Chapter 10: Take You Home

26 3 0
                                    

Chapter 10

"Ba't naman ako nasama diyan?" tanong ni Bhouws kay Aidr.

"Pakipot ka pa, Dude. Tss. Take a break din. You did a good job on maintaining the condominuim kaya parang vacation mo na rin 'yun." ani Aidr.

Natahimik nalang si Bhouws at napailing.

"OMG! Kelly wait!" biglang pumasok ulit si Pepe sa eksena. Kala ko ba umalis na 'to.

"May nakalimutan ka?" tanong ko sa kaniya na nakasilip lang sa pintuan. Nilapitan ko siya.

"Yas hihi. May celebration pala tayo mamaya sa Valkyrie. Punta ka ha?"

"What. Para saan 'yung celebration?"

"Para sa successful foundation day ek ek. May dress code doon. Okay? Okay. Sige bye! See you later!"

Bumalik ako kila Sierra. Nag-aayos na din sila ng gamit ni Aidr. Tapos na pala ang session nila. Teka OMG. 10pm magbubukas 'yung club. Mag-si6 na ngayon. Dapat maghanda na ko kasi medyo traffic pa.

"Ansabe ni Penelope?" tanong ni Sierra habang bitbit ang water bottle at gym bag niya.

"May celebration daw kami sa Valkyrie." kunot-noong sagot ko. "Para daw sa foundation. Kayo?"

"Ah! May ganiyan din kami. Kaso hindi pa napag-uusapan kung kailan ang celebration. Oh well." wika ni Sierra.

Umalis na rin si Bhouws. Nagkatinginan pa kami bago siya lumabas. Pwe. Sumunod sa kaniya si Aidr.

Bumaba na rin kami ni Sierra para makapunta sa unit. Ay naalala kong hindi pa pala ako nakakaligo ampfff. Pumasok nalang agad ako sa banyo dala dala ang towel kong personalized pa ahehehe. May nakalagay doon na "Kelly" na calligraphy sa may dulo ng towel. May maliit pa na crown na naka-tagilid sa taas ng y.

Pagkatapos ko maligo, dumeretso agad ako sa closet ko. Mag-dredress nalang ako. Hayyss. Mag mamake up pa ako. 20 past 6 na. Kinuha ko 'yung pula kong off shoulders na cocktail dress.

Oh my. Eto na 'yung problema ko ever since. AJUJUJUJU.

Hair or make up? Ano mauuna?

Ngumuso ako at sinulyapan 'yung wall clock. Nakakaloka. Malapit na mag-6:30. Ginawa ko nalang muna 'yung hair ko. Mamaya na ang make up.

Nag-half up or half bun ako. However you call it. May natural curls din sa dulo. 'Yung blonde part. Ombré na brown to blonde kase buhok ko 'di ba HAHAHA lol. Though hindi masyado 'yung curls.

Nag-make up na din ako na bagay para sa tan skin ko. As much as possible pinaganda ko ang sarili ko kasi minsan lang 'to huhu. Hinighlight ko 'yung features ko kung meron man. Oh well.

Lumabas na ako ng kwarto. Nasa sala si Sierra at nanonood ng TV. 7 na. Natagalan ako mag-ayos eh.

"WAWH!" biglang napatayo si Sierra sa sofa pagkakita sa akin. "Sino ka?!"

"Si Kamatayan na naka-red. Joke. Ang OA mo ha. Ganoon ba ko kaganda?" nag-hairflip ako at nag-beautiful eyes. HAHAHA.

"No comment," umupo ulit si Sierra sa sofa. "Pero keri na. Kabog!"

"Yeah, whatever," dumeretso ako sa may shoe rack at kinuha 'yung itim na pumps ko.

"Hay. Naloloka ako. Buti ka pa. Makakainom ka and so. Parang itutuloy pa ata namin nung lecheng Aidr na 'yun 'yung pag-gygym niya. Putek! Pina-extend niya pa!"

"Talaga?" lumingon ako sa kaniya. "Babalik ka pa ulit sa gym?"

"Oo tsk. Porket siya may ari nitong condominium eh. Azar. Pinag-break niya pa ako ngayon. Pero babalik na rin ako doon sa taas pagka-alis mo. Haist."

Buldivia Series #1: KelliahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon