10; Feelings

290 36 28
                                    

10; Feelings
"Having feelings for someone you can never call mine"

Emerald's POV

Ang lambot ng labi niya. Shit. Eto ang paulit-ulit na nasa utak ko. Those pink lips aren't just for design huh? Mas lalong lumalim ang halik nang bigla niyang hinatak yung batok ko. Napapikit na lang ako kasi bes anubey? Masharap siya.

"..Michael.."

And that hit me like a bullet. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Ang sakit. Tinulak ko siya sa dibdib para lumayo sa kaniya pero malakas siya o sadyang nanghihina lang talaga ako ngayon.

Mas lalo niyang pinalalim ang halik at ang mga kamay niya ay dumadayo na sa iba't ibang lugar.

"Hmm.. Michael.." Ulit niya sa pangalan ng kaniyang nobyo. Ayoko na, naiiyak na ako. Ano 'to? Pain with pleasure? Nang dumapo ang kamay niya sa dibdib ko ay tila nahimasmasan din siya. Napadilat ang kaninang nakapikit niyang mata.

"S-Shit! Sorry Emerald. F-Fuck." Ngumiti ako ng pilit. What's this feeling? I want him to realise na I'm hurting but at the same time I don't. I'll just pretend na walang malisya.

Pretend.

Yep, diyan kami magaling eh. Ang mag panggap.

"A-Ano ka ba, okay lang no. Lasing ka lang." Umayos na ako kagad ng upo at nag umpisa na akong magmaneho. This is so fucking awkward. Walang nagtangkang basagin ang katahimikan. Pero yung sandali lang na biyahe parang wala ng katapusan.

Kanina ko pa gustong umiyak. Yung parang taeng-tae ka na pero bawal kang tumae kasi nasa importanteng event ka. Ang pangit ng example ko. Sorry na, heart broken lang.

Matapos ng mahabang biyahe ay sa wakas nakarating na rin kami sa condo ko. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng kotse ko, lumabas na rin siya. Ni-lock ko na yung kotse at agad agad na pumasok sa loob. Hindi ko siya pinapansin pero alam kong hindi ito pwedeng magtagal kung hindi, parehas lang din kaming mahihirapan after all. Starting from now on, we are husband and wife at nakatira lang kami sa ilalim ng iisang bubong.

"N-Nga pala, ang sarap ng luto mo kanina ah? Even the rice. Alam na alam mo pa rin talaga yung mga tipo ko no?" I tried to lighten up the tension between us and I think I succeeded a little bit.

"Talaga? I'm glad! Siyempre, you're my bestest friend! How can I forget your favorites?" Ngumiti naman siya at mukhang nakahinga ng malalim maybe because he thinks I don't mind what happen but deep inside.. I really do mind. Like hell, dalawang beses niya akong nahawakan ngayong araw.

Though, alam ko namang kasalanan ko.

Ngumiti na lang din ako. Papikit-pikit na siya ng mata even though nagsasalita na siya ng diretso,  hindi pa rin matatago ang kalasing siya. Ang dami kaya niyang nainom.

I hesitantly grabbed his right arm to support his balance. Mamaya, matumba pa 'to. Ngayon ko lang napansin but he really is so handsome up close. Ang lakas ng appeal. Ang tangkad. I'm a tall girl but still, he's a lot taller than me. Napalingon siya sa'kin nung bigla kong hinawakan yung braso niya. I can see that he is also affected by what happened earlier.

"Walang malisya beshy, I'm doing this to support your balance. Mamaya gumulong ka diyan, kasalanan ko pa." Tinakpan ko ng buhok ko yung tenga ko kasi I can feel it. Namumula na sila, I cannot.

Natawa naman siya sa mga sinasabi ko. Is it just me pero bakit pati tawa niya parang nagiging manly? Yung totoo? Sino ba lasing sa'min? Ako o siya? After the long walk ay nakarating na kami sa unit ko na magiging unit na namin.

I tapped the code at bumukas din ang pinto. Pumasok na rin siya at diretso agad sa banyo, maybe to freshen up a bit. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Antok na antok na ako, dagdag mo pa na namamaga mata ko. Dahan dahan akong humiga sa kama. Nilalasap ko yung lambot ng kama.

3rd Person's POV

Lumabas na si Christian sa banyo wearing only a piece of towel to cover his lower body. Buti na lang at tulog na si Emerald. Sobrang nahimasmasan si Christian, naalala na niya kung ano pinaggagagawa niya kay Emerald and he felt really embarrassed. He also felt bad for doing those.

Dumiretso siya sa kwarto ni Emerald kasi doon niya nalagay ang maleta niya, basically andon ang mga gamit niya. He slowly open the door kasi baka gising si Emerald at magulat siya pag nakita niya si Christian. Nakahinga uli siya ng malalim nung nakita niyang mahimbing itong natutulog.

Nagbihis na si Christian. Nag boxer lang siya na red at isang sando. Dala na rin siguro ng alak kaya sobra siyang naiinitan kahit na naka-todo na ang aircon sa buong unit ni Emerald.

Napadako ang tingin niya kay Emerald.

"Ang sarap sigurong matulog dito." Sabi ni Christian sa isip niya. Mabango sa kwarto ni Emerald, hindi babaeng-babae. Sakto lang nakaka-relax din ang atmosphere.

He can't fight the urges to sleep beside her. Dahan dahan siyang humiga kasi baka magising niya si Emerald. Nang makahiga na siya ay bigla na lang siya niyakap ni Emerald, dinagan pa ang paa nito sa katawan niya.

"Oh my goodness gracious. Baluktot si ako at wala akong balak tumalikod sa pederasyon." Napapikit ng madiin si Christian nung naramdaman niya na may dumidikit sa kaniyang malambot.

"Putahamnida desu, I cannot. Jusmeyo, antok na antok na ako. Walang malisya itey, magkauri kami ni Em." Hindi rin nagtagal ay unti-unti nang bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata.

Her Gay Step CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon