Chapter 8: Their Position

78 4 3
                                    


Chapter 8:

Nakatitig lang ako sa mga kuko kong kaka-putol ko lang, kagabi. Huhu. "Mukha kayong sausage," sabi ko sa mga ito.

"Ay! Amazing! Nag-gupit ka na!" wika ni Pepe at bahagyang tumingin sa taas na tila nandoon 'yung sagot sa lahat ng mga kababalaghan dito sa mundong ibabaw. "Kailan ka ba huling naggupit? Two months ago?"

Inirapan ko siya. Nandito kami ngayon sa gym. Kasalukuyang naglalaro sa gitna ang mga basketball players. Naroon si Gray, ginagabayan ang mga manok niya.

Pagkatapos ng showdown kuno namin ni Bhouws sa labas, dumating si Gray at niyaya kami dito. Sumunod naman kami para mapanood ang laban ng basketball team. Nilibot ko ang tingin ko at hinanap si Reyn. Narito rin kasi ang college players. Though hindi ko alam kung nasaan si Sierra.

Si Bhouws naman, kasama pa rin si Lose doon sa kabilang gilid. Hindi kami nagtabi kahit gusto ni Pepe. Napaisip kasi ako. Close ba kami ni Bhouws?

LOL. Asa ka, Kelliah.

"Single ba ang dalawang 'yun?" biglang tanong ni Pepe habang pinapanood ang laro. Kasulukuyang nag-tatravelling 'yung isang player.

"Sino?" tanong ko at kumuha ng chips sa kaniyang clovers.

"Duh! Sila Cohen at... uhh..." kinagat ni Pepe ang labi, "Si Lose."

Nagkibit balikat ako, "Ewan ko..." tanong ko at bahagyang napaisip. Oh. Wait. Mabilis akong lumingon kay Penelope. "Si Cohen... uh... I don't think so. Single naman ata siya pero... not available."

Kumunot ang noo ni Pepe at binaling ang tingin sa akin galing sa gitna ng court. "Anong ibig mong sabihin?" sabay nguya niya sa clovers.

Nagkibit balikat ako. "May bumabakod." sabi ko nang maalala ang babae sa gym.

Naningkit ang mata ko. Taniya...

Naitikom nalang ni Penelope ang bibig. "Same, same," tumango-tango ako - talking about her reaction.

"May someone na parang possesive kay Cohen? 'Yun ba 'yung tina-try mong i-say?"

"Oo," I frowned. "Lul 'yung babaeng 'yun."

"Ohhh. Bakit? Malandi ba?"

I tried to say something (I'm giving up on you~ chos) pero tila hindi ko alam anong sasabihin kaya nanahimik nalang ako.

I must not judge her- That Taniya sa gym- habang wala pa siyang ginagawang kagagahan sa akin.
Ngumuso ako sa naisip.

Pero hindi ba... tinawag ko rin siyang malandi noon?

"Hindi ko siya kilala, I can't say." sabi ko na lamang.

"Kunwari pang hindi judgemental!" tawa ni Pepe.

"Che."

Nang matapos ang lahat ng activities para sa foundation day slash sports day, nagpagdesisyunan naming magpahinga muna sa faculty room. Oh. I bet, nag-aala zoo na naman 'yung classroom ko sa sobrang ingay dahil wala ako doon. Lalo na at malapit na ang dismissal.

Katabi ko si Gray habang papalabas kami ng gym. Nangunguna sa amin si Pepe, may kausap sa cellphone.

"Nanood ka ba?" biglang baling ni Gray sa akin matapos makihalubilo sa iba. "Parang lutang ka naman, e."

"Palagi naman." tawa ko.

"Ano bang iniisip mo?" tanong niya't bahagyang pinunasan ang pawis sa noo gamit ang likod ng kaniyang palad.

"Ba't andyosa ko," tipid na sagot ko at nagkibit balikat. "Joke lang."

"Ay nakakatawa, sumakit tiyan ko doon."

Buldivia Series #1: KelliahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon