Forbidden Love 5

10.2K 113 7
                                        

ARA P.O.V

AFTER THREE YEARS.

"Wah! Di pa din ako makapaniwala! Isang taon nalang at gagraduate na tayo!" Sabay palakpak ni Karen.

"Oo nga ! Parang kailan lang no? Magiging journalist na din tayo!" sagot din ni Danna.

"Grumaduate na muna tayo. Isang taon na nga lang pero madami pang mangyayari. Marami pang neurons ang mamamatay sa atin. Lalo na sa thesis natin," basag sa kanila ni Loriele.

"May naisip na ba kayong lugar or topic para i-feature? Sabi nila kapag maganda daw ang nagawa mong article may possibility daw na school na din mismo ang maghahanap ng trabaho para sa atin kaya dapat bongga ang lugar na ita-topic natin."

"Nag-iisip na nga ako ngayon eh. Nae-excite na ako."

"Second sem pa 'yun. Enrol muna tayo ng first sem," pambabara ko din sa kanya. Tama sila, ang bilis ng panahon. Ngayon, pa-graduate na kami. Parang kahapon lang ay hindi ko pa alam kung paano akong makapag-aaral ng college, kung saan akong kukuha ng perang pang-tuition. Pero ngayon isang taon na nga lang talaga at isa-isa ng matutupad ang aking pangarap para sa mga magulang at kapatid ko. Thank you, Lord and for all the people you sent for my rescue. 

"Gala tayo?" aya ni Karen.

"Di ako pwede eh. Kelangan kong umuwi ngayon ng maaga," tanggi ko.

Ngayon kasi uuwi si Kuya, after 8 months, makakauwi na din siya. At super excited na talaga ako. Sana naman matagal siyang andito kasi kahit na nasa bakasyon siya, panay pa din ang tawag sa kanya para mag-report.

"Oh siya sige na. Mag-ingat ka!" sabay kaway sa akin ni Danna.

Tumango ako at tumalima na. Pagdating ko sa mansiyon ay naabutan ko si Tita na nasa garden na naman.  Nagmano ako sa kanya. Napa-maang ako nang makita na nasa labas ang kotse ni Kuya. "Ah Tita, andito na po ba si Kuya Jeff?"

"Yes iha. Nasa taas siya, baka nagpapahinga muna."

Napatango ako nang kumalat na naman sa katawan ko 'yung excitement. Pumasok na ako, dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit matapos maligo. Lumabas ako para katukin si Kuya pero nagdalawang-isip ako. Baka kasi pagod siya sa byahe at natutulog pa. Pero miss ko na talaga siya. Aish. Mamaya na nga lang baka maka-istorbo pa ako.

"Why don't you knock?"

Gulat akong napalingon. "K-Kuya! " Anas ko, akala ko natutulog siya. Lumapit siya sa akin kaya napasandal ako sa pinto. Ang gwapo talaga niya, mas pumogi nga yata ngayon kahit na medyo nasunog sa araw ang balat niya, siguro sa mga mission. Dumipa siya para makorner ako, yumuko siya sa akin.

"A-Akala ko nasa loob ka at natutulog? Saan—hmmpp!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang dumukwang at inangkin ang labi ko. Nanulak agad ako pero parang gigil na gigil siya na ayaw talaga niya akong bitawan.

"Ara ano ba?" Inis niyang asik sa akin nang ipagitna ko ang palad ko sa mga labi namin para mapuknat yung bibig niya sa akin.

"Nasa labas kaya tayo," hingal kong tugon. Umirap lang siya saka binuksan ang pinto at binuhat ako papasok—yung pang-bridal style. Natampal ko siya sa balikat nang i-lock na niya ang pinto. Pinatong niya ako sa ibabaw ng cabinet niya at agad na kinuyamos ng halik. 

Yumapos ang dalawa niyang braso sa beywang ko, yumakap naman ako sa may batok niya. We are really eating each other's lips. Sinabayan ko ang mapusok na galaw ng bibig niya, sinalubong ko din ang dila niya na naglalaro sa loob ng bunganga ko. Whoa! I miss his lips.

Napatitig ako sa namumula at namamasa niyang bibig nang saglit na mag-hiwalay ng bahagya ang mga labi namin para makahinga. Those lips were dominating as always—a certified monster kisser! Saglit lang ay nag-niniig na naman ang mga bunganga namin, wala ng sali-salita 'to. 

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon