Chapter 1: LOVE? No way.

10 0 0
                                    

The Person Inside

CHAPTER 1: Love? No way.

Ako si Danica Jasmine Lo. Yep, I'm half-pinoy and half-chinese. Common na yan dito sa Pilipinas, sa napakaraming Chinese na dito na nakatira. I'm 15 yrs. old and currently studying at Mason Academy.

I've been living a life based on what people expect of me. Kaya sobrang pressuring. Never kong naexperience to be free, someone who can do whatever they want. Hindi ko pwedeng ipakitang naiinis ako sa ibang tao kase kilala nila ako bilang sobrag bait na makaiintindi sa lahat ng gawin nila. Pero, know what? Lahat ng tao napupuno, lahat ng tao may LIMIT.

Hindi rin ako pwedeng gumawa ng kahit anong pwedeng sumira sa reputasyon at respect na pinagkahirapan kong i-establish these past 3 years. My parents have been very strict regarding my conduct. Since I've started on the wrong foot at being one of the top students at school, they always say na dapat ganito, dapat ganyan, hindi pwede to, hindi pwede yan. NAKAKAINIS NA. >.<

Sino ba namang teenager ang gugustuhing makahon sa mga ideals nila na boring at kalimitan ay out-dated. Pero, tulad nga ng sabi ko, hindi lang naman parents ko ang maraming ineexpect mula sa akin. Pati teachers at classmates ko. LAHAT SILA.

This led me to thinking na I can only be true to those who will accept me whole-heartedly. Fortunately, I've found my best friend, Samantha. Kahit papaano, nakakapagpagaan siya ng loob ko at nalalabasan ko ng mga hinanakit ko. At maging sino man ako tanggap niya ako. Siya lang rin ang una kong napagsabihan tungkol sa nararamdaman ko towards this guy who I can't place myself with.

Sa loob ng 3 years na iyon, kahit i-deny ko pa sa sarili ko, SIYA ay 'special' para sa akin. Kaso, basura lang ako sa kanya. T^T

Let's back up a bit to the time kung kailan ko SIYA nagustuhan. Ang lalaking gusto ko nang tirisin na parang kuto pero sa tuwing kakausapin niya ako parang nawawala lahat ng inis ko sa kanya. Ah basta, ewan ko, hindi ko rin maintindihan. ~___~

At ang pangalan niya? Siya si James Andrew Fernandez. Ever since nakita ko siya, to be honest, he really did catch my attention. At halos tumalon na ako sa isip ko nung nalaman kong magka-section pala kami! (yay! ^o^!)

Lumalim ang nararamdaman ko as weeks go by at lalo ko siyang nakilala. At hindi lang ako nagiisa. Lahat ng babae sa school na-inlove sa kanya. Paanong hinde? Mayaman, gwapo, sporty, matangkad at TOP 1 ng batch. BUT, (lagi namang may 'BUT' eh, naniniwala akong walang perpektong tao sa mundo!) MAYABANG, SELF-CENTERED at WALANG PAKI-ELAM SA IBA. =P

Nung naging heartthrob na siya sa school, nagsimulang mamatay ang feelings ko sa kanya. Lalo na nung naging 2nd Year High School na kami at nagkahiwalay ng section. Pero sinong niloko ko? Akala ko okay na ako at naka-move on sa mga pantasya ko na 'kami' sana, pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Hindi pa ba siya nakuntento na hayaan akong magkagusto sa isang taong MAYABANG. Hate na hate ko ang mayabang.

The more you HATE the more you LOVE nga talaga. *facepalm* kainis!

Naging magkaklase kami pagtuntong ng 3rd year at here we go again. =_=" Inlove na naman ako sa kanya. badtrip. BAD TRIP talaga!

Pero wait, pano yon? Shucks, bawal kase to eh. Ang ma-inlove ako. Kase nga diba, when you're inlove, you go CRAZY.

I can't be CRAZY.

Bawal talaga. BAWAL. O_O

_____________________________________________

Writer's Note:

Hi there readers! Comment naman kayo. =))) Medyo pinagiisipan ko kasi kung tatapusin ko pa ang story na 'to. Medyo busy rin kasi. Pero malapit nang mag-sembreak! :bd And hopefully, wala akong masyadong gawin para focused ako dito at matapos ko.

Anyway, what do you think? Okay ba? Hope to see your comments soon!

THE PERSON INSIDE. APRIL 2012.

(c) KanaIsabel

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Person InsideWhere stories live. Discover now