Chapter 9: Unexpected

31 2 1
                                    

Chapter 9:

Sinulyapan ko 'yung Michael Cors kong wrist watch at tinignan kung anong oras na. Maaga akong gumising ngayon eh. May himala ata.

Hmm. 5 ng umaga palang.

Woah. Nagvavibrate 'yung phone ko at nakita kong tumatawag si Dad.

Sinagot ko nalang 'yung tawag. "Hello?"

"Kelly? I-pipick up ka ng driver natin mamayang 5:30. Magready ka na kasi kakain tayo sa labas. May ididiscuss tayo with Dane today."

Woah. For the first time ata seryoso ang sarili kong tatay. Well, 'di lang talaga ako sanay kasi usually lagi kaming nagbibiruan. In fact, mas close ako kay dad kaysa kay mama. LOL.

"Okay po."

Binabaan nalang ako ni dad. Huhu. Lagi nalang ako binababaan. Rip me.

Since tapos naman na akong kumain at maligo, sinoot ko nalang 'yung slacks, white stilettos, blazer, at blouse kong may pocket sa side.

Bumaba na ako sa lobby at suprisingly, di ko nakita si Bhouws. Siguro tulog pa. LOL.

Nakita ko na ang driver na kumakaway saakin. Hindi pa nag-susunrise kaya medyo madilim pa. Niyakap ko ang sarili ko kasi medyo lumamig.

"Ms. Caverly?"

"Ah yes."

Binuksan niya ang pinto para saakin. Naks. Makahire nga ng sarili kong driver. Hays joke. Broke ako ngayon rip.

Nung nakarating na kami, nakita kong sobrang fancy ng place! Ang ganda talaga. How to be like my parents huhu. They be RP's.

Lumapit na ako at umupo sa table namin. May katabi si Dane na babaeng parang 26 or so. I wonder who she is? Mukha din siyang familiar eh.

"Eyow mother and father dear~"

"Hay, tas sasabihin mong ang jeje ko." Sabi ni mama habang umiirap. Che! Oh well. Nagmana naman ako kay mama eh hehe.

"Hello," Sabi ng babaeng katabi ni Dane. Maganda siya.

"Psst sKellyton, girlfriend ko 'to." HA!? MAY GIRLFRIEND NA ULIT SI DANE TAS HINDI NIYA SHINESHARE SAAKIN!? Pero approve ako kasi mukhang mabait naman 'yung babae hehe. Infernes, may taste naman pala 'yung kapatid ko.

"Hays. I will pray for you ate. Sana hindi ka mahahawa sa jejeness level 1000 niyan." Sarap palang siraan ang kapatid mo sa girlfriend niya. LOL. First time lang kase ni Dane magka girlfriend. Ay hindi pala. Basta matagal na simula noong nagka-gf siya.

"Haha." Medyo woman of few words ata si ateng. Oh well.

Nung natapos na kaming kumain, pinakilala na ni Dane ang girlfriend niya.

"Mom, dad, Kelly, she's Mint. I wanted you guys to meet her. She will be my girlfriend and I'll love her and take care of her."

"Chill lang Dane. Di pa kayo magpapakasal."

"Ah. Sabi ko nga." Namula mula pa si Dane.

'Yon lang. Pinakilala lang ni Dane si Mint. Umalis na din ako since nakita kong 7 a.m. na. I don't want to be late though.

Oh. Naalala kong 'di ko pa nga pala naiinform si Sierra na umalis ako. LOL. Tinext ko nalang siya.

Pretty Kelly:

Hey Era, may pinuntahan lang si aq. May kadate ako ngayon MUWAHAHAHA. Dejoke. As if magiging taken na ako huhu. Mauna ka na sa school hihi. See you l8r alig8r.

Hinatid ako ng driver papunta sa school namin. Surprisingly mabilis siyang mag drive kaya mga 5 minutes lang, andun na kami sa school.

***

Buldivia Series #1: KelliahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon