7; Close or not?

238 46 54
                                    

7; Close or not?
"Admit it. No matter how close you are to a person, there will be time when you two might become just strangers."

Emerald's POV

This is the day. The day my lolo has been waiting for. Did you think I'll back out? Tumutupad ako sa usapan.

I bet, this ceremony will be one of the most awkward ceremony I've ever been to.

Honestly, I badly want to back out. Thinking that I'll marry someone who's over protective of his boyfriend. Yuck.

Kilala ko na siya even before he acknowledged himself a gay. Tapos mas pipiliin niyang ipagtanggol yung hinayupak na 'yon?

I just mentally rolled my eyes.

Papunta na ako sa venue. I just wore a white off shoulder dress na below the knee at doll shoes na black. Nag light make up lang ako at kinulot yung buhok ko into beachy waves.

Half an hour later, nakarating na ako kung saan kami ikakasal and guess what? Wala pa siya.

Seriously?! Sino babae sa'min?!

Mga ilang relatives lang ang andito at mawawala pa ba si lolo? Even my mom and step dad are here. Yung parents din ni Christian ay andito. Andito na rin ang judge at ang hihintay na lang talaga ay si Christian.
Sige, pag wala pa siya ng 10 mins. Ica-cancel ko na 'tong kasalan. Ginigigil ako ni baklita. Siya na nga 'tong binibigyan ng chance para sa financial support ni lolo!

"Okay ka lang ba 'nak?" Tanong ni mama sa akin. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si mama at si tito sa kinauupuan ko dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko, mas malalim pa sa pacific ocean.

"Yes ma. Nakakainis lang kasi yung bride pa talaga yung nauna imbes na yung groom." I gritted my teeth. Muntik na akong mapatalon ng biglang may umubo sa likuran namin.
"I'm sorry I'm late." Lumingon ako at tila nag slow motion uli ang lahat. How corny.

I must admit, ang pogi niya sa suot niya. He even cut his hair at kinulayan niya pa 'to ng dark brown. He's wearing a.. tuxedo?

Dafuq?!

"I think you're overly formal for this." Sabi ko sa kaniya at inirapan siya. Kung wala lang nakatingin, kanina ko pa pinakyu 'to.

Lumapit siya sakin. As in, malapit. So close to the point na nararamdaman ko na yung hininga niya sa may tenga ko. I should've worn a stiletto. Kahit na matangkad akong babae, he's still taller.

"Don't be mad, babe. Dumating na ako oh." Bulong niya sa tenga ko. I'm the type of girl na hindi namumula ang pisnge ko kundi ang tenga ko. Now, my ears are blazing hot but I keep my face straight. Kunyari, hindi naapektuhan. Well, kunyari lang naman.

Kami na ngayon ang center of attraction. I sighed. Sino ba naman hindi mapapatingin samin? Si Christian Alvarez ang self proclaim Christine ay lalaking lalaki na umasta ngayon. 'Umasta' lang, hindi naman totoo.

"If you're a bit later than this, I would've cancelled the wedding Mr. Christian Alvarez." Nginisian ko siya then turned my back at him.

"Bilisan mo, kanina pa naghihintay si ninong." Yes, ninong ko ang judge.

"Yes ma'am." Bago pa siya makalakad ay lumapit uli ako sa kaniya ng kasing lapit niya sakin kanina and slowly whisper the words I've been wanting to say since earlier.

Her Gay Step CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon