Marian's POV
Maingay, madaming tao, madilim at tanging maliliit na ilaw na may iba't-ibang kulay lamang ang nagliliwanag doon. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito. Pero wala na akong choice. Nandito na ako, kaya papanindigan ko nalang ito.
" Marian, okay ka lang ba? Sigurado ka ba dito? " tanong sakin ni Jenny.
Tanging pagtango nalang ang naisagot ko sakanya. Hindi ko alam pero parang napipi ako bigla.
" Ihatid nalang kaya kita? " tanong niya muli.
Umiling naman ako bilang sagot. At sa wakas ay may lumabas naring boses mula sa aking bibig. " O-okay lang ako, bessy. Kaya ko ito. "
Hindi maipinta ang mukha ni Jenny habang nakatitig sakin. Alam ko naman kasing labag sa loob niya na isama ako sa trabaho niyang ito. Pero wala siyang magawa. Nagpumilit ako. Kailangan ko lang talaga ng pera.
" 'Yong pinag-usapan natin, Marian ha? Pagkatapos mo makabayad kay Aling Cora ay titigil ka na dito. " paalala niya.
" Oo Jenny. Wag ka mag-alala, tutuparin ko yung usapan. " sagot ko sakanya.
Hindi ko naman gugustuhin ang magtagal sa trabahong ito. Kahit pa si Jenny, ay ayaw ko narin mag-trabaho dito. Pero wala akong magawa. Alam kong di ko siya mapipigilan.
Nang makapasok kami sa isang di kalakihang kwarto ay lalo akong kinabahan. Ang daming mga babae. Kanya-kanya silang bihis, ayos ng damit, at kolorete sa mukha. Magulo sila sa kwarto dahil sa pagmamadali. Maya-maya pa ay may lumapit samin ang isang babae. Siguro mga nasa kalagitnaan ng 40's ang edad niya. Hindi ako sigurado.
" Mamita! " bati sakanya ni Jenny ng nasa tapat na namin ang babae.
" Siya ba yung sinasabi mo, Jhane? " tanong niya kay Jenny.
Teka, Jhane? Bakit niya tinawag na Jhane si Jenny? Hindi naman iyon ang tunay niyang pangalan.
Tumango si Jenny bilang sagot. " Opo, mamita. Siya po. Iyong napag-usapan natin a? Wag siya ilalabas. " paki-usap ni Jenny sa tinatawag niyang mamita.
Tinignan ako ng babae. Mula ulo hanggang paa. Para bang sinusuri niya ang buo kong katawan. Medyo natakot ako kasi mataray ang awra ng mukha niya.
" Hindi ko masasabi yan, Jhane. Ang gandang bata nito. At fresh na fresh. " sabi ng babae.
" P-pero mamita, sige na. Hindi talaga siya pwedeng ilabas. " pagpupumilit ni Jenny.
Napabuntong hininga ang babae. " O siya, pasalamat ka at malakas ka sakin. Sige, hindi ko siya ipapalabas. "
Ngumiti naman si Jenny ng malawak at niyakap ang babaeng kausap niya.
" Salamat mamita! "
" Sige, paghandain mo na yan. Isasalang ko yan sa stage. " sabi ng babae at tuluyang umalis.
Agad naman akong hinarap ni Jenny.
" Marian, diba sabi mo, nagsasayaw ka nuon sa school niyo sa probinsya? " tanong sakin ni Jenny.
BINABASA MO ANG
Take A Chance (TheWattys2018 Longlist)
RomantikPinalayas si Marian De Mesa sa kanilang bahay dahil sa isang pagkakamali na hindi naman siya ang may gawa. Ngayong siya na lang mag-isa, makakaya niya bang mabuhay o may isang taong handang tulungan at mahalin siya?