Chapter 5
Sinapian ba si Bhouws at tinutulungan niya ako? Shook. Sana ganto lagi para may pakinabang naman siya no!
Binitbit niya ang mga natitirang plastic bags. Lakas niya ah! Limang mabibigat na plastic bags kaya niyang buhatin in just one go.
Pinindot ko na ang pataas na button ng elevator. Nakakahiya naman eh. Siya nalang nga ang pinagbuhat ko siya pa ang pipindot.
Pumasok kami tas tahimik. Ulit. I guess forever awkward na kami. Oh well.
Pinindot ko na din ung 10th floor. Biglang nagsalita na din si Bhouws. I guess para hindi kami awkward.
"Sa 10th floor ka pala nakatira. Makabisita nga kahit minsan lang." nakangiting sabi ni Bhouws. Aba natuwa pa siya! But why did that just make my heart flutter? TSS. Eh kasi naman no, kahit sino naman ata kikiligin ang pwet kahit slight lang kung may narinig kang may gustong bumisita sayo.
"Geh. Mag doorbell ka. Walang sasagot." nakairap kong sinabi. Hinding hindi mawawala ang pagka mataray ko! Hmph! Haha bad ko talaga.
"Sus. Hindi naman siguro ganoon si Sierra."
Napangiwi ako, "Ah. So siya bibisitahin mo?"
"Hmm, oo? Bakit? Kala mo ikaw? Lul."
"Ah, ganoon?!"
"Joke lang."
Nagbukas na ang elevator at dumeretsyo na kami sa unit ko. Binuksan ko ang pinto namin at linapag din ni Bhouws ang plastic bags sa kitchen. Ung sa may bandang table lang.
"Ge. Pwede ka nang lumayas." sabi ko habang naka crossed arms.
"Wala man lang thank you?"
"Thanks." medyo napilitan kong sabi.
"Alis na ako. May pupuntahan pa ako e. Ciao!" sabi niya habang kumakaway saakin. Lumayas na din siya. Sosyal na watch man, nag-ciciao. Che.
Linigpit ko ang food at linagay sa tamang lagayan. Para organized naman ang bahay namin kahit papaano. Naglinis na din ako kasi nakakahiya naman kay Sierra.
Nagcheck na din ako ng mga powerpoints ng mga estudyante ko. Hays! Stress. Grade 11 na sila tas hindi parin maayos! Well, thats what teachers always say. Pagkatapos nun, chineckan ko din ung pop-quiz nila. Galing talaga ni Harleigh! Perfect nanaman sa quiz na to. Hmm. By the looks of it, siya lang ung naka perfect. Astig.
Sa wakas, tapos na din lahat ng kelangan kong gawin. Ugh. Teacher duties.
Humiga ako sa kama at hinug ko ang malaking bear na binigay ni Dane saakin. Sinapian ata si Dane nung binigay niya saakin to. He usually doesn't give me things like this. Walang 'sweet' sa vocabulary namin ni Dane.
Biglang nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang nagmessage saakin. Soul mate ko na ba? Char.
Si Sierra lang pala.
Sierra Ulo (with matching heart emojis):
Psst. Punta ka d2 sa gym. Mag work out ka din para kahit papaano lumakas din ang buto mo. HAHA. Joke.
Tss. May balak pa siyang asarin ako!
Nagpalit na din ako ng damit. Hihi. I love my outfit. Naka adidas na long sleeves na may stripes sa gilid tas medyo crop top, adidas na leggings na may stripes din sa gilid. White na air max din ang susootin kong shoes kse para twinzies kami ni Sierra hihi.
Pumunta ako sa CR at nagfrench braid na dalawa real quick. Para astig akong tignan habang nag wowork out. HAHAHA.
Nagdala akong tubig just in case na mauhaw ako. Maliit lang naman siya. Tinatamad akong kunin 'yung water bottle ko e.
BINABASA MO ANG
Buldivia Series #1: Kelliah
Fiction généraleKelliah Jade. A random woman with random thoughts in her own random world. Babaeng pinangalan sa skeleton at sa Bratz. Sabi sayo eh. Napaka-random. Kung anu-ano lang naisipan ng nanay. If you would ask the NBSB (No-Boyfriend-Since-Birth) lady, "Ano...