Marian's POV
" Marian, sigurado ka bang gusto mo parin pumasok ngayong gabi? Regular ka na diba sa trabaho mo simula bukas? " tanong sakin ni Jenny.
Tumango naman ako sakanya. " Kailangan ko parin yung kikitain ko sa club, bessy. Kasi pandagdag rin yun sa pambayad ko kay Aling Cora. "
Naghahanda kami ngayong dalawa papasok sa club. Kanina niya pa ko sinesermonan. Tungkol sa paglabas ko kagabi at sa pagpasok ko parin ngayon.
" Baka naman kaya gusto mo lang pumasok ay para makita ulit yung customer mo kagabi? Nako bessy umayos ka ha! Hindi araw-araw pareho ang magiging customer mo. At hindi palagi ay suswertehin ka. Na lahat ng magiging customer mo ay katulad ng customer mo kagabi. Paano nalang kung bastos ang naglabas sayo kagabi? Nako talaga! " sermon niyang muli sakin.
" Alam ko naman yun, bessy. Sorry na o? Wag kang mag-alala, yun na yung una't-huling magpapalabas ako. "
" Siguraduhin mo lang! Nako! Di bale ng konti ang kitain ko ngayong gabi. Mabantayan lang kita. "
" Ano ka ba! Okay lang ako, Jenny. Promise, hindi na mauulit yun. "
Nang matapos siya mag-ayos ay nauna na siyang lumabas sa akin. Napabuntong-hininga nalang ako paglabas niya. Galit at masama parin ang loob niya sakin. Sobrang natuwa naman ako kasi alam ko na kaligtasan ko lang ang iniisip niya. Tama naman siya, paano kung hindi mabait ang customer ko? Paano nga kung hindi mabait si Sir Harry kagabi? Ano na kayang nangyari sakin nung gabi na iyon.
Napa-isip ako saglit. Pupunta pa kaya siya ulit ngayon? Maalala niya kaya ako? Malabo siguro. Dahil ang isang katulad ko ay hindi maaalala ng ganoong tipong lalaki. Siguro ay naawa lang siya sakin kagabi dahil sa sobrang takot ko. Pero sigurado ako, nakalimutan na niya iyon.
" Bessy! Lumabas ka na diyan! " biglang sigaw ni Jenny mula sa labas.
Agad akong kumilos palabas at sinara na ang kwarto niya.
Pagdating namin sa club ay agad na kami nagpalit ng damit. Medyo naiilang parin ako sa mga ganitong damit. Pero wala akong magagawa kundi suotin nalang.
Dahil sumayaw na kami nung isang gabi ay ibang batch naman ang nagpe-perform sa stage ngayon. Kami ay naka-upo lang sa isang tabi at naghihintay ng customer.
Habang naghihintay ay iginala ko ang mga mata ko sa buong club. Medyo marami narin ang tao dahil kanina pa nagbukas ang club. Iyong iba ay may mga customer narin.
" At sinong hina-hanap mo? Yung customer mo kagabi? " biglang sabi ni Jenny.
" H-hindi a! Tinitignan ko lang iyong mga tao. Grabe ka naman bessy! " pagde-deny ko sakanya.
Umayos siya ng upo at humarap sakin. Parehas pa kaming walang customer ngayon kaya magkasama pa kami.
" Nako, bessy ha? Sinasabi ko sayo! Wag na wag ka magkaka-gusto sa mga nagiging customer mo. Hindi sila seryoso. At yung iba diyan may mga asawa na. Dine-deny lang nila. Lolokohin ka lang nila, Yhan-yhan. Gagamitin para pampalipas oras. Kaya sinasabi ko sayo, wag kang magkaka-gusto sakanila dahil masasaktan ka lang. " sermon na naman niya sakin.
BINABASA MO ANG
Take A Chance (TheWattys2018 Longlist)
रोमांसPinalayas si Marian De Mesa sa kanilang bahay dahil sa isang pagkakamali na hindi naman siya ang may gawa. Ngayong siya na lang mag-isa, makakaya niya bang mabuhay o may isang taong handang tulungan at mahalin siya?