Chapter 4"Little do you know
How I'm breaking while you fall asleep
Little do you know
I'm still haunted by the memories..."
Umagang-umaga ng sabado. Pagkalabas ko ng kwarto ko ng mga hapon ay nagpapatugtog si Sierra. Nasa sala siya at dahan-dahang sumasayaw habang nakikikanta. Nakakaloka. Nginiwian ko siya at naghanda na lang ng pagkain.
"Little do you know
I'm trying to pick myself up...
piece by piece...
little do you know I... need a little more time."
Pagka-bukas ko ng ref ay halos walang laman. Walang pwedeng maluto, kung ganoon? Hmm. Stress naman. Nilingon ko si Sierra sa living room.
"Hindi ka kumain ng breakfast?" tanong ko.
Nilingon niya ako. "Nope. Kagigising ko lang mga 15 minutes ago. Nag-check pa ako ng iilang tests."
Napanguso ako. "Tara, grocery tayo. Walang maluto dito."
She groaned tapos ay pinuntahan ang iPad sa sofa na naka-speaker. Tinigil niya ang pag-pplay ng Little Do You Know. "Ang cute ng kanta na 'to. Kapangalan ko kasi kumanta." she smiled sheepishly.
"Che."
Humalakhak siya. Tumungo na lang ako sa aking kwarto para makapaghanda na sa pag-alis. "Maliligo na ako. Ikaw din. Baka mapagkamalan kang maid ko."
"Wow, ha?! Baka nga ikaw, mapagkamalang shadow ko, eh." humalakhak siya muli.
"WHAT?!" hindi naman ako ganoon ka-itim, ah?! Nalason na yata ni Dane ang utak niya! Che!
Umirap nalang ako at mabilisang naligo. Kung mabilis man ang 30 minutes. LOL. Lumabas ako sa banyo pagkatapos at kumuha nalang ng itim na crop top na may maliit na rose sa top right. Pinares ko iyon sa isang light blue high-waisted ripped jeans.
Pagkalabas ko, wala pa si Sierra. Syempre pagong siya, e. Baka naliligo pa. O something. Dumeretso ako sa sala at nakita ang kaniyang iPad na naka-connect pa sa speaker. Naupo ako sa tabi noon at pinlay ang Dear No One ni Tori Kelly.
"Ahy lahyk bhein' ihndehpehndunt. Nuh so much ohf an innvusmunt. No one to tell me what to doohuhh." trying hard kong pagkanta. Sad reacts only. Nagulat ako ng dali-daling lumabas ng kwarto niya si Sierra. She had that terrified look in her face habang nag-tatali siya ng buhok.
"Anong nangyayari?! Halos mabasag iyong salamin ko!" nagpapanic niyang sabi.
"Grabe ka naman." irap ko.
"'Di nga! Seryoso!"
"CHE!"
Lumabas siya ng kwarto niya ng tuluyan. Kinuha niya 'yung airmax niyang puti sa Nike bago naupo sa tabi ko. Saka niya iyon sinuot. Lumapit nalang ako sa may shoe rack para kunin 'yung toms kong bigay sakin ni Mama.
"I like being by myself
Don't gotta entertain anybody else
BINABASA MO ANG
Buldivia Series #1: Kelliah
Fiksi UmumKelliah Jade. A random woman with random thoughts in her own random world. Babaeng pinangalan sa skeleton at sa Bratz. Sabi sayo eh. Napaka-random. Kung anu-ano lang naisipan ng nanay. If you would ask the NBSB (No-Boyfriend-Since-Birth) lady, "Ano...