9; Guilty

274 45 45
                                    

9; Guilty
"A guilt conscience means atleast you have one."

Emerald's POV

Ngayon na nahimasmasan ako ay na-realise ko na ang mean ko sa kaniya kanina. I badly want to say sorry kaso I'm scared na baka he really mean what he said earlier na he hates me already.

Nasa loob parin ako ng C.R and I honestly don't want to go out anymore. I don't know how to face him. Halo nabilang ko na kung ilan ang square sa sahig ng C.R at malapit ko ng matapos mabilang pati na sa pader.

Hindi ko pa man din nadala cellphone ko. Hindi ko na alam kung anong oras na ngayon o kung ilang oras na akong andito. Napabuga na lang ako ng hangin. Condo unit ko 'to pero ako 'tong nagkukulong sa sarili niyang C.R

I can't stay any longer here, nagugutom na ako. Tapos, namamaga pa mata ko kakaiyak. Tumayo ako mula sa kakaupo sa toilet na sinarado ko at tumingin sa salamin.

I honestly look terrible right now, seriously. Namumula ang mata, ang ilong ko na hanggang ngayon ay barado at may bakas ng mga luhang natuyo sa magkabilang pisnge ko. Magulo ang buhok at may ibang nadikit sa pisnge ko.

Naghilamos na ako ng mukha at sinubukan kong bawasan ang pamamaga ng mata ko gamit ang concealer. Eto lang ang make up na nasa loob ng comfort room, naiwan ko ata dito and I'm thankful for that.

Kahit papaano ay nabawasan na ang kapangitan sakin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Kailangan ko na talagang lumabas.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. Sa simpleng pag bukas ng pinto ay parang mag pre-present ako ng isang report sa harap ng presidente sa sobrang kaba.

"Kaya ko 'to." I mentally mumbled to myself. Binuksan ko na ang pinto ng maliit at sumilip dito, wala namang tao. Baka umalis siya? Nakahinga naman ako ng maluwag pero parang may nakabara pa sa lalamunan ko.

Alam ko na hindi mawawala 'tong nakabara hangga't hindi ako nag so-sorry.

Dumiretso na ako sa kusina kasi kanina pa kumukulo ang tiyan ko, nadaanan ko ang sala kaya nakita ko kung anong oras na. Alas sais na ng gabi at mahigit dalawang oras na akong andon sa loob ng banyo. Kaya pala gutom na gutom na ako hindi pa naman din ako nakakain ng tanghalian.

Nakarating na rin ako sa kusina at nagulat ako kasi may nakalapag ng pagkain don. Nakalagay sa plastic container. Sinigang na baboy; ang paborito ko. Napadako ang tingin ko sa may stove, may sinaing na rin.

Akala ko ba ayaw na niya sakin?

Kumuha na ako ng plato at kutsara't tinidor at nagsandok na ako ng kanin. Ang ganda ng pagkakasaing niya. Ang weird ko pa nga kasi gusto ko yung medyo basa siya na parang puto at mukhang naalala niya pa. Umupo na ako sa hapag kainan at tinikman na ang sinigang. Masarap. Ang sarap.

Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako, humahapdi na ang gilid ng mga mata ko.

"Mukha na talaga akong timang.." And with that, all the tears went rushing down my face. Naiimagine ko na andon siya sa harap ko at nag bibiro pa kung gaano kasarap ang pagkain na luto niya, na-idol ko na kuno siya sa sobrang galing niya magluto.

"Gago ka talaga Christian."

~*~

3rd Person's POV

Her Gay Step CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon