Chapter 2: Cry

99 4 2
                                    


Chapter 2

Nagising ako kinaumagahan dahil sa alarm clock. Buti naman, nagkaroon ka na rin ng silbi! Bumangod agad ako't nagdasal. Pagkatapos ay pumasok sa banyo.

Matapos lahat ng ginawa ko ay lumabas na ako ng kwarto. Nag-simpleng yellow nalang ako na shirt na may maliit na snowman sa harap at iyong slacks at blazer pa rin habang si Sierra naman ay may naka-dilaw na bell sleeve blouse. Pero 'di tulad kahapon ay naka-ponytail siyang mataas ngayon. Humikab ako.

"Ba't nakaganyan buhok mo?" tanong ko sabay dip sa dulo noong pandesal na hawak ko sa Milo. Kumagat ako sa basang parte habang nakaangat ang tingin sa buhok ni Sierra. "Usually nagbrabraid ka." yup, mahilig talaga siya mag-braid.

"I need to look smart." aniya habang kumakain.

Nagtaas ako ng kilay.

"Nakausap ko kahapon si Sir H—"

"Sino 'yun?"

"Sir H! Tatay nila Haidreyn?" gulat siyang napatingin sa akin. "Kahapon. Nagkasalubong kami ng... err, pamilya nila. Sabi nila'y i-tutor ko daw si Reyn. Sabi ko dito nalang sa condo tutal ay pag-aari rin naman nila ito. Ayon, pumayag. Kaya pupunta dito sila Reyn pagkatapos sa university."

Oh. So that's what happened. Umawang ang labi ko. Ngayon na?! Ay este mamaya?! "Maglinis tayo..." ginala ko ang paningin sa kabuoan ng unit namin. White and brown ang theme nito. Hindi naman masyadong makalat kaya... okay na siguro 'to?

"Wala nang oras. Tsaka hindi naman madumi. Lika na, pasok na tayo." sabay tayo niya hawak hawak ang kaniyang pinggan. Nagkibit balikat ako at binilisang matapos.

Sumakay agad kami sa punong elevator nang matapos. Time check. 6:20. 7:00 ay dapat nasa ekswelahan na kami. May homeroom kasi. Tinago ko ang relo ko sa sleeves ng aking blazer at namulsa na lamang habang pababa. Nagsisiksikan pa kami ng bumukas ang 5th floor. Natigilan ako ng makitang papasok si Bhouws, ang watch man. Jeez! Mas lalo tuloy nagsiksikan.

Nagkatinginan kami ni Sierra. She mouthed "gwapo" habang seryoso ang ekspresyon ng mukha. I wanted to laugh. Kahit inaantok pa rin kami dahil puyat ay nagawa niya pang purihin si Bhouws. Humarap siya sa pader ng elevator at doon nalang binaling ang atensyon.

Nang makarating sa lobby ay nakita kong may katawagan si Bhouws sa malayong gilid pagkalabas namin. The hell? Ba't ko ba tinitignan, anyway? Eh, ang sosyal naman kasi niyang watch man. Dumeretso na kami ni Sierra sa kotse ng makapasok na.

Pagkarating ko sa school ay naghiwalay na agad kami ni Sierra. She's teaching Mathematics at ako naman ay sa Science at English. Nang makarating ako sa klase namin ay agad silang tumahimik. Binati ako't nagsiupo sa mga upuan talaga nila.

"Good morning, Ma'am Caverly."

"Good morning." I replied with a yawn.

Kinuha ko ang aking index card para makapagsimula na sa roll call para sa attendance. All the usual things happened. Nagpa-surprise quiz rin ako kasi trip ko. Stock knowledge lang naman. Kaka-exam lang nila noong nakaraang linggo, eh. Nang mag-break ay sumabay ako sa co-teachers ko. Hindi ko kasama si Sierra dahil may tinatapos siyang test.

Pagkatapos ng lunch break ay nagtipon muna kaming mga nasa high school department teachers sa faculty room dahil may bago daw na guro. Iwewelcome daw namin. And swear, hindi ko alam kung anong mayroon at ngayon lang pumasok ang isang yon.

Buldivia Series #1: KelliahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon