Chapter 11
Sinampal ko si Bhouws para malaman ko kung totoo bang nandito siya. Mahina lang kasi wala naman akong lakas. Umigting ang kaniyang panga at nag-iwas ng tingin sakin. Tumayo siya ng maayos.
Tinignan ko ang kaniyang buhok. Taena asfhjkdl. Bakit ang gwapo niya?
"Umuwi na iyong isa pang kasama mo. Nag-CR si... Pepe? Kung ano man ang pangalan niya. Is she alright? She was crying."
Natahimik ako. May pinagdadaanan ba si Pepe?
"Don't worry about her... paano ka nakapunta dito? How did you know I'm here? And si Sierra?"
Napahilamos nalang sa mukha niya si Bhouws gamit ang mga kamay niya.
"Umalis muna tayo dito. Sasabihin ko sayo sa kotse. Halika na," marahan niyang inabot 'yung wrist ko. Pumayag nalang ako at kinuha na 'yung sling bag ko at tumayo.
"Teka! Si Pepe!" sabi ko. Napatigil sa paglalakad si Bhouws at dahil nasa likuran niya ako nabangga ako sa likod niya.
"She can manage. Sinabi niya ring may kukuha na sa kaniya. Or do you want to wait for her? Para masiguro mong safe siya." Bhouws turned to me at pagkatapos niyang sabihin 'yun tinikom niya agad ang bibig niya. LOL?
Lumunok ako. Saktong nakita ko si Pepe na nagmamadali papuntang table namin.
"Pepe!" tawag ko sa kaniya. Bigla siyang napatingin sa amin ni Bhouws at sa kamay namin. Ah. Hawak pa pala ni Bhouws 'yung wrist ko.
"Kukunin ka na ng Kuya mo?" ngiti-ngiti kong tanong kay Pepe.
Ang awkward ampotek.
"Uhm, yeah?"
"Ah, sige. Aalis na rin kami eh hihi."
"Ah okay." bumeso sa akin si Pepe bago siya lumayo. Hinigit na ako ni Bhouws nang makarating kami sa parking area.
Hindi ko na tinignan anong kotse 'yon at agad nalang na pumasok sa shotgun. Tinapon ko nalang sa backseat 'yung sling bag ko at sinandal ang ulo ko sa upuan. Pumikit ako.
"'Yung seatbelt mo. Ayaw mo naman sigurong ako pa mag-"
Hinila ko agad 'yung seatbelt sa kanan para matahimik siya.
"So... explain?"
"Nag-aaway si Sierra at Aidr and Aidr won't let her go. Nakita ni Sierra ang text mo at sinabihan ako na ako nalang ang kukuha sayo. And I'm free so... yeah... I'm here... picking you up..."
"Bakit ka ba english ng english? Mas kinabog mo pa ako."
Hindi siya sumagot. Snob si Koya.
Bago niya pinaandar 'yung kotse, inabot ko ulit 'yung cellphone ko sa backseat. Lowbatt nga pala 'to. Makahiram nga ng charger.
"May... uh... powerbank ka ba... or something na pang charge?" tanong ko kay Bhouws.
"Eto, saksak mo nalang," may inabot siya sakin. Kind of blurry ang paningin ko kaya hindi ko na alam anong nahahawakan ko kaya siya nalang ang nag-saksak.
BINABASA MO ANG
Buldivia Series #1: Kelliah
Ficción GeneralKelliah Jade. A random woman with random thoughts in her own random world. Babaeng pinangalan sa skeleton at sa Bratz. Sabi sayo eh. Napaka-random. Kung anu-ano lang naisipan ng nanay. If you would ask the NBSB (No-Boyfriend-Since-Birth) lady, "Ano...