Chapter 14: Fireworks

31 2 0
                                    

Chapter 14

Maikli lang ang oras na nakalaan para sa paglalangoy namin. Gutom na kasi sila Griffin at Aidr kaya ayun. Sinabi naman ni Penelope na pwede pa rin kaming lumangoy bukas kung gugustuhin namin. May time pa daw. Hindi na ko umangal.

Kaso. . . biglang umulan nung umahon ako. Saktong hawak ko na 'yung towel na pampunas ko nung bigla na naman akong nabasa. Wow. Ako pa lang ang nakakaahon talaga dahil nag-one last swim 'yung iba. Well, except kay Bhouws. Nauna na siya kanina pa. May ginawa ata. Or inasikaso. Whatever.

"Mauna na ako froglets!" tumakbo ako papasok ng bahay.

Naabutan ko si Bhouws sa sala na naka-bihis nang pang-baseball tee at shorts. As expected. May tinitignan siya sa cellphone. Inangat niya ang tingin nang maramdamang nandoon ako.

"Uy, hi."

Tumango lang siya.

Cold naman. Plus sobrang awkward ng katahimikan. Ang tanging naririnig lang dito is 'yung mga patak ng ulan sa labas, ang pagtulo ng tubig sa katawan ko pabagsak sa wooden floor, at 'yung pag-tap ng paa ni Bhouws sa sahig. Nanginginig na ako sa lamig habang binabalot ang sarili ko sa towel na dala. Everything's just so cold. Dederetso na sana ako sa kwarto para maka-shower na nung nagsalita naman siya. Nagulat ako hah!

"Ba't umalis ka agad?"

"H-ha? Saan?" nag-blanko agad 'yung isip ko nung nagkatinginan kami. Owkay. Siguro nagtataka siya bat umahon agad ako? 'Yun, probably? Eh siya din naman 'di ba?

"Dagat." he simply replied, looking straight at me. Hindi ko mahulaan anong nasa isip ng watch man na 'to. Doon ko lang din na-realize na nag-tan 'yung skin niya kahit konti. In fairness naman, bagay sa kaniya. Tall, (not-really) dark, and. . . handsome ang drama?

"A-ah," inalala ko 'yung nangyari kanina. "Gutom na daw kasi sila Aidr at Griff kaya ayun."

Sakto ding bumukas 'yung pinto at nagdatingan sila Sierra, Gray at Aidr.

"Oh, hindi ka pa maliligo?" si Sierra nang mapansin ako.

Napatango ako. "Maliligo na. Susunod ka?"

"Yeah. Bilisan mo."

Pagkatapos kong maglinis ng katawan, sinuot ko na 'yung hinanda ko para sa sarili ko na kulay asul na off-shoulders at isang itim na high waisted shorts. Ganoon din si Sierra. Pula naman sa kaniya at long sleeves. Si Pepe, as usual, green off-shoulders naman.

Nag-uusap kami ni Pepe tungkol sa school habang naghihintay sa labas ng van. Pumayag naman si Manong Eyowsz na hiramin muna namin 'yun. Napatingala ako sa madilim nang langit na puno na ng mga bitwin. Ang ganda tignan. 'Di na rin nagtagal nang dumating sila Bhouws.

"I will be your driver for tonight!" deklara ni Pepe saka naupo sa driver's seat.

"Where are we going?" tanong ni Gray.

"Uh, sa isang restaurant. I forgot the name but I surely remember the way." ani Pepe. "Promise, masarap pagkain doon! 'Di kayo magsisisi. So, trust me on this!"

Gaya kanina, naupo si Griffin sa tabi ng driver's seat. Nauna naman si Gray umupo sa nasa unahang upuan. Napakunot ang noo ko nang makita si Sierra at Aidr na nag-uusap, nagtatawanan actually na nakalimutan na ako ni Sierra. Tumabi siya kay Gray at sumunod naman si Aidr sa tabi niya. Bale, nasa gitna si Sierra nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buldivia Series #1: KelliahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon