3; Decision

262 50 53
                                    

3; Decision
"Everything is about making desicions, Whether it's good or bad, It's your decision to make."

3rd Person's POV

"WHAT?!" Umalingaw-ngaw sa buong kwarto ang sigaw ni Christian. Napanganga na lang si Emerald at napailing dahil alam niya at halata namang napaka-impossible ang hiling ng lolo nila.

"Lo, you know that it's impossible. Pumayag na si Christia-- I mean Christine sa pagpapakasal pero yung gagawa kami ng bata? Lo naman, I want to give my first to the person I love." Namumula na ang tenga ni Emerald, who knows if it's because of embarrassment or frustration.

"Yes, we, girls are sensitive to that!" Sangayon uli ni Christian.

"God, why would I want the both of you to get married in the first place? Of course for a child! How stupid can the both of you get?" Napairap naman ang kanilang lolo.

"Mag hu-huling habilin na nga lang hindi pa marunong humiling ng maayos." Bulong ni Christian na narinig naman ni Emerald.

"I'm sorry lo, but I think I'm backing out. Malaking issue 'to pag nagkataon and I know how much you hate issues. Isa pa, paano na lang sila mama at tito Gerald?" Umiling si Emerald at sinusubukang baguhin ang isip ng kanilang desperadong lolo. Tumango-tango naman si Christian.

"For heaven's sake Emerald, everyone knows you're not a real Alvarez! Nangyayari na 'tong pagpapakasal ng  mag pinsang maharlika to preserve their bloodline since Medieval era! And about your mother and Gerald? C'mon, piece of cake na lang yan." Napahilot ng sentido si Don Raymond na akala mo'y siya ang pinaka-nahihirapan dito.

"...But still" Wala ng maisip na ibato si Emerald para magbago ang isip ng kanilang lolo.

"Christian, pumayag na kayo if not, I won't support your boyfriend's hospital fees. I can also tell all the hospitals here in the Philippines or even outside the country na wag na wag tatanggapin ang lalaki mong gold digger. You know me, Christian I will get what I want even if it's by force." Namutla si Christian sa pagbabanta ng lolo and knowing Raymond, he won't hesitate to do this.

Tinignan ni Christian si Emerald na parang nagmamakaawang pumayag na ito at nagets naman ito ni Emerald.
"I'll think about it." Huling sinabi ni Emerald bago ito tuluyan ng lumabas ng kwarto.

~*~

Emerald's POV

Napasalampak na lang ang ulo ko sa steering wheel ng sasakyan ko. Nasa parking lot parin ako ng condominium na tinutuluyan ko. I believe that it has already been like an hour since I've arrived here.

I know it's my fault kung bakit lumaki ang gulong ito na dapat ay maliit lang. I made things worse. Tapos ako pa ngayon ang tatanggi? I don't have the right to disagree pero ibang usapan na kasi yung gagawa kami ng bata.

I don't even love Christian and I will never see him as a love interest. I sighed. He's gay for pete's sake! But when I saw him earlier akala ko talaga hindi na siya bakla.

Isa lang masasabi ko, ang pogi niya. Those perfect brown hair na medyo mahaba na, his brown eyes at sobrang  habang pilikmata, his perfectly shaped lips and jaw at ang napakalalim niyang dimples. Hindi siya 'sayang' kasi if ever he become transgender I bet, he's a lot more beautiful than me.

Naputol ang pagiisip ko tungkol sa kaniya nung nag ring ang cellphone ko. Number lang.

0917*******
incoming call...

Sinagot ko naman kagad kasi baka importante.

"..Emerald"

"Excuse me? How do you know me? Who's this?"

"Gaga, Si Christine itech. Arte mo! Tagal mong sagutin ang tawag, paimportante lang? Pa-peym?!" Hindi ko nakilala yung boses niya kasi iba yung tunog eh.

"Pasalamat ka nga sinagot ko pa eh. Anong kailangan mo?" Napairap ako kahit hindi niya ako nakikita. Sarap sapakin nitong baklang 'to eh! I would never ever fall inlove with this gay!

There was a long pause before he spoke. Parang bigla namang sumeryoso ang atmosphere.

"Pumayag ka na Em.. Please?" Ayan na naman ang nagmamakaawa niyang boses.

Aangal na sana ako pero may idunugtong siya.

"We don't have to do the 'thing' you don't want to do naman eh. I so don't want to do it either. It's like nagiging tomboy ako. Pwe."

"Aba, paano naman kaya tayo makakagawa ng apo sa tuhod ni Lolo kung hindi natin gagawin yon?"

"Pwede naman tayong mag ampon! Duh!"

"Gaga, hindi mo kilala lolo mo no? Siyempre, mag iimbestiga yan kung talagang anak natin 'yon." Napabuga na lang ako ng hangin.

"Sabagay, makakahanap naman tayo ng paraan pag kaharap na natin yung problema. Kaya pumayag ka na, please?"

"I.. I honestly don't know."

"Dali na! I promise, maghihiwalay naman tayo if.."

"Pag namatay na si Lolo?" I continued what he was about to say.

"..Oo." We sound so disrespectful, waiting for someone to die.

"Fine." I surrender. After all, this is all my fault.

"Yay! Let's talk about the details of our marriage later." He sounds really happy not because he wants to marry me but because he wants to save his boyfriend. He needs lolo's money. I don't know why pero parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Okay." Ibababa ko na sana yung tawag kaso may pahabol siya.

"Y'know what? I could make you fall for me kasi sabi mo diba you want to give your first to someone you love? Then, there's no problem if you fall for me right?" Napanganga ako sa sinabi niya, literal! I heard a chuckle from the other line.

"Just kidding! Never akong magiging tomboy no! Nebaler aketch tatalikod sa pederasyon! Ciao future wyp! Yuck!" At binaba na niya ang tawag.

"Fuck you." Napabulong na lang ako sa hangin at napahawak sa dibdib ko. Takteng bakla 'yon ah. He sounded so manly there!

Hindi ko talaga alam kung ano 'tong napasok ko.

"But I know one thing, this will be very bad for my heart."

_____________

Okay guyseus! Tapos na naman ang isang chapteeeer! Lalala~ Tagal kong magupdate kasi walang interneeeet! Meghed.

Don't forget to leave a comment and press that star button! Alabyo~
|THIS IS A WORK OF FICTION|

Her Gay Step CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon