Jenny's POV
Pag-uwi ko ng apartment ay agad kong sinilip si Marian sa kanyang kwarto. Ala-sais na ng umaga kaya naman alam kong gising na siya. Pag-silip ko sa kwarto niya ay bukas na iyon kaya naman dumiretso na akong pumasok.
" Goodmorning bessy! May dala akong pudding almusal natin. " bungad ko sakanya.
Inilapag ko ang tinapay na dala ko at nag-timpla ng kape naming dalawa. Katatapos niya lang maligo at nagbibihis pa lang siya.
" Salamat bessy. Inumaga ka na naman a? " sabi niya at lumapit na sakin.
Naupo na kami at binigay ko na sakanya ang kape niya. Magkatapat kami ng upuan.
" Maraming customers. Alam mo naman diba? Saka isa pa, yung boyfriend mo lasing na lasing kagabi. " kwento ko sakanya.
Agad siyang natigilan at nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin.
" N-nandon si Harry kagabi? " takang tanong niya.
Tumango naman ako sakanya bilang sagot. " Nag-inom sila kagabi ng mga kaibigan niya. Sila Sir Jackson? Tapos nakita niya ko kaya nakipag-kwentuhan siya. Sinabi niya rin sakin kung ano yung naging problema niyo. Kaya pala kahapon palang ng umaga ay pansin ko ng hindi ka okay. Hindi nalang ako nangulit dahil pagod rin ako sa trabaho. "
Napatungo naman siya at biglang nanahimik.
" Alam mo bessy, ang lungkot ni Harry kagabi. Kung nakita mo lang ang itsura niya habang nagku-kwento, maaawa ka sakanya. " hindi parin siya umimik kaya pinag-patuloy ko ang pagku-kwento. " Nagselos pala siya kay Danny? Hindi mo ba nabanggit sakanya na nilalakad mo sakin ang mokong na yon? "
Umiling siya. " N-nawala kasi sa isip ko. " sagot niya.
Tumango-tango naman ako. " Kaya pala wala siyang kaalam-alam. Kaya pala nagselos siya. Pero wag kang mag-alala bessy. Uminom lang siya kagabi at wala siyang ginawang kalokohan. Ako nga lang ang tinable niya kagabi para hindi daw siya kulitin nila Sir Jackson na kumuha ng babae. Dahil ayaw nga daw niyang madagdagan ang kasalanan niya sayo. "
Napatingin naman siya sakin. Tinatago niya pa ang pagkatuwa sa sinabi ko.
" T-talaga bessy? " hindi siya makapaniwala.
Tumango naman ako bilang sagot. " Totoo yon, bessy. Hindi ko siya pinagtatakpan. Kaya kapag nagkita kayo mamaya, kausapin mo na siya ha? Wag na kayo mag-away. Pinapahirapan niyo lang ang sarili niyo. Alam ko naman at kita ko naman sa mga kilos niyo na hindi niyo kayang nag-aaway kayo. "
" Kahapon ko pa naman talaga siya gustong kausapin e. Ang kaso hindi naman siya pumasok. Tapos hindi pa siya nagpaalam sakin na pupunta pala siya ng bar. "
Humigop pa ako ng kape bago muling nagsalita. " Sus! Pabebe karin kasi bessy e. Wag mo ng awayin dahil nalaman mo na pumunta siya don. Imbes na magiging maayos kayo e baka naman awayin mo pa at lumalala pa ang gulo niyo. "
![](https://img.wattpad.com/cover/46264287-288-k493457.jpg)
BINABASA MO ANG
Take A Chance (TheWattys2018 Longlist)
RomancePinalayas si Marian De Mesa sa kanilang bahay dahil sa isang pagkakamali na hindi naman siya ang may gawa. Ngayong siya na lang mag-isa, makakaya niya bang mabuhay o may isang taong handang tulungan at mahalin siya?