 'yong watch man. Nakakaloka! Hinigit ko na si Sierra nang makalabas kami sa building.
Sumakay agad kami sa Porsche kong puti. Si Sierra na ang nagdrive. Nilingon ko siya. Excited! Binuksan ko ang bintana para badass ang datingan. Nakalugay pa ang buhok kong nililipad ng hangin habang ang kay Sierra ay naka-crown braid.
"Pogi talaga, hmm..." biglang sambit ni Sierra nang mag-traffic. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag.
"Sinong pogi?" tanong ko kahit may naiisip na.
"'Yung watch man! Di ba? Si Bhouws," nilingon niya ako. Ang mga kamay ay nasa steering wheel. "Kaloka 'yun. Ang papi tas watch man lang?"
"Ah, oo..." nag-agree nalang ako. Isang buwan na kami sa Haid Residences at ilang beses ko na rin nakikita ang isang 'yon. Gwapo nga. Pero hindi naman siya palasalita kaya hindi kami close. Pwe.
Biglang tumunog 'yung cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Mama kaya napailing ako. Tinanong ni Sierra kung sinong tumatawag. Sinagot ko agad at nag-speaker.
BINABASA MO ANG
Buldivia Series #1: Kelliah
General FictionKelliah Jade. A random woman with random thoughts in her own random world. Babaeng pinangalan sa skeleton at sa Bratz. Sabi sayo eh. Napaka-random. Kung anu-ano lang naisipan ng nanay. If you would ask the NBSB (No-Boyfriend-Since-Birth) lady, "Ano...