Chapter 6: Church

62 3 14
                                    

Chapter 6

Naloloka na ako.

Parang may mga tumutusok na ewan sa utak ko. Ewan. Ang sakit. I groaned tapos napahawak dito. Hinintay ko makapag-adjust ang mata ko. Dumilim kasi kanina eh. Ugh... sakit taena!

Bhouws waved in front of my face.

"You alright?"

I tried to move my hand, but parang nag-numb siya. Oh my. I'm also seeing flashing lights and usual lines.

"Hala!" si Bhouws.

"I'm not... okay," I tried to say. Teka, teka. Sumasakit lang pakiramdam ko nag-eenglish na ako, ah? Che! "As you can see..." dagdag ko pa para pak ganern pero shet sakit talaga.

"Aaaayooookoooo naaaaa!" tili ko at agad na nanghina.

"Kunan kita ng hot compress, dammit," si Bhouws. Hindi ko na siya nakikita dahil nakapikit ako. Humiga ako sa kama at huminga ng malalim. Naramdaman kong lumabas muna siya sa kwarto ko.

Nagpapahinga ako ng may peste na namang nag-doorbell. Sumakit na naman ang ulo ko dahil malakas 'yung tunog.

"Aish," irap ko. Sana naman ma-gets ni Bhouws na kailangan niya buksan 'yung pintuan.

Ilang segundong katahimikan. Heaven! Dinungaw ako ni Bhouws sa pintuan ng kwarto ko. Walang kibo ko siyang tinignan.

"May bisita ka." he said.

"Narinig ko 'yung doorbell." I pointed out.

"Gray daw." sabi niya kaya nagtaka ako. Ginagawa no'n dito?

"Papasukin mo." I replied at mas lalong siniksik ang katawan ko sa kumot.

Nagkibit balikat siya tapos umalis na naman. After a few seconds, pumasok na sa kwarto ko si Gray na natigilan pagkakita sakin.

"Kelly!" gulat niyang sabi sabay lapit sa gilid ng kama ko. Naka-black lang siyang shirt na may mga necklace ek ek na ewan ng mga kalalakihan tapos blue jeans. Ba't hindi siya nag-gray? Tsssss.

"Hello. Bakit ka nandito?" umubo ako.

"Tumawag kasi sakin si Sierra," hinagod niya ng tingin ang katawan ko. Mukhang naawa pa si Koya sa kalagayan ko, "May pinapamigay—"

Biglang pumasok si Bhouws ulit sa kwarto ko ng may dala nang hot compress. Umayos ako ng upo nang lapitan niya ako. Taray ni Bhouws! Seryoso tignan!

"Ano sinasabi mo ulit?" baling ko kay Gray na nakahalukipkip at pinagmamasdan lang kami.

"I think I should ask you first if you're okay." bumuntong-hininga pa si Gray.

"Hindi ako okay. Ano sinasabi mo kanina? Ansabe ni Sierra?"

"May pinapamigay daw 'yung dean sakin na nasa kaniya. Kunin ko raw sa condo niyo at tanungin nalang sayo kung nasaan 'yung folder na green?"

"Folder na green?" putek wala akong alam diyan ah. Hindi kaya ako inorient ni Sierra. Babaeng 'yun. Nagulat ako ng itapat ni Bhouws 'yung hot compress sa leeg ko.

"Put that on," sabi niya pa.

"Okay." sagot ko at hinawakan 'yung hot compress. Kainis bakit ba siya nag-eenglish.

"Lagay mo sa noo mo." tumayo na siya galing sa pagkakaupo sa kama ko. Humiga ulit ang masunurin na si ako. Minassage ko ang temples ko bago nilagay 'yung hot compress sa noo ko.

"Ano ulit, Gray?" tanong ko at medyo nakalimutan ang pinagsasasabi ni Gray. Inalala ko muna 'yun, "Ay nga pala, nasaan ba si Sierra?"

"May dadaanan daw sa pharmacy. Mukhang pabalik na rin 'yun. Uhm, 'yung folder na green pala na pinapamigay sakin?"

Buldivia Series #1: KelliahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon